CHAPTER 12

87.7K 1.9K 47
                                    

Kakagising palang ni Chelsy at bumangon siya ng higaan niya. Lumabas siya ng Kwarto niya at pagbaba siya ng hagdan habang naguunat ng kamay.

Bigla siyang natigilan ng makita niya si James na nakatingin sakanya. Nandun din ang nanay niya nakaupo kausap si James.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Chelsy. Tumayo si James.

"Ayaw mong umuwi satin eh! Kaya ako nalang ang titira dito." Nakangiting sabi ni James.

"Hindi pwede! Nakita mo naman kung gaano kaliit ang bahay namin diba? Wala kang tutulugan."

"Tabi tayo, asawa mo naman ako eh."

"Sandali nga mag hihilamos lang ako." Tumuloy siya ng lababo, naghilamos at nag toothbrush tsaka hinarap si James.

"Ngayon mister! Anong pumasok sa isip mo para tumira dito?" Tanong niya kay James.

"Babe! Miss na miss na kita. Gusto kitang makasama, please hayaan mo na akong tumira dito." Sabi ni James.

"Tisay hayaan mo na siya. Asawa mo siya, karapatan niyang makasama ka." Napatingin sila sa nanay-nanayan ni Chelsy. Alam na rin lahat ng nanay niya.

"Pero nanay wala po siyang tutulugan dito."

"Sa kwarto mo nalang siya. Si Jake sa kwarto nalang namin ni Buding." Sabi ng nanay niya. Muli siyang tumingin kay James. Ngiting-ngiti naman ito.

"Mahirap ang buhay dito, nag-iigib ng pampaligo dito, walang aircon. At kung ano ang kakainin namin yun din ang kakainin mo. Hindi ka gagastos para sundin ang kapritso mo. Payag ka dun." Mahabang paliwanag ni Chelsy.

"I cleary understand. Kahit ipag-igib pa kita araw-araw gagawin ko, kahit ang buong pamilya mo pa." Sabi ni James.  Napangisi naman si Chelsy.

"Talaga lang ah!? Naku! Bahala ka nga." Pumasok si Chelsy sa banyo at kinuha ang timba.

"Magiigib na ba ako?" Tanong ni James.

"Hindi ako na!" Sagot niya. Pero kinuha ni James ang timba na hawak niya.

"Ako na! Kayang-kaya ko to. Dalawang timba lang ba?" Sabi ni James.

Binuksan niya ang pinto ng banyo at sumenyas kay James na tignan ang loob. Tinignan naman ito ni James.

"Isang drum!?" Sambit ni James.

"Kaya mo?" Tanong ni Chelsy.

"Kayang-kaya." Confident na sagot ni James at ngumiti pa.

"Saan ako magiigib?" Tanong uli ni James.

"Buding Samahan mo siya sa may poso." Utos ni Chelsy sa bata.

"Sige po ate... Tara po." Sabi ng bata.

Sumunod naman si James sa bata. Lumabas sila at nagpunta ng poso, mahaba ang pila. Nilapag ni James ang dalawang timba sa pinakadulo.

"Buding sino yan?" Tanong ng isang babae na nakapila din.

"Asawa po ni ate Tisay." Sagot ng bata.

"ASAWA NI TISAY!?" Halos napatayo ang mga lalaki na nakapila din doon. Yung iba nagsusugal pa habang inaantay na nila nag turn nila. Nagulat naman si James sa mga ito.

"Kelan pa nagasawa si Tisay?" Tanong ng isa.

"Matagal ko na po siyang asawa, nagkalayo lang kami dahil sa aksidente." Tumango-tango ang mga lalaki.

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon