Tula
Tula nanaman. Panibagong tula nanamang tatambay sa loob ng kahong gawa sa kahoy. Hindi ko alam kung ilang tula na ang sinulat ni kuya Paulo na dapat ibibigay niya sa babaeng napakatagal na niyang nagugustuhan pero hanggang ngayon, ni-isa sa mga tula na sinulat niya, hindi pa nakakaabot kay Ate Athena. Ang daming beses nang sinubukan ng tropa na itulak papalapit si Kuya Paulo kay Athena pero wala, umaatras yung kaluluwa ni Kuya. Kulang nalang, kami na manligaw kay Ate Athena para lang sa kanya.
Eh sutil ako, kaya gumawa na ako ng paraan.
Kuya Paulo, Sorry pero kelangan ko na gumalaw kasi baka habang buhay ka na maging bato ka-aantay kay Ate Athena. Kinuha ko pala yung isa mong tula at inilusot sa locker ni Ate Athena.
***
BINABASA MO ANG
Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)
FanfictionStatus: COMPLETED✔️ Si kuya Paulo, ang bagal kumilos. Ang tagal nang gusto si Ate Athena pero wala pa ring ginagawa! Kaya ako na ang gumawa ng paraan! Kuya, sorry pero kinuha ko yung tula mo at nilusot sa locker ni ate Athena. SB19 Fanfiction ❤️