Chapter 22

646 24 3
                                    

Hello A'tin! Ayan na ah! inayos ko na. Baka mapalo na ako ni Pinunong Sejun dahil Collective noun nga daw po yung A'tin. So dapat walang S. Hahaha okay?

***

SEJUN'S POV

Athena knocked three times bago kami pumasok sa loob ng office ng school head. Pag pasok namin, dumeretso kami sa reception at tinanong namin if available si Deean. Papakiusapan namin siya tungkol sa change of venue ng musical namin since marami ang gustong manuod. 

"Nako maam and sir, Wala ngayon si Dean. May meeting with the other head ng different schools." Sabi ni Miss Nicole. Siya yung secretary ng Dean. 

Shit. Kailangan ko nang gumawa ng decision bago matapos ang araw ngayon since malapit na yung foundation day. Kung hindi ko makakausap si Dean today o kaya rejected yung proposal ko, wala akong choice kundi sabihin sa lahat na hindi approved yung 700 tickets at change of venue for our musical. 

"Mga what time po kaya siya makakabalik from the meeting?" tanong ni Athena kay Miss Nicole. 

"Nako maam, hindi ko rin po masabi since madami po talagang mga agenda si Dean. Minsan biglaan katulad po ngayon. Supposedly, next week pa po itong meeting niya with the other head of other schools pero na advance kasi ngayon lang nagkatugma tugma yung mga oras nila." Pagpapaliwanag ni Miss Nicole kay Athena.

"Sige po. Iwanan ko po contact number ko. If ever maam Nicole na dumating ng mas maaga today si Dean,  pwede niyo po ba ako tawagan or i-message manlang po? Para ma-address ko yung concern ko. May kinalaman po kasi ito sa foundation day namin." Pag eexplain ko 

"Yes sir. Walang problema. I'll message you asap once makabalik agad si Dean." She said. Nag log ako sa logbook nila kasama number ko para in case dumating si Dean ng mas maaga today, malaman ko agad at makapunta ako agad dito sa office niya.

Pagkatapos non, lumabas na kami ni Athena sa office. Tuliro pa rin ang isip ko dahil nga ayaw ko ma-disappoint ang mga students na gusto manuod ng musical namin. Kung tatanungin ang ibang tao, mas pabor sila na na-reach na nila yung max number ng audience at hindi nila pipiliin mag increase ng numbers pa ng audience at change ng venue kasi sino bang gusto ng toxic na workload? Malaking adjustment yon sa budgeting. Pero para sa akin, mas importante yung mag enjoy yung mga student lalo na 50th foundation day namin to. Hindi ko na iniisip yung toxicity and yung bigat ng work load at iba pang mga possible na problem kasi I know I can handle it lalo na I have a very cooperative team. Hindi rin naman ako mag a-attempt na mag bago ng venue if I'm not confident with the capabilities of my team. 

"Malalim yata iniisip mo, Paulo." Ate suddenly said. 

"Ha? Ah. Kind of. Gusto ko lang talaga makausap si Dean para makapag decision na ako.."I told her. 

"Tayo." She said. 

"Tayo? Ha?" I asked because I was confused. Somehow, my heart flutters a little bit. I almost forgot that I'm with Athena. Paulo, gising.


"Yeah. Paulo, nakakalimutan mo na ata na ako ang President ng Dance Troupe, ha? Nagtatampo na ako hahaha" She explained tapos nginitian niya ako. 

"Sorry. Sorry. Ang dami ko lang talagang iniisip." I said.

"Oh. Anong ginagawa niyo dito?" Napatingin kami sa boses na narinig namin ni Athena

"Jennie." I said.

"Pumopogi ka lalo Paulo ah. Mukhang may nagpapasaya sayo, hahaha" Pang aasar ni Jennie sa akin. Jennie is a close friend of mine. Lagi kaming magkasama sa mga programs ng school kaya marami na kaming naging bonding moments. Somehow, I can say na marami na din siyang alam tungkol sa akin.

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon