CHAPTER 26

83.1K 1.6K 45
                                    

"Good evening ma'am." Bati ng security guard kay Chelsy pagpasok niya ng firm.

"Good evening. Nandiyan pa ba si James?"

"Nandiyan pa po ata ma'am hindi ko pa naman nakitang lumbas eh." Sagot nito

"Sige po tignan ko nalang." Pumasok na si Chelsy at agad na pumunta ng elevator. Pressed the button.

Pagdating niya ng floor kung saan ang office ni James. Agad siya naglakad papuntang office,  wala ng tao. Naisipan niyang puntahan ito at hihingi siya ng tawad.

Kung pipilitin siya nitong ipaliwanag ang lahat, naisip niyang ipaliwanag nalang dito kung bakit hindi siya basta makakaalis sa grupo.

Hindi na siya kumatok pa, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.

Natigilan siya ng makita si Stephanie at James na magkalapit nang husto. Nakasandal si James at si Stephanie nakadikit ang katawan nito at nakahawak sa dibdib ni James.

Pero ang mas nakapagpagulat sakanya ang mga narinig at ginawa ni James.

"You're such a beautiful." Hinaplos pa ni James ang mukha ni Stephanie. Para siyang tinulos sa kinatatayuan niya.

"I love you babe! You're such a perfect." Unti-unting lumapit ang mukha ni Stephanie sa mukha ni James at hinalikan ito. Kitang-kita niya ang pagtugon ni James sa halik nito.

Agad siyang umalis na hindi na sinara ang pinto. Hindi na niya kaya kung ano pa ang susunod na mangyayari. Ang sakit sa dibdib niya, hindi niya na namalayan ang mga luhang pumatak sa mata niya.

Bigla siyang napahawak sa ulo niya.

"Aaahh!" Napaupo siya sa sakit. Bigla nalang may nagflash sa utak niya.

Si James nakikipaghalikan sa isang babae sa harapan niya, habang siya pumapatak ang mga luha na nakatingin sa dalawa.

"Aaahhh!" She cried when she felt the pain crept in her head. Mas masakit, sobrang sakit. Naiiyak siya sakit ng ulo at sa sakit ng dibdib niya.

Pinilit niyang tumayo at naglakad, gusto niyang makalayo sa lugar.  Agad siyang pumasok sa elevator. Pinindot ang button habang ang isang kamay niya nakahawak sa ulo niya.

Pag stop ng elavator agad siyang lumabas.

"Ma'am nakita mo po si sir?" Tanong ng guard pero hindi na niya ito pinansin.

Tumakbo siya sa sasakyan niya at agad na pumasok. Hilam na hilam ang mata niya ng luha, sinususi niya ang sasakyan pero hindi niya ito paipasok-pasok. Nalaglag pa ang susi, kinapa niya ang susi sa baba. Nang makuha niya muli niya itong sinusi.

Bago niya pinaandar ang sasakyan, binayo-bayo muna niya ang dibdib niya. Sobrang sakit sa dibdib, pakiramdam niya sasabog ito sa sakit at sa bigat.

Binuhay niya ang engine at agad na pinaandar. It takes a couple of minutes when she reached their home.

Bumusina siya ng bumusina hanggang sa buksan ng katulong ang gate, pinasok niya ang sasakyan at agad na umibis.

Patakbong siyang pumasok at umakyat. Pagpasok niya ng kwarto agad siyang pumasok sa bathroom at doon niya iniyak ang lahat ng bigat ng nararamdaman niya. Napaupo siya sa likod ng pinto.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na umiyak. Hanggang sa tumayo at nagbihis na siya.

She laid down on the bed and covered her body with a comforter. Patagilid siyang humiga. Dilat na dilat ang mata niya, hindi niya magawang ipikit ang mga mata niya. Everytime she closes her eyes, nakikita niya ang halikan ni James at ni Stephanie.

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon