CHAPTER 4

96.7K 2.1K 105
                                    

"Brian" Mahinang sabi nito. Nagtaka naman ang tatlo.

"IKAW NGA BRIAN!!" This time sumigaw na ito nang pagkalakas lakas.

"Nakikilala mo ako?" Nakangiting sabi ni Brian.

"NAMAN!! Brian Falcon, the great architect. Isa ka sa may ari ng CJB architecture firm." Tuwang tuwang sabi nito. Nagtingin ang tatlo sa isat-isa.

"Bakit siya kilala mo? Ako hindi mo ba ako kilala?" Tanong ni Cassie. Tumingin naman si Chelsy sakanya.

"Cassie! Cassie Falcon." Pagpapakilala ni Cassie sa sarili.

"Oohh! Kapatid ka ni Brian?" Muli itong tumingin kay Brian.

"Kuya kilala niya tayo. Akala ko ba--

"Hindi ako makapaniwala! Pwede ba akong magpa picture." Naputol ang sasabihin ni Cassie at kumunot ang noo ng tatlo.

"Picture?" Kunot noong tanong ni Brian.

"Oo picture, selfie. sige na naman. Idol kita eh." Sabi nito. Nagtingin uli ang tatlo.

"Idol?" Kunot noong tanong uli ni Brian.

"Oo, lagi kita nakikita sa magazine,  sa dyaryo sa tv." Nagets na nila ang ibig nitong sabihin. Dahil nga isa sa pinakamagaling at in demand architect ito ng bansa. Hunk Architect ang bansag sa kanya.

"Sige na papicture naman ako." Ngumiti si Brian.

"Sige ba." Nakangiting sabi ni Brian.

"Talaga?! Aaaahhh! Salamat, sandali." Kinuha nito ang cellphone niya sa bulsa.

"Hay bwesit naman!"iritang sabi nito.

"Bakit?" Tanong ni Brian.

"Wala palang camera tong cellphone ko eh."

"Ahahaha!" Natawa ang tatlo dito.

"Ako nalang ang magp'picture sainyo. Tapos paprint nalang natin." Sabi ni Cassie.  Lumiwanag naman ang mukha ni Chelsy a.k.a Tisay.

"Talaga!? salamat." Agad itong tumabi kay Brian. Inakbayan ito ni Brian.

"Okay, ready.... yan okay na." Kinuhan ito ng picture ni Cassie.

"Pwede isa pa." Hirit pa ni Chelsy.

"Okay." Nakangiting sabi ni Cassie.

"Patsansing ako ah." At bigla itong yumakap kay Brian. Natawa sila sa sinabi at ginawa nito. Kinuhanan uli sila ng picture ni Cassie.

"God! She's different now." Bulong ni Cassie kay Andrew. 

"Oo nga! Loka loka na siya ngayon." Bulong din ni Andrew.  Natawa ang dalawa  ng mahina.

"Ano nga pala ang ginagawa niyo dito?" Tanong ni Chelsy.

"Ah Ano." Brian

"Ano, magmemedical mission kasi yung kaibigan naming doctor. Kaya naghahanap kami ng lugar na pwedeng pagmedical missionan." Pagsisinungaling ni Cassie.

"Talaga!? Maganda yan. Baka pwedeng dito nalang samin. Marami ditong hindi nakakapagpagamot dahil sa kakapusan sa pera." Sabi ni Chelsy.

"Sige! Ikaw nalang ang kakausapin namin para sa medical mission. Kung okay lang sayo."Brian said

"Oo, sige okay na okay sakin yun. Ipapakilala ko kayo kay chairman." Tuwang tuwa na sabi ni Chelsy.

"Sige! Saan ba ang bahay niyo dito?" Brian asks.

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon