Chapter 29

505 35 12
                                    

Hello co-A'tin and moon readers~ Kamusta kayo? 

Namimiss ko nanaman ang boys. huhuhu namimiss ko nanaman si Sejun :(

Anyway, please don't forget to vote, share and enjoy my update~ 

***

JUSTIN'S POV

Ang sakit parin ng ulo ko, bat ganoon? huhuhu~ Iba yung sakit e. Parang may humampas sa ulo ko na bagay ng hindi ko alam. 

Teka nga...

*kapa.kapa.kapa.pisil*


"Aray!!!!" ANG SAKETTTTTTTTTTTTTTTTTTT MAMAAAAAAAAAA


"Jah! Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?!" Tanong sa akin ni Kuya Stell habang sinusukat yung mga wig na ginamit sa musical kahapon. Hindi ko mapigilang tumawa kasi gulat na gulat siya sa sigaw ko tapos pag tingin pa niya sa akin, blonde wig na may headband pa yung suot niya Hahahaha sobrang cute~


"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAAH" si Ken yan na tawang tawa. Nakaupo siya sa  sofa dito sa theater club at hawak nanaman ang phone niya. Nanunuod nanaman ata ng anime. Dito kami tumambay pagkatapos namin magbasketball kanina kasi wala naman kaming ibang pupuntahan today since katatapos lang ng foundation week. Next week, balik nanaman sa dati. ARAL nanaman TT___TT

"Hahahahaha Eh may bukol kasi ako. Hindi ko alam san ko nakuha." Sabi ko sa kanya. Pagkatapos niyang pakinggan yung sinabi ko, bumalik ang atensyon niya sa pag aayos ng mga wig. Tumingin ako kay Ken na pigil na pigil pa rin sa pag tawa. Sumenyas ako na tumigil siyang tumawa kasi baka mapikon si Kuya Stell. Wala pa naman sina kuya Paulo at Josh dito para pagsumbungan ni kuya Stell. Speaking of kuya Paulo, naalala ko na may ikukwento nga pala ako kay Kuya Stell.


"Kuya Stell" Tawag ko sa kanya


"Ano yun? Yan na ba yung itatanong mo sa akin?" tanong niya ng hindi pa rin tumitingin sa akin at patuloy lang sa pag aayos ng mga wig na ginamit sa musical kahapon. Hindi ko rin alam kung nababasa niya yung utak ko kasi yun naman talaga yung sasabihin ko.


"Opo. Actually, hindi siya tanong. May ikukwento ako." Sabi ko sa kanya. Huminto siya sa ginagawa niya tapos tumayo sa harap ko. Syempre, hindi na niya suot yung wig. Hindi talaga ako makakapagconcenrate sa pag kukwento kung may suot suot siyang wig sa harap ko. hahahahaha


"Kagabi kasi, naalala mo, pinakuha mo sa akin yung boxes ng pizza na inorder niyo ni kuya Josh para sa party?" Sabi ko sa kanya


"Oo. Dumating nga yung boxes dito na lasog lasog na jusko, Buti nalang hindi yung pizza yung nasira." Sabi naman niya. Parang kasalanan ko pa na nalasog lasog yung box eh ako lang mag isa yung kumuha. Anyway~


"Kinuha ko yung order niyong pizza sa lobby. Tapos noong pabalik na ako, Nakita ko si Elise." sabi ko sa kanya. Halata sa mukha ni Kuya Stell yung lito sa mga pinagsasasabi ko. Feeling ko ang dami na niyang tanong sa utak niya sa mga oras na ito. Natatawa ako sa facial expression niya pero sige, kaya mo yan Jah, pigilan mo. 


"Nagulat ako ng biglang siyang sumulpot sa harap ko. Kagabi ko lang kasi siya ulit nakita dahil sobrang busy ko nga sa pag aasikaso ng mga estudyanteng manunuod tapos hindi ko rin siya nakita sa backstage kahapon kaya talagang nagulat ako." pagkukwento ko kay Kuya Stell 

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon