Chapter 37

489 33 5
                                    

Hello A'tin and moon readers~ Kamusta kayo? Namiss ko kayo!

Please don't forget to vote share and follow my instagram account /_moonsandsmiles

Thank you!


***


JOSH'S POV


*KNOCK KNOCK*

Ang lakas naman ng katok na 'yan. Parang galit lang ah? Hay.


Pagbukas ko ng pintuan, nabigla ako nang biglang bumungad sa harap ko si Jennie. Mukhang balisa siya dahil nagkakagat siya ng kuko. Mannerism. 

Ano nanaman kayang problema nito?


"stop nail biting." saway ko sa kanya. Agad naman niyang binaba ang kamay niya.


"Si Paulo? Nandito ba siya?" Tanong niya sa akin. Sumilip silip pa siya sa likod ko. Nababakasakali siguro na may Paulo na mahagip ang kanyang mga mata. 


"He's not here. One week na siyang 'di dumadalaw dito sa club." I told her. Iniwan kong bukas ang pintuan at naglakad pabalik sa sofa ng sala ng theater club at ibinalik ang atensyon ko sa harap ng laptop. Inaayos ko kasi lahat nang pinapabago ng Thesis advisor ko for my paper. Isang rason rin ito kaya tuliro ang utak ko ngayon. Wala talaga ako sa sarili ngayon.


"Pasok ka." Sabi ko sa kanya dahil nakatayo pa rin siya sa tapat ng pintuan. Pumasok naman siya pagkatapos ko siya sabihang pumasok.


"One week, Josh. Nag-flood na ako ng messages sa kanya pero walang reply. Hindi rin siya nag o-online. Theater club nalang ang wala pang napapasang documents. I already gave him a week. Hindi ko matapos yung final paper dahil wala pa rin hanggang ngayong pinapasa sa akin si Paulo. Pati Vice president niyo, tinanong ko na rin pero walang documents na binigay si Paulo sa kanya." Dere-deretso niyang salita tapos balik nanaman sa pagkakagat ng kuko. Pinakikinggan ko siya pero hindi ko siya pinapansin.


"Hindi ka ba nakikinig?" She's pissed. Typical Jennie. Buong araw yan kapag bwisit. Halata naman sa boses at awra niya. Ganyan si Jen pag may mga bagay na hindi naaayon sa plano niya.


"Stop nail biting first.." I said then I looked at her with my pissed face.  ".. tsaka lang ako makikinig sa'yo." dagdag ko. Agad naman niyang hininto tapos umupo sa isang bakanteng upuan sa harap ko. 


"Wala siyang endorsement sa akin. Alam mo naman 'yon. Pag trabaho niya, ayaw niyang may nakikialam. Tsaka kahit kami, hindi namin alam kung nasaang lupalop ng mundo na si Paulo." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Tiningnan ko siya at mukhang hindi ko nabenta sa kanya yung sagot ko. 


"How about her mom? Sinubukan niyo na bang tanungin? Baka alam niya?" sunod-sunod niyang tanong. 


"Teka lang, Jen. Isa isa lang please?" Pakikiusap ko sa kanya. Ang gulo gulo na nga ng utak ko, ang dami pa niyang tanong. 


"Ang alam namin, wala siya sa bahay niya. Hindi na namin sinubukang magtanong sa mom ni Sejun since ayaw namin makadagdag sa isipin"Tuloy ko. Tulala nalang si Jen. Pakiramdam ko, ang daming tumatakbo sa utak niya.

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon