Tila - Ken Suson

251 9 11
                                    

[pagpapatuloy ng klwkn, play tila]

Nakaupo ako sa may dalampasigan habang yakap-yakap ang isa sa mga tao na pinakamamahal ko. Nakaupo siya sa pagitan ng aking mga hita habang nakapalupot ang aking mga braso sa kaniyang bewang. 

Kahit na may kalamigan ang gabi ay hindi ito alintana sa aming dalawa. Sabay naming ninanamnam ang simoy ng hangin, ang kaluskos ng mga nagsasayaw na dahon ng mga puno ng niyog at ang paghampas ng alon sa dalampasigan. 

Tumingala ako at pinagmasdan ang kalawakan. Limang na taon na ang lumilipas ngunit iba pa rin ang ganda ng kalangitan sa dalampasigan na ito. Ang liwa-liwanag ng buwan at parang naglalaro ang mga tala. 

"Baby," pagtawag ko sa atensyon niya. 

"Hmm?" 

"Look up, baby." 

Sumunod siya at tumingala rin. Sinilip ko ang mukha niya at napangiti ako dahil nagliliwanag ito, mas maliwanag pa sa sinag ng araw na nagpapailaw sa buwan. 

"Ang ganda nga," bulong niya. 

Hinalikan ko siya sa mapula niyang pisngi. 

"Mahal na mahal kita, langga," sabi ko sabay halik pa muli sa kaniyang pisngi.

"I love you, too, M-" 

"Sinag?" 

Napalingon kami sa tumawag sa akin, nginitian namin siya pareho. 

"Ken," tawag ko sa kaniya.

"Kanina ko pa kayo hinahanap, andito lang pala kayo." 

Lumapit siya sa kinauupuan namin at tumabi sa bandang kanan ko. Nilingon ko siya. 

"Sorry di kami nakapagpaalam. Ito kasing si langga, gusto raw mag stargazing. Nakwento ko kasi sa kaniya na hilig natin 'to." 

Umusad siya papalapit sa akin at marahang kinabig ang aking ulo para halikan ang sentido ko. 

"It's okay, baby. But next time text me, okay?" sabi niya sabay halik sa pisngi ko. Tumango ako at hinalikan siya nang marahan sa kaniyang mapupulang labi. 

"Ako, Papa? Wala ako kiss?" 

Lumingon si Ken sa anak namin na si Rain. Kinuha niya ito sa kandungan ko para iupo sa mga hita niya. 

"Pwede ba namang makalimutan ka ni Papa? Pa-kiss nga, langga!" 

Pinaliguan ni Ken ng maliliit na halik si Ulan sa kaniyang mukha. Halatang gigil na gigil siya sa anak namin. 

"Hindi ako makapaniwalang three years old ka na, Ulan. Dapat kahit binata ka na ay nagpapakiss ka pa rin samin ni Mama at Papa, ha?" sabi ko habang hinihimas ang kaniyang buhok. 

Tumango ang anak namin habang nakangiti. Kamukhang-kamukha niya talaga si Ken, tanging ang ilong at kulay ko lang ang nakuha niya. Para silang pinagbiyak na mangga. 

Inakbayan ako ni Ken, inihilig ko ang aking ulo sa balikat niya at yumakap sa bewang niya. 

"I love you, langga," sa pagkakataong ito ay nakadirekta na ito sa asawa ko. 

"Mahal na mahal din kita, langga." 

Naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.

"Tama ka, Ken," kapagkuwan ay sabi ko. 

"Hmm?" 

"You were right when you told me that we will heal, that we will be alright." 

Hinimas niya ang buhok ko. 

"Salamat, Sinag," wika niya. 

"Ako nga ang dapat mag-sabi niyan sa iyo. At tulad ng sabi ko sa iyo nung kasal natin, there will never be a day that I will not be grateful for your life, baby. Salamat sa pagpapatila mo sa bagyo sa buhay ko."

Inilayo niya ang ulo ko sa balikat niya at iniharap ang mukha ko sa kaniya. 

"At salamat sa iyo dahil ikaw ang nagsilbing araw sa buhay ko, Sinag. I was the moon embraced by the darkness but you and Ulan, you both became my sun, it was because the two of you that I can shine. Thank you for loving me, Sinag." 

Hindi ko na napigilang umiyak. Naaalala ko pa noong minsan limang na taon na ang nakalilipas ay andito kaming dalawa sa dalampasigan na ito, pareho kaming umiiyak dahil sa basag naming mga puso. 

Umiiyak kami noon nang dahil sa lungkot at hinagpis. 

Pero ngayon, eto ako, umiiyak nang dahil sa sobrang saya at pagpapasalamat sa buhay ng taong hindi ko akalaing mamahalin ko nang ganito—kasing tindi ng sinag ng araw. 

"Thank you for giving birth to our Ulan, langga," wika niya sabay halik sa noo ng anak namin. 

"Thank you for loving us as well, Ken. Mahal na mahal kita." 

"Mama, Papa," tawag sa amin ni Ulan. Sunod-sunod ang pagkurap niya, senyales na bumibigat na ang talukap ng kaniyang mga mata at dinapuan na siya ng antok.

 At tama nga ako ng hinala dahil humikab siya. 

"I'm sleepy na po. Papa, carry?" 

"Okay, baby," hinimas ko ang ulo niya. "Let's go, langga?" 

Tumango si Ken at binuhat si Ulan gamit ang isa niyang braso. Inilahad niya ang malaya niyang kamay sa aking harapan. 

"Hold my hand?" 

Tinanggap ko ito at hinalikan ang likod nito. 

"Always, langga." 

-end- 

Note: naiiyak ako sa saya, ewan ko ba kung bakit. 

Please tell me what you think on the comment section! I really, really love reading your comments! :) 

Vote ka rin pala. Haha! 

B.



Daydream With Me [SB19 One Shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon