KLWKN - Justin/Ken

201 9 17
                                    

Nakaupo ako sa tabing-dagat habang tahimik na pinakikinggan ang mahinhing paghampas ng alon sa dalampasigan. Madilim ang paligid, tanging ang iilang lampara lang sa di kalayuan ang nagsisilbing liwanag.

Niyakap ko ang aking sarili nang maramdaman kong unti-unting umeepekto ang lamig ng gabi.

"Sinag?"

Nilingon ko ang nag-salita.

"Oh, kamusta ang date mo, Ken?" tanong ko sa kanya.

Sinundan ko siya ng tingin. Umupo siya sa tabi ko at ipinatong ang kanyang mga braso sa kanyang tuhod.

"Olats, eh. Sinabi niya na sa akin na may mahal na raw siyang iba. Hindi niya alam na, na matagal ko ng alam."

Yumuko ito at nagpakawala ng isang mabigat na buntong hininga.

"Ah," sagot ko lang at ibinaling ang aking tingin sa dagat. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Paano ba aaluin ang isang tao kung ikaw mismo ay nangangailan din noon?

Pinagkakaisahan ba kami ng sansinukob? Bakit pareho kaming hindi masaya?

Nagulat nalang ako ng may pumatong na jacket sa mga balikat ko. Nilingon ko siya ng may nagtatanog na mga mata.

"Isuot mo, malamig eh," sabi niya ng may ngiti.

Bakit siya kaya niyang ngumiti ng ganun, yung parang masaya parin kahit na... kahit na talo na siya?

Sana lahat.

Sana ako rin.

Sinuot ko ang itim niyang jacket at muling tumitig sa dagat. Naibsan ang lamig na aking nadarama.

"Eh ikaw? Kamusta? Pumunta ka sa kasal ni Justin, diba?" tanong niya nang malumanay.

Ngumiti ako nang mapait at yumuko habang pinipigilan ang mga luhang kanina pa nagpupumiglas na kumawala.

"Olats din. Ikinasal na siya, eh. Tapos na. Talo na."

Makulit pala talaga ang mga luha ng mga tao, dahil ng may makatakas na isa ay nag una-unahan na sila sa pagbagsak.

Tahimik lang ako at ganun din siya. Matapos ang ilang minuto ay nagsalita ako muli.

"When I came to his wedding, I- I was so sure that I convinced myself enough that I, that I can see him be happy with somebody else who was not me. I was so sure. But when he looked at me while he was in front, as he waited for her and smiled at me like, like he always does back when we were still bestfriends, I was back to square one all over again."

Umusog siya papalapit sa akin at inakbayan ako. Ipinilig nya ang ulo ko sa balikat niya. Hinimas-himas niya ang balikat ko.

Nanatili siyang tahimik, tanging ang paghikbi ko kasabay ng hampas ng alon sa dalampasigan ang aming naririnig.

"Bago- bago ako umuwi nilapitan niya ako. Alam mo kung anong sabi niya?"

Naramdaman kong ipinilig niya ang ulo niya sa ulo ko.

"He told me that he was thankful that I became his bestfriend five years ago. I told him that I was, too. Kasi totoo naman. Ang makilala siya ang isa sa mga pangyayari sa buhay ko na pinaka pinagpapasalamat ko."

Pinahid ko ang mga luha ko at suminghot.

"Tapos alam mo sabi niya sa akin, before he met Andy, his wife," kinagat ko ang labi ko para pigilan ang hikbi. "Sabi niya sa akin na ako raw ang una niyang minahal. Ako raw."

"Ako raw. Ako yung una niyang minahal," pag-uulit ko na parang hindi makapaniwala.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

"Natakot daw siya kaya hindi niya sinabi sa akin. Natakot siya na mawala ako at masira yung pagkakaibigan namin. He said that I mattered so much to the point that he had to forcefully extinguish what he felt for me," paglalahad ko habang humihikbi.

"Pareho pala kami ng nararamdaman. If only we were brave enough we, we would've a lifetime before us, a lifetime that is for us."

Patuloy lang akong umiyak nang dahil sa sakit, sa lungkot at sa galit.

Bakit napakasama ng tadhana? Bakit hindi patas ang mundo? Bakit ako?

Hindi ko maiwasang magtanong.

Inialis ni Ken ang ulo ko sa kaniyang balikat, kinuha niya ang mukha ko at iniharap iyon sa kanya. Pinunasan niya ang mga luha ko. Hindi siya nagsalita. Nanatili lang siya tahimik habang lumuluha rin.

Sabi nila hindi madalas at madaling umiyak ang mga lalaki, but when they do it only means one thing- everything was already too much.

Siya rin umiiyak kasi siya rin sobrang nasasaktan.

Itinaas ko ang mga kamay ko at inilapit ko sa mukha niya. Pinalis ko rin ang mga luha niya tulad ng ginagawa niya sa akin.

Sa bawat dampi at pagpahid ay inaalo namin ang isa't-isa at tahimik na hinihiling ang paghilom para sa isa't-isa.

Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang mga minuto.

Siya ang unang tumayo. Inalalayan niya ako at noong nakatayo na ako ay ikinulong niya ako sa kaniyang mga bisig.

"We will be alright, Sinag. Maghihilom din tayo," bulong ni Ken.

Tumango ako habang nakalapat ang ulo ko sa kaniyang dibdib at niyakap siya pabalik.

Siguro. Sana.

Hindi namin alam na habang pinagmamasdan kami ng kalawakan ng gabing iyon ay binubuo na pala nito ang kwento naming dalawa. Tinatanggal na pala nito ang mga buhol sa pulang tali na nakakabit sa aming mga hintuturo. Binuksan na pala nito ang panibagong kabanata sa buhay naming dalawang magkaibigan.

-end-












Daydream With Me [SB19 One Shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon