CHAPTER 17

81.6K 1.9K 85
                                    

Nakaupo si Chelsy sa sala kasama nag nanay niya nandun din si Jake.

"Tao po!" May tumawag mula sa labas, tumayo si Jake para mapagsino ang nasa labas.

"Pasok kayo... Tisay may mga bisita ka." Sabi ni Jake. Tumayo si Chelsy pero pumasok na rin ang mga bisita.

"Hi Chels!"

"Kayo pala! Hali kayo pasok." Ang heiresses pati ang mommy niya at daddy niya ang huling pumasok.

"Hello po, kasama po pala kayo." Sabi uli ni Chelsy pag kakita sa daddy at mommy niya.

"Princess! I miss you." Lumapit agad ang mommy niya at niyakap siya.

Napangiti naman siya at yumakap din. Kumalas sila ng yakap at lumapit ang daddy niya at yumakap din.

"How's my Princess?" Tanong ng daddy niya habang nakayakap.

"Okay lang po. Siya nga po pala siya po si nanay Agnes. Nay sila naman po ang mga totoo kong magulang." Pakilala ni Chelsy.  Lumapit agad ang magulang ni Chelsy sa nanay Agnes niya at Nakipagkamay.

"Nice to meet you Agnes, salamat sa pagkupkop sa anak ko. Habang buhay kong tatanawing malaking utang na loob ang ginawa niyo para sakanya." Sabi ng mommy ni Chelsy.

"Walang ano man, kahit naman siguro sino gagawin yun at napakabait na bata ng anak niyo... Upo muna kayo." Umupo silang lahat sa sala.

"Princess, next week babalik na kami ng states pero babalik kami agad, gusto sana kitang isama pero alam kung hindi papayag si James eh." Sabi ng mommy ni Chelsy.

"Ganun po ba?"

"Pero babalik kami agad, and magpapa'party tayo to announce to everyone that you're still alive." Sabi ng mommy niya.

"Ma'am mawalang galang na po, pero baka po wag nalang muna ninyong ipaalam sa lahat ang tungkol kay Tisay, hanggat hindi pa siya nakakaalala. Pasensya na po, baka lang mas makakabuti yun." Biglang sabi ni Jakes. Napatingin sakanya ang lahat.

"Tama po si Jake, hindi din ako komportble kasi. Pasensya na po." Pag sang-ayon ni Chelsy.

"Okay, if that's what you want." Sabi ng mommy niya at hinawakan pa ang buhok niya.

"Siyanga pala Princess, ayaw mo pa bang bumalik sa bahay niyo ni James?" Tanong ng daddy niya.

"Hindi ko po sila nanay maiiwan."

"Isama mo sila, o kaya papiliin mo sila ng bahay. Real state ang business natin diba? Pwede mo silang papiliin ng bahay para mas maging comfortable sila." Tumingin si Chelsy kay nanay Agnes at kay Jake.

"Maraming salamat po sa alok niyo, napakalaking bagay po nun samin." Sabi ni Jake.

"Pumapayag ka na Jake?" Tanong ni Chelsy na napangiti ng husto. Ngumiti lang si Jake.

"Then good, sasabihin ko nalang kay James na samahan kayo para makapili kayo ng gusto niyong bahay." Sabi ng daddy ni James.

"Chels, gusto mong lumabas? Punta tayo sa resto namin?" Sabi ni Celline.

"Pwede kong isama si Jake at Khem?" Excited na tanong ni Chelsy.

"Sure" Celline says.

"Hindi na Tisay, kayo nalang." Sabi ni Jake.

"Hindi pwede Jake, diba sabi ko sayo dadalhin kita doon. Masarap pagkain dun, libre pa." Tumingin si Chelsy kay Celline.

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon