Chapter 15

658 26 16
                                    

Hi A'tins! Sorry late ako mag update lately. Sorry sobrang busy ko talaga. Anyway, congrats sa SB19 for landing on 6th place sa Billboard Next Big Sound!!! I'm still hoping and praying na sobrang mag boom yung career nila in the near future. 

So eto na, mag uupdate na po~

***

SEJUN'S POV

Nasa tapat kami ngayon ng bulletin board ng Theater club dito sa school's corridor. Ako, si Justin, Ken at Stell. si Josh naman, may inaasikaso para sa musical namin. Since siya ang senior, mas kabisado na niya ang mga pasikot sikot na pwede naming gawin for the musical. Si Josh kasi sobrang madiskarte. 

"Sabi na kuya Stell e, ma-assign ka sa booths e. HAHAHAHAHA galingan mo mag tinda ha." Pang aasar ni Justin kay Stell

"Nase, bakit mo nanaman ako nilagay sa booth. Every year nalang no? Yung totoo, may sama ka ba ng loob sa akin? May nagawa ba akong masama? Kung meron, sorry na..." dere-deretsong sabi sa akin Stell. Natatawa ako sa mukha niya na para bang nag mamakaawa habang hawak hawak yung kamay ko

"Ano ka ba Stell, Kaya gusto kita sa booth kasi may experience ka na. Alam mo na paano iikot yan and besides, pagkain naman yung ibebenta mo this time so alam kong hindi ka mahihirapan. Sa galing mo ba naman magluto. Sure ako magiging successful yung booth natin." Sabi ko naman sa kanya

"Nase, 2 years ago, Parlor yung booth natin. Ginawa niyo akong baklang taga tawag ng mga customers. Ang dami kong kumalat na picture tapos color blue ba yung buhok ko. Naging meme of the year ako noon. Last year, Anime yung theme ng booth natin. Gusto kong maging si Naruto para naman cool diba? Pero anong ginawa ni Josh, ginawa niyo akong si Jiraiya, yung matandang mahilig. Tapos ngayon, korean street food, baka gawin niyo naman akong Ajumma na May kulot na buhok ha." Reklamo ni Stell na napahawak nalang sa ulo niya. Mukha siyang nagpapanic. Hahahahaha

"Hindi, ikaw yung blood sausage." pang aasar ni Justin. 

"At least walang nagsulat ng pangalan ko na may DAKS sa dulo, diba Ken?" Sabi naman ni Stell kay Ken sabay turo sa list ng group assignment sa board. May nag vandalism Kasi. Nilagyan ng DAKS after name ni Ken. hahahahaha Hindi ko alam kung maiinis ba ako dahil nag vandal sila o matatawa kasi, wala. Funny e. hahahahaha

"DAKS ka? weh, di nga? Parang di naman." Tanong naman ni Justin kay Ken

"Gusto niyo ba makita?" seryosong tanong ni Ken sa dalawa. Nagtinginan lang sina Jah at Stell. Nagulat siguro sa tanong ni Ken. Sabay silang umiling. 

"tumigil nga kayo dyan, para kayong bata hahaha" Sabi ko naman sa kanila. Para nanamang mga batang nag babangayan. 

"Pero teka, maiba ako, base dito sa list ng assignments, si Justin sa promotion, Ako sa booth, si Ken sa production. Si Josh sa budgeting... So sino counter parts namin sa Dance troupe? Magaganda ba yan o tayo lang lahat?" Tanong ni Stell

"Hindi ako makakapayag kuya Paulo! Kelangan nila makita ang handsomeness ko. Para saan pa na naka collab natin ang magagandang mga dilag na yan kung hindi ko manlang sila mararamdaman." Sabi ni Jah. 

"Tapos i-flash mo nanaman yang ngipin mo? Feeling mo lagi May commercial ka ng toothpaste no?" Pang aasar ni Stell kay Jah.

"Mas gwapo ako." Singit ni Ken. 

"Gwapong manok." Sagot naman ni Stell sa sinabi ni Ken.

"Mukhang chicken." Gatong naman ni Jah. 

ANG KALAT NANAMAN. 

"Okay stop. Madami pa kaming paguusapan okay? Tsaka atin palang naman yung naka post. Antayin niyo yung post ng dance troupe sa board nila. Hahahaha, Since may kanya kanya na kayong assignments, baka gusto niyong magplano per department niyo diba? Hahaha Kaya niyo na yan. Madami dami din kaming paguusapan ni Elise later tungkol sa Theme ng musical." I told them. 

"Tanong ko lang, Bakit laging si Elise yung ka meeting mo?"tanong sa akin ni Ken. 

"hmm. Ang sabi kasi sa akin ni Athena, madami pa siyang inaasikaso lalo na meron pa silang isang program na inaayos pero once matapos na niya yun, magiging hands on na siya dito sa collab ng clubs natin." Sagot ko sa kanila

Sabay sabay naman yung tatlong nagtinginan na parang may sekreto silang hindi ko alam.

"Bakit?" tanong ko sa kanila

"Wala naman." Sagot ni Ken Teka, una na ako. late nanaman pala ako sa isang class na tuturuan ko ng sayaw." dagdag niya

"Sus, lagi ka namang late. Sa late mo lang may poreber." Sabi ni Stell.

"three-eber muna bago poreber." gatong ni Jah

ANG KALAT.

TULONG.

"una na ako. hindi na tayo natapos sa mga kalokohan niyo. hahaha"

Nag paalam na ako sa kanila at umalis na ako ng corridor. Tinext ko na si Elise para mag meet kami sa music room. Dapat sa theater club office kami mag meet kaso ginagamit to ng props team at production theme para sa musical kaya sinabi ko nalang na mag meet kami sa music room. Tutal, tahimik naman doon kasi laging may walang tao dahil nasa 7th floor lalo na linggo ngayon. Nag reply naman siya at sabi niya antayin ko nalang siya sa room. Kinukuha lang niya yung mga papers na kailangan niyang ipakita sa akin tungkol sa theme ng Musical.

I waited for more than 30 minutes pero wala pa rin si Elise. I tried texting her pero hindi siya nag rereply. I tried calling her pero hindi niya sinasagot. Lumabas muna ako ng music room at naglakad lakad sa hallway para maaliw ako. Nung nakarating na ako banda sa hagdan, may natanaw akong babaeng nakaupo sa sahig tapos maraming nakakalat na mga papel kaya lumapit ako at sinilip pa. Nakatalikod siya at parang namimilipit kaya lumapit na ako sa kanya. Naririnig ko rin siyang umiiyak.

"miss, okay ka lang ba?" tanong ko agad sa kanya pag lapit ko.

"I'm--" natigilan ako dahil si Elise yung babaeng naka upo sa sahig.

"Elise? hey, are you okay?" tanong ko sa kanya.

"Kuya Pau..Paulo..." Mahina niyang bigkas ng pangalan ko. Namumutla siya at sobrang pinapawisan tapos namamaga pa yung mata. Ano bang nangyari sa batang to?

"what happened?" Tanong ko sa kanya. Hawak hawak lang niya yung tyan niya

"Sobrang... sakit kuya... tu...tulong...." mga salitang huling beses na lumabas sa bibig niya bago siya tuluyang nawalan ng malay.

***
END OF CHAPTER 15

KABAHAN KA NA ATHENA HAHAHAHAAHAHA CHAROT LANG.

Mag uupdate ako antay lang kayooo~

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon