CHAPTER 27

79.9K 1.7K 42
                                    

Nagiinuman ang mga lalaki sa bahay nila Andrew. Dumating naman si James.

"Dude! Tara shot tayo." Aya ni Andrew. 

tumawag ito kay Kevin para ayain sa bahay nila uminom. Pero sabi nito na nandito sila kila Andrew lahat.

Ayaw naman umalis ni James kasi nga inaantay niya si Chelsy, pero sinabi ni Kevin  na nasa bachelorette party si Chelsy kasama nila Cassie. Kaya agad na pumunta dito si James.

Umupo ito sa tabi ni Brian, nasa mini bar sila. May maliit na table dito na parang nasa bar talaga ang style.

"Saan ginaganap ang party?" Tanong agad ni James.

"Dude, don't tell me na pupuntahan mo? Hayaan mo muna sila mag'enjoy." Kevin.

"Look, hindi niyo alam kung gaano ka wild ang party na yun. Sasayawan ang mga asawa natin ng halos hubad na lalaki."

"Dude, si Cassie ang nag organize nun, hindi naman daw wild, naughty games, mga ganun, pero wala naman daw lalaki na maghuhubad." Andrew

"Kailangan kong makausap si Chelsy eh. Buong araw kung hindi nakita yun, hindi umuwi. Tapos malalaman ko nasa party, hindi man lang nagpaalam." Napapailing na sabi ni James.

"Mukhang malungkot nga yun kanina." Vince.

"Saan ang party? ako nalang pupunta." -James

"Tara sama nalang kami." Brian says. Tumayo ang lahat at umalis.

*****

Halos lumuwa ang mga mata nila ng makita ang ibang model nagtanggal ng mga pants.

Mga brief at boxer brief nalang ang  suot, ang iba naman naka jeans parin. Bumaba ang ibang male model sa baba at kumuha ng mga kaparehang babae at inakyat sa stage. Doon nagsayaw ang iba. Malakas ang tugtog.

Ang iba naman lumapit sa bride to be. Pinaikutan ito na mga nakabrief at boxer ang iba.

"Oh my god! Bakit ganito? Cassie akala ko ba wholesome to." Sigaw ni Colleen.

"Sorry Colleen, hindi ko alam to." Sigaw ni Cassie.

"Sorry Miss Colleen,  sabi kasi ni Ms. Cassie bahala na akong magdagdag. Ang boring naman kasi ng plano niyo eh. Parang shower wedding lang eh." Sabi  naman ni Recka.

"Aaaahhh! Oh my god! Ayoko na. Go away!" Tili ni Colleen dahil gumigiling sa harap niya ang mga lalaki. Tawanan naman ang lahat dito.

"Okay boys that's enough. Baka himatayin na si Ms. Colleen." Umalis naman ang mga lalaki at naghanap ng mga partners.

"Oh my gulay! Si Tisay hala, nadagit na." Sigaw ni Khem, Agad na tinanggal ang mask niya. Naniningkit na rin ang mata na halatang lasing na rin.

Nagtinginan ang lahat sa stage, nasa pinakaunahan ito ng stage may dalang alak at may kasayaw na lalaki. 

Nakahawak ang lalaki sa bewang ni Chelsy at magkadikit ang katawan nito. Nakahawak si Chelsy sa balikat ng lalaki. Hawak na rin nito ang maskara niya.

"Oh my god! Bakit parang nakikikpagtawanan pa si Chels? Lasing na siya." Colleen says, lahat sila tinaggal na ang mga mask.

"Gawin ba naman tubig nitong dalawa ang alak eh. Paanong hindi malalasing." Celline says. May lumapit sa kanilang mga lalaki.

"Hi miss beautiful. Wanna dance with me?" Sabi ng isang male model kay Khem half naked naka jeans ito.

"Oh my gulay! Ang laki ng katawan. Pero hindi kita type para lang ako kay Brian. Shoo!" Pilit niyang pinaalis ang lalaki. Pero mas lumapit ito sakanya. 

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon