CHAPTER 19

77.8K 1.6K 45
                                    

"So Tisay, nakipagkita ako sayo, kasi may project kami. At gusto ni Greg na isama ka sa pag gawa ng plano, katulad ng ginagawa natin dati, magsas' suggest ka ng mga plano mo."

"Sinabi ni boss yun? Grabe din to si boss, ang laki ng tiwala sakin. Siya na nga nagbabayad sa daddy mo para lang itutor ako. Gusto pa niya kasama ako sa plano."

"Kaya nga bawal ka tumanggi kasi utos ng boss mo yun. Pero hindi ka naman siguro tatangi diba?" Nagkibit balikat lang si Chelsy. 

"Magkita nalang tayo sa office sa susunod na araw ah. Mauuna na ako."

"Sige" Sagot niya. Tumayo ito at umalis. Nakaupo lang muna si Chelsy ng biglang may lumapit sakanya.

"Hey Diwata!" Nilingon niya ito.

"Kevin, anong ginagawa mo dito? Sino kasama mo?" Umupo ito sa harap niya.

"Just met someone. Ikaw, anong ginagawa mo dito? Sino yung kasama mo?" Tanong ni Kevin.

"Si Travis yun, may pinagusapan lang kami." Sagot niya.

"Hey, what are you doing here?" Napalingon sila sa nagsalita.

"Celline" Sabay ni Chelsy at Kevin. Umupo si Celline.

"Sino kasama niyo? Si James ba?" Umiling ang dalawa.

"So kayong dalawa lang. wow! Nagb'bonding kayo."

"Hindi, nagkita lang kami dito." Sagot ni Chelsy.

"Eh ikaw Celline, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Kevin.

"May binili lang ako. Eh ikaw! Wag mong sabihin nakipag date ka ang aga-aga." -Celline

"May ka meeting lang ako." -Kevin

"At this early morning! Meeting." Celline says, not convince.

"Bakit kailangan talaga may oras ang meeting." Bangayan ng bangayan ang dalawa pinagmamasdan lang ito ni Chelsy.

Biglang napahawak si Chelsy sa ulo niya. Napangiwi siya ng biglang kumirot ang ulo, at biglang parang may nag flashback bigla.

Bigla niyang naalala si Celline at Kevin na parang nagbabangayan din at nagkukurutan.

"Chels are you okay?" Alalang tanong ni Celline.

"Ganyan na ba talaga kayo dati pa?" Tanong ni Chelsy,  ngumiti si Celline.

"Yes Chels. We were always like this ever since. Why?" -Celline

"Para kasing may naalala ako bigla, na nagbabangayan at kinukurot mo siya."

"OH MY GOD! Nakaalala ka na?" -Celline says, a little bit shocked.

"Hindi! nung pinagmamasdan ko lang kayo biglang sumakit ang ulo ko,  tas yun naalala ko kayo." She explained

"Oh god! I think naaalala mo ang mga bagay na nakikita mo ngayon na similar sa nangyari noon. You better have to see the doctor Chels." Celline suggested

"Doctor ka naman ah!" Kevin says.

"Hindi pa ako doctor Kevin, tsaka isa pa, Ob-gyn ang specializion ko. So stupid." Sabi ni Celline.

"Kayong dalawa, hindi ba kayo naniniwala sa the more you hate, the more you love?" Tanong ni Chelsy. Napatingin sakanya ang dalawa.

"Eww! No way!" Celline says and  rolled her eyes.

My Snatcher Wife  IIWYHB-BOOK2 [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon