Chapter 35

487 35 22
                                    

Hello co-A'tins and moon readers~ Alam ko, late nanaman ako nagupdate. Balik duty nanaman kasi ako. Anyway, Sana mag enjoy kayo sa update!

Please don't forget to vote, share and follow me on my IG account - (_moonsandsmiles)

PS: Malapit na matapos ang Boy Torpe. Sana patuloy niyo siyang suportahan hanggang dulo. :)

***

JOSH'S POV

Tanghali na at kagigising ko lang...ulit~

 Sa totoo lang, nagising na ako kaninang alas otso dahil maagang bumangon si Stell para ihatid yung tatlong magagandang dilag pauwi sa kani-kanilang mga bahay.  Pag alis nila, bumalik ako sa kama dahil anong oras na ako nakatulog. Kung hindi ako nagkakamali, parang halos alas singko ng umaga na rin ako nakahiga para matulog kaya eto ako, mukhang nakahithit ng sunog na gulong.

 Chineck ko agad ang phone ko pagbangon. Sobrang sakit pa rin ng ulo ko dahil sa dami naming ininom namin kagabi. Unang natumba si Jah kasi mababa talaga ang alcohol tolerance niya. Buti nalang at walang nangyaring kakaiba kagabi dahil sa kalasingan niya. Hindi nga rin alam ni Kuya Yani na lumalangoy si Jah sa sahig pag lasing e. Pag nalaman niya, for sure, masesermonan....si Jah. Syempre, si Jah lang. hahaha

Tinanggal ko itong kumot na nakabalot sa akin at dahan-dahan kong inalis ang braso ni Justin na nakayakap. Mahirap na, baka magising 'tong bata na to. Lamog pa naman sa alak. Hirap na hirap akong matulog dahil din sa kanya. Napakahigpit kasi ng yakap. Kung hindi lang ang tropa ang kasama ko at ibang tao ang nakakita ng sitwasyon naming dalawa, malamang sa malamang, iisipin nilang may relasyon kami ng batang 'to.

 Pagbangon ko ng kama, hinanap ko agad yung tsinelas ko pero nawawala yung isa. Ikot ako nang ikot sa kwarto ni Sejun. Nahilo na ako sa kakahanap hanggang sa nakita kong nasa ilalim ng unan ni Ken. Sa sahig nanaman natulog ang isang 'to. Hindi ko alam, pero madalas pag ganitong inuman, lagi mong mahahanap sa sahig si Ken na natutulog. 

"Ang lamig~" He murmured

Panong hindi lalamigin, nakahubad matulog. Hinila ko ang kumot niya at agad kong tinakpan ang katawan niya. Hindi na rin ako magtataka kung biglang magka pulmunya itong si Ken. Hay

Ano ba 'to. Kagigising ko pa lang, nag-aalaga na ako agad. Hindi ko pa nga nakikita ang sarili ko sa salamin. Pakiramdam ko, mukha nanaman akong pinagsamantalahan. Yung buhok ko, parang pugad na ng ibon. Buti nalang, gwapo ako. 

Lumabas ako ng kwarto tapos dumeretso sa baba para maghanap ng makakain. Nadatnan ko ang mama ni Sejun na katatapos lang mag luto ng agahan. Mukhang masarap nanaman ang kain namin nito mamaya. The best talaga si tita Grace!

"Good morning, tita." Bati ko sa kanya. Saktong kakatanggal lang niya ng apron.

"Oh Josh, good morning. Nagluto na ako ah. Kain nalang kayo nina Paulo later. Late na ako sa work ko." Sabi niya sa akin habang nagmamadali sa pag aayos ng mga gamit niya.

"Okay po tita. Ako na po bahala sa kanila." I told her tapos lumapit siya sa akin para bumeso.

Pag alis ni tita, dumeretso ako sa kusina para mag timpla ng kape. Pag nagtitimpla ako, gusto ko yung mapait para kasing pait ng buhay at pampagising sa realidad ng mundo. Syempre charot lang yon. 

 Pagkatapos ko mag timpla, bumalik ako sa taas at pumwesto sa balcony. Umupo ako doon tapos tumulala sa kawalan. Ang lamig ng panahon ngayon! Parang ang sarap maghanap ng kayakap. Hayyyy bakit ba ako single? Ang dami ko nanamang tanong sa buhay.

"Morning." Paglingon ko, si Sejun na kagigising lang, nagkakamot ng mata at magulo pa sa buhay ko yung gulo ng buhok niya. Sa itsura ng buhok niya ngayon malalaman mo kung paano at kung anong side siya natulog.

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon