Chapter 40

560 29 33
                                    

Hello co-A'tin and moon readers. Finally. Kung umabot ka dito, congratumalations dahil kasama mo kami sa pagtatapos ng Boy Torpe. Ngayon palang, gusto ko na magpasalamat dahil sa pag suporta mo sa istorya hanggang sa dulo. Sana napasaya ko kayo <3 

Please don't forget to vote, share and follow my ig: _moonsandsmiles

Last chapter~

***

SEJUN'S POV

"Paulo, I like you. I like you a lot." Athena said


Palubog ang araw at naninikip ang dibdib ko.


"Athena." I called out her name. Kinuha ko ang kanan niyang kamay at ito'y itinapat sa puso ko. 


"May gusto rin akong sabihin sayo.." I said. 


Alam ko na sa mga oras na ito, kailangan kong magpakatotoo. Alam ko na sa mga oras na ito, kailangan kong gawing malinaw sa kanya ang naramdaman ko noon at ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong sabihin sa kanya lahat ng bagay na hindi ko nasabi sa loob ng tatlong taon. Gagawin ko 'to para magkaroon na ng huling pahina ang kabanata ni Athena sa puso ko.


"Athena, sa totoo lang. Simula first year, may gusto na ako sayo." I told her. Nanlaki ang kanyang mga mata na para bang hindi inaasahan ang mga salitang pinakakawalan ko mula sa aking bibig.


"Ilang beses kong sinubukang lumapit sayo. Ilang beses ko rin sinubukang umamin nang nararamdaman ko para sa'yo pero lagi akong kinakain ng takot, Athena." Tuloy ko. Binitawan ko ang kamay ni Athena at inilusot ang aking kamay sa aking bulsa at kinuha ang pitaka ko.


"Here."  Inabot ko sa kanya ang papel na dinukot ko mula sa aking pitaka. As I hand her the paper, I can't help but smile. Marahil dahil hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang naramdaman ko noong unang beses kong isinulat ito. 


"That's always in my wallet. Ang daming beses kong sinubukang iabot 'yan sa'yo pero wala, natotorpe lang ako." pagpapaliwanag ko. I pushed my hair back dahil natatakpan na nito ang aking mata. 


It's the first poem that I wrote for her.


Binuksan niya ang papel na inabot ko sa kanya at tahimik niyang binabasa. Mga ilang sinundo lang, nakita kong tumutulo ang mga luha ni Athena. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon habang binabasa ang sinulat ko. Nagumpisa siyang humikbi at sinusubukang pigilan na may lumabas na tunog nang dahil sa pag iyak niya. 


"Pero Athena, ngayon, may iba na kasing tinitibok ang puso ko."  Sa oras na sinabi ko ang mga salitang 'yan, biglang bumuka ang dibdib ko na para bang nakahinga ako mula sa pagkakalunod sa gitna ng dagat, na parang nabunutan ako nang napakalaking tinik. 


Tumingin sa akin si Athena at patuloy pa rin ang pag agos ng kanyang mga luha sa napakaganda niyang mukha. Inilagay niya sa bulsa niya ang papel na inabot ko sa kanya.


"Noong una naguguluhan ako pero habang tumatagal, naging malinaw lahat sa akin." dagdag ko.

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon