Whatever It Takes - Justin de Dios

611 15 44
                                    

prompt: runner justin x bff
dedicated to: @Miksiy (the winner of our mini-game) and @FlorenceMarieVienPul (the one who requested a justin fluff imagine)

------

"Kuya Yani, si Justin po?" tanong ng bagong dating na si Izzy sa binata. Nakipagbeso ito sa kaniya bago siya sinagot. "Nandun na siya sa locker room. Pakipuntahan nga at hindi na makali yung syota este yung shoti mo pala." Sinamaan naman ng tingin ni Izzy si Yani. Simula kasi ng mabuko siya nito tungkol sa nararamdam niya para kay Justin ay lagi na siya nitong iniinis whenever he has the chance.

"Ako'y tigil-tigilan mo Kuya ha. Sasapatusin talaga kita."

"Ang brutal mo talaga kahit kailan," he chuckled. "Pumunta ka na nga doon, baka himatayin na si Justin sa loob. Partida CLARAA palang to pero ganoon na siya ka anxious, what more pa if he wins and compete in the Palarong Pambansa? Baka talagang himatayin na yon."

"Luh, Kuya Yani. Ikaw nga nung nagpropose ka kay Ate Bianca akala mo magco-compete ka sa Olympics kung kabahan. Let me remind you that you did fainted before the surprise even started," pagdepensa ni Izzy para sa kanyang bestfriend. This time it was Yani who glared at her. "Pumasok ka na nga don. Wag mo ng ipapaalala yun, masaya na kami ni Bianca. Shoo! Alis alis."

Tinawanan niya lang ito at naglakad na papunta sa locker room kung nasaan ang kanyang bestfriend. Today is his d-day --- the day of his track and field competition that will determine if he will be competing in the Palarong Pambasa and if he is qualified to be a member of PATAFA. Kaya naman andun siya para suportahan ang kaniyang matalik na kaibigan.

Mag bestfriend si Izzy at Justin mula palang noong sila ay Grade 7. It all started when she tripped because of a bully. She fell face down at tumama ang bibig niya sa sahig at dahil nakabraces siya, her gums bled like there was no tomorrow. She still winces whenever she remembers that. Ganoon kasakit. Lahat yon ay nasaksihan ni Justin kaya kahit na hindi siya palaaway ay sinuntok niya ang nang bully kay Izzy. She can still remember how Justin broke the bully's nose for her. Simula noon ay napagdesisyunan ni Justin na maging "protector" ni Izzy. They became inseparable since then. They became like two peas in a pod. They became the best of friends.

She can still remember when, Jemi, one of her girl friends told her na hindi raw pwedeng maging mag bestfriend ang isang babae at lalaki, dahil no matter how much they try to maintain their friendship purely platonic ay tiyak na may mafa-fall pa rin sa dalawa. Tinatawanan niya lang ito noong una at kinokontra.

"Nako, imposible. Si Justin yon no. Bakit naman ako magkakagusto dun eh kabisado ko na ang pasikot-sikot ng bituka non kaya alam kong di ko siya magugustahan at ganon din naman siya sa akin. At saka hindi siya yung type ko no, you know naman na yung mga tipo ni Josh yung gusto ko."

Pero kinain niya lahat ng mga pinagsasabi niya noon kay Jemi at busog na busog siya sa lahat ng nilunok niyang mga salita.

"Jemi..."

"Oh bakit mukha kang naiiyak diyan?"

"Jemi..." a tear escaped her eye.

"Ano? May nangyare ba? Sinong nadala sa ospital? Sinong namatay? May nabagsak ka bang subject? Pinapalayas ka na ba ni Tita?" Sunod sunod ba tanong ng kaniyang kaibigan. Sinamaan niya ito ng tingin.

"Oh bakit? Ikaw tong Jemi ng Jemi ayaw mo namang sabihin kung bakit," sambit nito sabay higop sa hawak nitong milk tea.

"Jemi... tama ka. Gusto ko na si Justin."

Nabitawan ni Jemi ang milk tea at tumapon ito sa lapag.

"Palitan mo 'tong milk tea ko, Izzy. And wait before I forget, I told you so."

Daydream With Me [SB19 One Shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon