CHAPTER 29

77.6K 1.7K 58
                                    

Board room:

Halos lahat mukhang pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa kamalasan nila. Lalo na si James na parang masisiraan na ng ulo sa kakaisip kay Chelsy,  mas inaalala niya si Chelsy kaysa sa project na hindi nila nakuha.

"Paano nangyari Mr. President na si Chelsy pa mismo ang nakalaban niyo sa project na yun?" Tanong ng isa.

Walang sumagot sa tanong na yun. Napapahawak nalang siya sa ulo niya habang nakatukod ang dalawang siko sa lamesa.

"Paano ngayon yan? Kaya pala halos lahat ng clients natin napunta sa Borneo dahil nasa kanila si Chelsy." -Sabi naman ng isa.

"Damn! Why this is happening?" Napapasuntok pa siya lamesa. Hinawakan naman agad ito ni Stephanie sa balikat na parang pinapakalma.

"Good morning everyone!" Natigilan ang lahat ng pumasok si Chelsy.  Walang kahit isang nagsasalita. Lumapit si Chelsy sa mahabang lamesa sa pinakadulo. May kasama pa itong dalawang bodyguard.

Nakaupo si James sa dulo ng longside at Stephanie na magakatabi. Sa kabilang side naman si Brian and Andrew.

Napatingin agad si Chelsy kay James at Stephanie na nakahawak pa ito sa balikat at ang isang kamay sa braso.

"Am I welcome here?" She asks. Pero walang sumagot dahil sa pagkabigla ng pagdating niya.

"Ow! I think I'm not. But don't worry guys, I'm not here to catching up with you."

"Babe" Tumayo si James.

"Please sit down Mr. President." She commands,  umupo nalang uli si James.

"I have an announcement to make.. We all know that I'm part of this company, right? Bilang isa sa may ari ng company, tinatanggal ko na ang sarili ko bilang isa sa may ari nito... because I decided na ibenta ang share ko dito." Napuno ng bulong-bulungan ang paligid.

"Ibebenta ko sa Borneo architectural company ang share ko." Lalong lumakas ang bulungan ng lahat, kahit sila Brian nagulat sa sinabi niya.

"Chelsy,  I think you're being unfair to your co-owner, which is your friend and YOUR HUSBAND!" Stephanie states na pinag diinan pa nito ang huling salita.

"Ikaw ang nagpapabagsak sa sarili niyong company, nawala sa kanila ang malaking project because of you--

"Wow!Is it my fault?" Putol ni Chelsy sa sasabihin ni Stephanie.

"Have you heard yourself Ms. Stephanie Sandoval? Talagang isisisi niyo sa competitor niyo ang failure niyo.... Kung sana lang ginalingan niyo, kayo sana ang nakakuha ng project." She  states.

"And I heard you're one of the best civil engineer in my father's company in New York. How come na parang wala ka naman naitulong?" Tinitigan niya ito.

Tumingin din siya kay James na nakatingin lang sakanya. Pero umiwas siya ng tingin dito at tumingin siya kay Brian. Tinitigan niya ito sa mata matagal at bahagyang ngumiti a weak smile. Tumingin uli siya sa lahat.

"Yun lang ang pinunta ko dito. I have to go now." Tatalikod na sana si Chelsy ng bigla siyang pigilan ni James, humarang ito sakanya at bigla siya nitong niyakap.

"Babe please! kung ginagawa mo to dahil sa kasalanan ko, I'm sorry,  hindi ko sinasadya. Please forgive me. Please hindi ko na kaya kung  mawawala ka pa." Nakayakap lang dito si James pero hindi siya gumaganti ng yakap.

Tumingin siya sa mga body guard niya at nagnod ng bahagya na parang sumignal. Tinanggal ni Chelsy ang pagkakayakap sakanya ni James. Sabay alis nito at humarang agad ang dalawang body guard  nito.

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon