CHAPTER 33

104K 1.9K 82
                                    

Hannah_gwapa- I dedicated this chapter to you. Thanks for reading my stories.

________________________________

Palakad-lakad si Chelsy sa labas ng operating room. Inaantay ang paglabas ng doctor. Nando'n din si Khem, Brian at nanay Agnes. Iyak ng iyak si Nanay Agnes.

"Babe, halika ka nga dito, upo ka dito." Hinawakan ni James ang kamay niya at pinaupo.

"Ang tagal ng doctor eh."

"Babe, walang mangyayari kay Jake magiging okay siya. Stop worrying." Pilit na pinapakalma ni James si Chelsy.

"Paano kung Hindi maging successful ang operation,  natatakot ako, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sakanya." Bigla na naman tumulo ang mga luha niya.

"Tama na. Makakasama yan sa baby natin eh. He'll be fine okay?" Niyakap nalang niya si Chelsy.

Mga ilang oras na silang nagaantay sa labas ng operating room.

Mga ilang sandali pa at lumabas na ang doctor. Nagsitayuan silang lahat.

"Dok kumusta ang anak ko?" Tanong ni Nanay Agnes.

"Ligtas na siya. Ililipat nalang siya ng kwarto." Doctor declared.

"Salamat diyos ko." Nakahinga silang lahat sa sinabi ng doctor.

"He needs to be on complete bed rest, para mapabilis ang paggaling niya." Doctor says.

"Salamat mo po dok." Nanay Belen says at humarap kay Chelsy at nagyakap ang dalawa.

**

Nilipat na si Jake sa isang private room, wala parin itong malay. Nasa loob silang lahat, nakaupo si Chelsy sa isang upuan sa gilid ng kama at hawak ang kamay ni Jake. Nasa mahabang sofa naman sila James, Brian and Khem.

Nakadapa si Jake dahil sa likod ang sugat nito. Nakaharap ang mukha sa may bahagi niya ni Chelsy.  Lumapit sakanya si Nanay Agnes at hinawakan siya sa balikat.

"Tisay, uwi ka na muna, kailangan mong magpahinga." She looks up to look at her, then she smiles a little.

"Mamaya na po nanay, gusto ko po pag gising ni Jake nandito ako." Tumingin uli siya kay Jake. Hinayaan nalang siya ni Nanay Agnes at muling umupo sa isang upuan. Mga isang oras na silang nagbabantay kay Jake.

Gumalaw ang kamay nito at dahan-dahang dumilat. Napangiti si Chelsy. 

"Jake" Hindi ito umimik. Mga ilang sandali bago ito nagsalita.

"Tisay" Anas ni Jake na parang hirap magsalita. Lumapit agad si Nanaya Agnes.

"Jake, anak, kumusta ka?" Agad na tanong nito.

"Nay...Asan ako?" Mahinnag tanong nito.

"Nasa ospital ka Jake." Sagot ni Chelsy. Kumilos ito ng bahagya na parang gustong humiga.

"Gusto mo bang humiga? May sugat ka sa likod." Lumingon si Chelsy kay James.

"Babe, tulungan mo naman si Jake." Lumapit si James at tinulungan itong humiga na patagilid.

"Kumusta ang pakiramdam mo? Bakit mo ba ginawa yun Jake? Paano kung may nangyaring masama sayo?" Hindi mapigilan ni Chelsy ang hindi maiyak. Tinaas ni Jake ang kamay at marahang pinunas ang luha niya sa pisngi.

"Wag kang umiyak, alam mo naman gagawin ko lahat para protektahan ka diba? Tsaka mas importante ang buhay mo kaysa sakin." Jake says.

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon