CHAPTER 31

83.5K 1.8K 53
                                    

ShantiaGraceDohig I dedicated this chapter to you. Thanks for reading my stories,  I truly appreciated. Love  you girl.

_________________________________

"Anong sabi mo?" Nagtatagis ang bagang ni James na parang gusto niya itong sapakin.

"Kasalan ko James, inaamin ko. Hindi ko sinasadya. Gusto ko lang siyang protektahan noon." Paliwanag ni Jake.

_________________________________

Flash back:

Nang makita ni Jake si Chelsy sa sa dalamapasigan ng isang isla. Agad niya itong kinuha at dinala sa ospital. isang araw palang si Chelsy sa ospital.

Nakahiga ito sa kama at walang malay, nakabantay si Jake dito at pinagmamasdan ng biglang may pumasok na tatlong lalaki.  Agad siyang tumayo.

"Sino kayo?" Tanong ni Jake.

"Kaibigan ko siya." Sabay tingin kay Chelsy na walang malay.

"Makinig ka, kailangan namin siyang maialis dito. Nanganganib ang buhay niya." Pahayag ng lalaki.

"Bakit? Tsaka hindi ako papayag, kung gusto niyo ipaalam natin sa pulis. Pero hindi ko siya  basta ibibigay sainyo." -Jake

"Makinig ka, nanganganib ang buhay niya. Hindi aksidente ang nangyari sakanya, sinadya." Nagulat si Jake at natakot para kay Chelsy.

"Kung ganun mas dapat kung ipaalam sa mga pulis ang nangyari bago ko siya ibigay sainyo. Anong pangalan mo ba?" -Jake

"Hindi mo pwedeng sabihin sa pulis ang tungkol sakanya,  lalong manganagnib ang buhay niya. Ako si Diego, Ipapaliwanag ko sayo. Kung gusto mo sumama ka, basta kailangan lang siyang mailabas dito ngayon na." Hindi na umimik pa si Jake.

Inilabas si Chelsy sa ospital at dinala sa isang bahay na may clinic sa loob. Sumama din si Jake dito, kasi parang wala siyang tiwala na iwanan si Chelsy sa mga to.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong  ni Diego dito.

"Jake" -Simple niyang sagot.

"Makinig ka Jake, walang dapat makaalam ng tungkol sakanya. Kahit sino." May nilabas si Diego na mga pictures.

"Siya si Chelsy Sebastian Aragon,  isang magaling na Architect, Ito ang pamilya niya." Binigay dito ang larawan ng mga magulang ni Chelsy.

"Yan ang mga magulang niya, Mr. Benjamin Sebastian isang architect and Mrs Catherine Sabastian isang interior designer." Binigay naman ang picture ni James.

"Yan naman ang asawa niya, James Aragon at ito ang mga taong nakakasalamuha niya." Binigay nito ang picture ng grupo.

"Makinig ka Jake, isa sa sakanila ang may gawa ng aksidente, isa sa kanila ang may gustong pumatay kay Chelsy. Maaari pa ngang ang asawa niya, Kaya wag na wag mong ipapaalam sa iba ang tungkol sakanya,  lalo na pag may naghanap sakanya. Kami na ang bahalang sakanya." Mahabang paliwanag ni Diego.

"Hindi ko siya iiwan, hanggat hindi siya nagkakamalay." -Jake

"Bahala ka" Pumayag sila Diego na manatili si Jake para bantayan si Chelsy.  Halos hindi ito umuuwi, halos doon na talaga nakatira.

Isang buwan ang lumipas ng magkamalay si Chelsy. Pagmulat ng mata nito si Jake agad ang nando'n na agad na lumapit kay Chelsy.

"Gising ka na? Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong agad ni Jake. Tsaka naman pumasok si Diego at ang doctor na tumitingin dito.

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon