CHAPTER 14

85.5K 1.8K 32
                                    

Hide out:

Kakarating lang ng gang sa hideout pinatong ni Diego ang attaché case sa lamesa at umupo. Umupo rin si Jake at khem sa harap ng lamesa.

"Malaki-laki ang kita natin ngayon." Sabi ni Diego at binuksan ang attaché case. 

Nanglaki ang mata ni Khem, tumiim naman ang bagang ni Jake. Napangisi naman ang iba na kinuskos pa ang mga kamay. Punong-puno ng pera ang attaché case.

"Ano yan?" Tiim bagang na tanong ni Jake.

"Hindi ba halata? Milyones." Sabi ni Marco.

"Ano ibig sabihin nito? Holdap na yan eh, hindi na yan simpleng snatching Diego.  Alam mo na hanggang snatching lang kami." Nagtitimpi ang galit ni Jake.

"Si Tisay pa ang pinagawa mo nun."

"Kaya hindi ka ginagawang leader ni boss eh. Ganyan ka magisip."

"Hindi ko gugustuhin maging leader. Hindi na to mauulit, wag niyo kaming isama sa ganitong  trabaho. Lalong lalo na si Tisay. " Matigas na sabi ni Jake. Ngumisi lang si Diego.

"Di kay boss ka magreklamo! Kailangan ng lumevel ni Tisay, kayang- kaya na niya oh. Sayang naman yung mga tinuro sakanya kung simpleng panghahablot lang ang ipapagawa natin sakanya." Sabi ni Diego. Hindi na umimik si Jake.

"Tawagan mo na si Tisay! Malaki parte niya, siya nagtrabaho eh. Siya nga pala sino yung lalaking kausap ni Tisay." Tanong nito. Alam din nilang hindi mapapahamak si Chelsy dahil alam nila na kayang-kaya ni Chelsy ang lumusot sa mga pulis.

"Kakilala lang, taga samin. Namukhaan mo ba yung lalaki?" Tanong ni Jake.

"Hindi eh. Natakpan ni Tisay eh." Tumango lang si Jake, tumingin naman si Khem sakanya na parang nagtatanong ang expression nito kung bakit hindi nito sinabi ang totoo.

"Labas lang ako, tatawagan ko si Tisay." Lumaba si Jake, pero sumunod sakanya si Khem.

"Jake! bakit hindi mo sinabi ang tungkol sa asawa ni Tisay?" Tanong ni Khem

"Mas wala silang alam, mas mabuti. Kaya ikaw wag kang madaldal." Hindi na nagtanong pa si Khem.

****

Resto:

Pagpunta nila James halos nandun na rin ang buong gang, si Brian lang ang wala.

"Chels" Halos sabay-sabay ang heiresses pag pasok ni James at Chelsy ng resto. Tumayo ang tatlo at niyakap si Chelsy.

"We're glad to see you again Chels." Sabi ni Cassie.

"Ako din." Tipid niyang sabi at ngumiti siya sa mga ito. Umupo sila sa occupied table nila.

"Hi Chels" Bati ni Vince.

"Diwata musta? Nga pala this my close girlfriend, Blanca, Balnca that is Chelsy." Pakilala ni Kevin sa isang babaeng kasama nito.

"Hi!" Tumayo ang babae at nakipag kamay.

"Hello!" Tinanggap ni Chelsy ang pakikipagkamay.

"So James, kumusta naman ang pag stay mo kila Chels." Cassie asks.

"Okay na okay syempre, kasama ko asawa ko eh." James says.

"Hindi ka ba niya binalian ng buto? Ahaha!" Tanong ni Celline. Tawanan ang lahat.

"Chels turuan mo naman ako ng martial arts. Para pag nagloko si Andrew babalian ko ng buto." Sabi ni Cassie.

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon