CHAPTER 6

89.1K 1.8K 39
                                    

"Bumalik ka babe, bumalik ka." Nanglaki ang mata ni Chelsy ng halikan siya nito sa labi.

Boooggshh -malakas na palo ang narinig niya.

"Tayo na diyan Tisay. Bilis!" Pinalo ni Marco ang lalaki sa likod kaya nawalan ito ng malay. Tinulak niya mula sa pagkakadagan sakanya ang lalaki.

Hinawakan niya ang mukha nito kahit hindi maanig ang itsura nito.

"Tisay tara na." Aya ni Khem.

"Sandali baka mamatay to. Bakit niyo kasi pinalo?" Sabi niya at ayaw tumayo.

"Hindi yan, sa likod ko lang pinalo. Bilisan mo na pag nagising pa yan lagot tayo." Sabi ni Marco at hinatak na siya patayo.

Dali-dali silang lumabas at sumakay ng van. Mabilis na pinaharurot ang sasakyan papalabas ng subdivision.

"Buwesit kayo! Akala ko ba walang tao." Inis na sabi ni Khem.

"Akala din namin eh." Sabi ng isang kasama nilang lalaki.

"Ipapahamak niyo pa kami! Ano may nakuha kayo?" Tanong uli ni Khem.

"Wala eh."

"Buwesit!!" Napatingin si Khem kay Chelsy. Wala itong imik. Nakahawak sa labi.

"Hoy Tisay ayos ka lang ba?" Hindi ito umimik.

"HOY!!" Pinalo na ni Khem sa braso. Tumingin naman ito sakanya. Pero hindi parin umimik.

"Putcha! Anong nangyayari sayo? Nagtrauma ka ba? Gusto mo dalhin kita sa ospital?" Tarantang sabi ni Khem. Tumingin uli sakanya si Chelsy.

"Yung first ko." Sabi ni Chelsy. Nakahawak parin sa labi at nakatingin lang sa unahan ng sasakyan.

"Ano yung first kiss mo?" Tumingin na sakanya si Chelsy.

"Yung lalaki kanina hinalikan niya ako." Sabi niya.

"ANO!? BAKIT!? WAAAHHHH!!! HINDI KANA VIRGIN!!!" Sigaw ni Khem ng malakas.

"KISS LANG HINDI NA VIRGIN! Peste ka!! O. A ka talaga kahit kailan." Sabi ni Chelsy. Tumahimik naman ito.

"Tsaka hindi na na naman talaga ako virgin." Pabulong niyang sabi kay Khem.

"Yun naman pala Tisay, may nakuha ka naman. Ang iyong unang halik. Ahahaha! Sabi ng isang kasama nilang lalaki.

"Bakit ka niya hinalikan? Ano masarap ba siyang humalik?" Nanglalaking matang tanong ni Khem.

"Hindi ko alam. Tinawag niya akong babe. Tapos hinalikan nalang ako bigla."

"Ang lupit mo Tisay. Kahit ninanakawan nalang natin naaakit parin sa alindog mo." Sabi ng isang lalaki na nasa passenger seat.

"Ano masarap nga ang halik?" Natigilan si Chelsy. Lumapit kay Khem at bumulong.

"Parang masarap siyang humalik. Nung hinalikan niya ako, ang bilis ng tibok ng puso ko, parang hindi ako nagalit." Bulong ni Chelsy kay Khem.

"Oh my gulay! In love ka ata?" Sabi ni Khem na nakahawak pa sa bibig. Binatukan ito ni Chelsy ng malakas.

"Kahit kailan napaka O.A mo. Lagi kang nauuna eh. In love agad, kay Brian ako in love. Gusto ko siya first ko eh." Chelsy said then pout.

"Mas O.A ka. Suntok sa buwan ang gusto mo. Niyakap kana nga eh. Dati gusto mo magpapicture lang dun, ngayon naman nayakap kana. Ngayon lumilevel up na ang gusto mo." Sabi ni Khem.

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon