CHAPTER 28

79.6K 1.7K 97
                                    

Unti-unting nagmulat ng mata si Khem. Napabalikwas siya bigla ng makitang wala siya sa kwarto niya.

"Asan ako?" Pilit inalala ang nangyari.

"Hala! Nandito ako sa condo ni Brian." Napahawak  sa mukha niya.

"Hindi kaya! Ginahasa ko si Brian...Aaahhh! Bakit wala akong maalala?" Sinampal-sampal pa niya ang mukha niya. Agad siyang tumayo at pumasok ng bathroom. Nagayos lang siya ng sarili niya at lumabas uli.

"Brian" nagulat siya ng makita si Brian na nakaupo sa kama.

"Good morning." Bati sakanya ni Brian.

"G-good morning." Mahina niyang sabi at lumapit dito at muling umupo sa kama.

"Brian,umm..  Anong ginawa ko kagabi? May ginawa ba ako sayo?" Tanong niya dito

"Ahaha! Hindi mo maalala?" Umiling-iling si Khem. Lumapit si Brian dito. Hinawakan ni Brian ang kabila niyang pisngi at ngumiti ito sakanya. 

Tsaka Unti-unting lumapit ang mukha nito. Ngumiti uli ito sakanya at hinalikan siya sa labi. Hindi naman niya makilos ang labi niya. Lumayo si Brian.

"Yun ang ginawa mo. You kissed me." Nakangiting sabi ni Brian.

"Naalala ko! Sa party.... Yun lang?"

"Ahaha! Yun lang." Natatawang sagot ni Brian.

"So paano tayo na ah." Brian says. Napawang ang bibig ni Khem sa narinig.

"Ta-tayo na?" Mautal-utal nitong tanong.

"Oo, hinalikan mo na ako eh. Matinong lalaki ako no." Nakangiting sabi ni Brian.

"Talaga! Sinasagot mo na ako?" Hindi parin makapaniwalang sabi ni Khem.

Hinawakan uli ni Brian ang mukha nito at muling hinalikan. Pero hindi siya makatugon sa halik nito, tumigil sa paghalik si Brian at tinitigan siya.

"Bakit kagabi ang galing mong humalik? Pag lasing ka lang ba marunong humalik?" Tanong ni Brian.

"Nagugulat kasi ako eh." Ngumiti si Brian.

"Can I kiss you again?" Brian asks.

Dahan-dahang tango lang ang sagot ni Khem. At muli siyang hinalikan nito, this time tumugon na siya. Mga ilang minuto silang naghalikan nito bago tumigil at muli siyang tinitigan ni Brian.

"I love you." Brian says. Napamaang si Khem sa sinabi nito.

"Hey, I said I love you." He said again. Double gulp to clear her throat.

"I- Iove you too. Totoo ba to? Hindi ako nanaginip?" Natatawa lang siya si reaksyon ni Khem.

"Totoo! Sa dami ng babaeng nangliligaw sakin ikaw lang ang sinabihan kong  I love you." Nakangiting sabi ni Brian.

"Totoo ba yun? Baka naman sinasabihan mo lang ako kasi kaibigan ako ni Tisay. Hindi kita minamadali Brian, pwede mo akong sagutin pag talagang mahal mo na-- He stopped her by claiming her lips, tumigil ito sa paghalik.

"Shut up! I love you. Hindi ko sasabihin kung hindi ko nararamdaman. Pangalawa kitang sinabihan niyan." Brian says.

"Si Tisay ang una?" Ngumiti si Brian at tumango.

"I love you Brian. Totoong totoo. Ikaw lang ang unang kung sinabihan. Promise!" Nagtaas pa ito ng kanang kamay.

"Kahit pang ilan ako, I don't care. Ang importante, ako ang huli." Nakangiting sabi ni Brian. Nagyakap sila nito.

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon