Chapter 24

672 29 10
                                    


Super late update! Sobrang busy hahahahaha . Namiss ko kayo. Sa jeep na ako nag susulat para lang makapag update ulit. Di talaga kaya sa work at bahay hahaha
Anyway, Sana mag enjoy kayo sa update!

DONT FORGET TO VOTE AND SHARE ❤️

***
SEJUN'S POV

"Korean Street Food~ Masarap na, gwapo pa ang nagbebenta! Bili na!" Sigaw ni Stell habang abala mag benta ng ttokbokki sa mga students na customer namin.

"Ang cute naman ng hair mo Kuya Stell hahaha" Sabi nung isang estudyanteng bumili ng paninda niya.

"Oo nga po. Mukha ka talagang ajumma hahahaha" sabi naman nung isa pang kasunod sa pila.

"Yan ang dahilan kung masarap ang tinda ko." Sagot naman ni Stell na naging dahilan ng tawanan ng mga babaeng students na bumibili. 

Sobrang haba na ng pila ng stall pero since nag increase kami ng inilabas na budget, I'm pretty sure na hindi kami mauubusan ng stock of ingredients.

"Kamusta ang bentahan natin dyan?" Pangangamusta ko kay Stell 

"Okay pa naman sa ngayon Nase. Mukhang kaya ko pa tsaka papalitan ako dito ni Jah mamayang after lunch since halos wala naman na siyang gagawin sa team nila." Reply sa akin ni Stell. 

"Nandito ka pala, pre." Sambit ni Ken sabay tapik sa balikat ko. "Stell, isa nga odeng dyan oh" Dagdag niya

"Oy! Singit ka dyan oh! Bawal singit dito." Pang aasar ni Jah na kakarating lang at mukhang kakatapos lang ng meeting niya with promotion team. Last meeting nila yan after nila mabenta lahat ng ticket.

Oo, na-imbenta nila lahat ng 700 tickets na pinagawa ko. Somehow, natatakot ako. Hindi ko alam kung anong pwede kong i-expect sa sa main event tomorrow which is our musical. 

"Ang gwapo ko namang singit. Diba girls?" Tanong ni Ken sa mga babaeng siningitan niya

"Yes kuya!!!!!! Dito ka na sa harap namin." Sabi nung nauuna sa pila. Kinindatan ni Ken yung mga babae kaya naging dahilan to ng pag gawa nila ng ingay dahil sa tilian. Natawa at napa-iling nalang ako ng napatingin ako sa mga lalakeng nakapila na napapakamot nalang ng ulo.

"Oh ayan na Odeng mo, Manok. Umalis ka na dyan sa pila baka lalo pang humaba at abutin ako ng kinabukasan dito mag benta." Sabi naman ni Stell. 

Umalis muna ako sa harap nila at umupo sa isang bakanteng table ng stall namin. 

"Hi Ku-- Paulo." Napatingin ako sa boses ng babaeng tumawag sa akin. Si Elise. 

"Elise! Nandito ka pala." I said tapos nginitian ko siya. May bitbit siyang tray ng food na binili niya sa ibang stalls.

"Mind if I join you?" Tanong niya sa akin

"Sure." Yaya ko sa kanya. Sumenyas ako kay Justin na magdala ng food galing sa stall namin. Matik naman akong nagets ni Justin kaya humingi siya kay Stell tapos dinala agad sa table namin.

"Hi Elise. Ayan, para sayo. hehe" Sabi ni Justin kay Elise sabay nginitian niya ng napakalapad. 

"Uy! Nag-abala ka pa." She said

"Nako. Hindi galing sa akin yan." tapos tinuro niya ako na naging dahilan nalang ng pag ngiti ko. 

"Thanks Paulo." Sabi ni Elise sa akin. It still feels a little different whenever he calls me by my name rather than calling me 'Kuya'. Though, it's weird that I like it this way. I don't know. Parang ang saya lang sa feeling.

"How are you? Hindi na kita nakakausap at nakakasama these past few days since naging mas hands-on na si Athena sa collab na to" I told her.

"Ahh. I'm okay. Binigay ko naman sa kanya lahat ng documents na napag meetingan natin since the start and of course, she knows it better. She's our president, after all." Sagot naman sa akin ni Elise.

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon