Chapter 30

482 32 13
                                    

Hello A'tin and moon readers~ Katulad ng pangako ko, here's an update. Para sa mga hindi nakabasa ng announcement ko, Everyday na akong maguupdate ng new chapter ng Boy Torpe~

Please don't forget to vote, share and follow my social media account for more updates~

PS. Natagalan ako mag update kasi nadistract ako sa puto na nakita ko sa twitter. Talaga tong mga batang to. Magsipaglinis na nga kayo ng kalat HAHAHAHAHAHAHA

***

JOSH'S POV

"Gutom na ako." Pagrereklamo ni Ken. I looked at my watch. It's already 3pm. Nananakit na rin itong magaganda kong mata dahil kanina pa ako nags-scroll sa phone ko. Si Jah, nakailang dance cover na at upload na ng videos sa social media accounts niya. 


Napag usapan namin apat na mag movie night sa bahay ni Jah ngayong gabi since weekends naman.


"Ako rin eh, nagugutom na. Sabi niyo magpapatila muna tayo ng ulan. Eh hanggang ngayon, hindi pa rin humihinto ang ulan." Sabi naman ni Stell. Napatingin ako sa bintana. Malakas pa rin ang ulan. Mag a-apat na oras na kaming nandito sa loob ng theater club at nagaabang ng pag tila ng ulan.


"Inaantok na din ako. Pwede  bang matulog muna tapos gisingin niyo nalang ako kapag huminto na ang ulan~"Sabi naman ni Justin. Bakit ang daming reklamo ng mga to ngayong araw? 


"Asan na ba si Nase? Kanina pa tayo natapos sa paglalaro ah. Ang dami na nating napagkwentuhan.  Ang sabi niya, susunod siya. Hanggang ngayon, wala pa rin siya." Sabi ni Stell tapos tumayo sa sofa at pinagsama sama yung mga kahon na pinaglagyan ng mga ginamit sa musical.


"nagugutom na talaga ako. May payong ba kayo dyan?" tanong sa amin ni Ken na walang pumansin. Tumayo siya sa kinauupuan niya at kumuha ng random na payong na naiwan ng ibang club officers dito sa loob ng theater club office.


"May gusto ba kayo?" tanong ni Ken.


"Gusto ko ng Corndog, Ken!" Sigaw ni Justin

"Ako naman, strawberry shake!" Sigaw ni Stell

"Osige sige. Pero, Akala ko ba gutom ka? hindi ba sasakit tyan mo niyan? Wala ka pang matinong kain." sabi naman ni Ken

"Joke lang pala yung kanina. Nauuhaw pala ako. Tsaka wala akong gana kumain dahil madami naman akong nakain kaninang breakfast. Ako kaya kumain ng mga tira niyong pagkain, oy." Tuloy ni Stell. 


"Ikaw, Josh? May gusto ka ba?" tanong sa akin ni Ken. 


"Wala. Busog pa ako. Ang dami kong kinain kaninang lunch bago ako bumalik dito." Sagot ko naman sa kanya. 

"Aba, kumakain ka ng wala ako? Sinong kasama mo ha aber?" tanong ni Justin sa akin at nakahawak pa ang dalawang kamay sa bewang.


"Bakit? Selos ka?Hahahaha" Pangaasar ko sa kanya. Hindi na kami inintindi ni Ken at agad sinuot niya yung earphones niya at tuluyan nang lumabas bitbit yung payong na kinuha niya. 


I checked my phone. Wala pa rin kahit isang message si Sejun sa akin


Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon