Walang Hanggan - Stell Ajero

664 20 47
                                    

prompt: "walang hanggang" by quest
dedicated to: that girl who requested for a sad imagine with stell

Note: Please do play Walang Hanggan by Quest as you read this one shot. Enjoy! :)
-----

Tanging ang ugong lang ng sasakyang minamaneho ni Sejun ang maririnig sa sobrang tahimik ng mga binata. Si Justin, na hindi sanay sa katahimikan ay napagdesisyunang basagin ito. Lumingon siya kay Stell na nasa back seat katabi ang dalawa pa nilang mga kagrupo.

"Ano Stell, kailangan mo pa ba ng tulong mamaya?"

Si Stell, na buong byahe ay nakatanaw lang sa bintana habang tahimik, ay nilingon siya at nginitian.

"Di na, Jah," ani Stell at muling lumingon sa bintana para pagmasdan ang mga punong kanilang dinadaanan. "Okay na ako." Hinawakan naman ni Josh si Stell sa balikat, "Sure ka, bro?"

Ngumiti ng tipid si Stell. "Oo naman. Stop worrying about me guys. I got you all kaya okay lang ako. I'll be fine."

Tinignan naman siya ni Sejun sa rearview mirror ng may alinlangang bakas sa kanyang mga mata, "Basta aantayin ka namin sa labas ha, Stell." Tumango naman si Stell bilang tugon. Si Ken na tahimik lang simula ng bumyahe sila ay nagsalita na rin, "Pagbalik mo nandito lang kami. Aantayin ka namin. At pagbakik mo sana nakangiti ka."

Napatahimik si Stell ng panandalian saka tumikhim, "Oo naman. Antayin niyo lang ako, I'll be back mga kapatid."

Huminto na ang sasakyan dahil naihatid na nila si Stell sa kanyang destinasyon. Bago bumaba ay isinuot muna niya ang paborito niyang itim na jacket na regalo mo at ibinulsa dito ang isang maliit na itim na kahon. Isinarado niya ang pinto ng sasakyan at ibinababa naman ni Sejun ang bintana sa driver's seat.

"Take your time, bro. When you're done andito lang kami, aantayin ka namin," wika ng kanilang pinuno ng may ngiti. Kumaway naman siya at nagpasalamat sa mga kaibigan. Kahit papaano'y nabawasan nila ang kabang kaniyang nararamdaman. Matapos ang pagpapaalaman naglakad na si Stell papalapit sa iyo, kung saan ka naroroon naghihintay para sa pagdating niya.

At sa bawat mabagal na paghakbang niya ay kalakip nito ang mga ala-ala ninyong dalawa na parang alon kung dumagsa sa kaniya. Ang kahon na nasa bulsa ng jacket niya ay hinawakan niya ng mahigpit.

"Lord, gabayan Mo po ako," mahina niyang usal habang naglakad papalapit sa iyo.

----

"Ang galing sumayaw nung naka-itim na hoodie no?" napalingon bigla si Stell sa kaniyang katabi. Isa itong babae na nakasuot ng plain na puting t-shirt, itim na pantalon at boots, sa tantya niya ay halos kaedaran niya lang ito. Ang itim na itim nitong buhok ay nakapusod kaya naman kitang-kita niya ang mukha ng dalaga.

Maganda.

Iyan ang unang naisip ni Stell. Ngunit ang dalaga ay hindi naman mala-Liza Soberano o Kathryn Bernardo ang kagandahan na makahulog panga. Sakto lang. Pero maganda, nagliliwanag ang kaniyang mukha.

"Ha? Ako ba kausap mo miss?" matapos ang ilang segundo ay tanong ni Stell.

"Ay hindi, Kuya. Itong katabi ko talaga ang kausap ko," pabirong sabi ng dalaga sabay turo sa kanyang kanan na bakanteng upuan. "Syempre ikaw kausap ko," sambit ng dalaga sabay tawa ng mahina. Napakamot naman ng ulo si Stell.

"Sorry naman, naninigurado lang ako. Baka kasi mamaya di naman pala ako ang kausap mo tapos sumagot ako oh de napahiya pa ako," depensa ng binata.

"Hmmm. Understandable," tugon ng babae sabay ngiti para namang naestatwa si Stell. Hindi niya alam pero para sa kanya sobrang nakabibighani ang ngiti ng dalaga. "As I was saying, ang galing nung naka-black hoodie no?" Itinuro naman niya ang lalaking nagsasayaw sa entablado kasama ang mga ka-grupo nito.

Daydream With Me [SB19 One Shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon