CHAPTER 11

87.6K 2.1K 37
                                    

Pinakita nila ang mga pictures kay Chelsy.

"Ako ba talaga to?" Tanong ni Chelsy habang nakatingin sa mga picture.

"Oo babe ikaw yan. Tignan mo, yan ang pictures natin nung kasal natin." Sabi ni James.

Magkatabi sila sa sofa habang tinitignan nila ang mga picture. Pero si James patingin-tingin sa mukha niya.

"Hala! Si Charles Buenavista to, tsaka ikaw Tisay." Napatingin si Chelsy kay Khem na nakaupo sa throw pillow sa sahig.

"Patingin" Kinuha niya ang magazine na hawak nito.

"Oh! Ako nga to. Seduction Magazine. Nagcover ako dito? Kaya pala kilala ako ni Charles. Model ba ako?" Sabi niya.

"No! Pero may gustong kumuha sayong magmodel. Ayaw mo nga  lang, yang pag cover mo diyan, may pinalitan ka lang, pinakiusapan ka lang. In other word, wala sa plano." Cassie explained.

"At alam mo bang nagkagusto din sayo si Charles?" Sabi ni Colleen.

"Wow! Talaga!? Grabe ang ganda mo. Marami palang nagkakagusto sayo." Sabi ni Khem.

"Anong nangyari?" Tanong ni Chelsy.

"Wala naman! Bantay sarado ka naman kasi ni James." Sagot ni Colleen.

"Wow! Tisay! dito magugulat ka." Sabi ni Khem na yakap yakap ang magazine.

"Bakit?" Tanong ni Chelsy.

Dahan-dahan ni Khem hinarap ang magazine. Nanglaki ang mata ni Chelsy sa nakita. Yung sa teen vogue magazine na cover sila ni Brian.

"Wow!" Agad na kinuha ni Chelsy ang magazine at pinakatitigan.

Nag sikuhan naman sila Cassie sa nakikitang pagkamangha ni Chelsy.

"Diba Tisay, akalain mong yung pinapangarap mong lalaki nakasama mo na pala dati. May ganyan pa kayo." Khem said. Everyone glanced at her.

"Sorry, hehe!" Sabi nito sabay tingin kay James at tumingin nalang ng mga pictures.

"Pwedeng akin nalang to?" Tanong ni Chelsy kay James.

"Alam mo Babe meron din tayong ganyan." Kinuha ni James ang magazine kung san sila ang partner.

"Ito oh." Pinakita ni James ang mga kuha sa kanila.

Tumingin si Chelsy kay James at ngumiti ng alanganin. Tumingin din siya kay Brian at tumingin uli sa magazine.

In fairness gwapo nga tong lalaking to. Na asawa ko daw. - Napangiti si Chelsy.

"Asan ang anak ko?" Napatingin sila sa may pinto. Ang parents nila Chelsy and James.

Ang mommy ni Chelsy nakahawak ito sa bibig niya habang nakatingin kay Chelsy, tumutulo ang luha nito.

"Babe, siya ang mommy at daddy mo." James said and held her hand. Tumayo si Chelsy at James.

"Diyos ko! Ikaw nga. Buhay ka nga."  Agad na lumapit ang mommy niya at niyakap siya nang mahigpit.

"Akala ko wala ka na talaga anak."Hindi na rin napigilan Chelsy, may tumulong luha sa mata niya.

Hindi man niya ito kilala nararamdaman niya ang pangungulila nito. At pangungulila niya sa isang ina. Kumulas ito sa pagkakayakap.

"Sorry po, nadala ako sa pagiyak niyo." Sabi niya at nagpunas siya ng luha.

"My princess." Niyakap din siya ng daddy niya at gumanti din siya ng yakap. Kumalas ito sa pagkakayap.

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon