Chapter 10

649 35 9
                                    

Kamusta naman ang twitter bingo kagabi mga ka-A'tins? Naka bingo ka ba? Ako naka bingo at dahil dyan, maguupdate ako ngayon. Hahahaha uwu

***
SEJUN'S POV

Athena and I are sitting right now in a coffee shop set up, face to face. Break up yung first scene namin ngayon. Nakakaramdam ako ng pag init ng mukha ko. Umakyat na ata sa ulo ko lahat ng dugo ng katawan ko sa kaba at hiya na nasa harap ko ngayon si Athena. Nakakasalamuha ko naman si Athena dahil nga tropa siya ng barkada pero hindi ko alam bakit pag kami yung magkaharap, para akong nababaliw. Hindi ko rin siguro maalis na tatlong taon ko na siyang gusto. Sinusubukan kong tandaan yung pinangako ko sa sarili ko na mag momove on na ako at hindi na aasa dahil alam ko namang magiging sila na ni David pero hindi ko maiwasang umasa pa rin ng kaunti. Paulo, gising. Wag ka nang umasa.

"Okay po. Nabasa niyo naman po siguro ang script. Break up scene ito so dapat maramdaman po namin yung emotions ng couple na naghihiwalay." Sambit ni Justin. Tumango lang kaming dalawa ni Athena. Both of us are preparing for the first scene. Gusto ko lang sana ma one take lahat ng scene para matapos na agad at makauwi na dahil pakiramdam ko, hihimatayin na ako.  Kalma Paulo, kalmahan mo lang.

"Okay na po ba tayo? Okay ka naman kuya Paulo?" Tanong sa akin ni Justin na nag flush ng gummy smile niya. Gusto ko sanang paluin tong bata na to sa pwet dahil wala manlang pa abiso na binago na pala yung role ko sa film. Tapos hindi pa sinabi sa akin na Si Athena pala yung partner ko.

"Okay lang ako Jah. Mamaya usap tayo ha hehehe" Sagot ko sa kanya. Sinadya ko yun kasi ang sarap talaga asarin ng bunso namin. Halata sa mukha niyang kinabahan siya sa mga binitawan kong salita. Pero wala nang mas kinakabahan pa sa kwarto na ito kundi ako.

"Game na!" Umalis si Jah sa harap namin ni Athena at umupo sa director's chair. Oo, siya ang director ng short film nila. Pagkabasa na pagkabasa ko palang, alam ko nang ito yung mga tipo niya ng film.

"Camera rolling in 3....2....1... Action!"

"Shane. Anong problema? Bakit biglaan naman?" I said. I'm trying to execute the lines base sa scene pero hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Tumingin si Athena deretso sa mata ko na naging dahilan ng bigla kong pagtayo.

"CUT!!!!!!"

"What happened?" Tanong ni Athena sa akin habang sinusubukan kong habulin yung hininga ko.

"Ha?" Tumingin ako sa paligid ko at nakatingin ang lahat sa akin.

"Kuya Paulo, anong meron?" Sigaw ni Justin.

"Can I pee first?" Tanong ko sa kanila. I heard Athena giggled. Sobrang init ng mukha ko.

"Ha? Osige kuya! Guys! Balik tayo after 10 minutes!" Sigaw ni Jah sa mga kagrupo at mga extra sa short film na ito.

I excused myself to Athena at agad pumunta sa banyo. Napahawak ako sa dibdib ko kasi sobrang lakas ng tibok na para bang gusto nito lumabas. I opened the faucet at nag hilamos. Paulo kalma. Paulo kalma. Tiningnan ka lang niya, wag kang kabahan. Kailangan mong ayusin para isang take lang lahat.

Lumabas ako ng banyo na basang basa yung mukha ko. Hindi ko pala dala yung panyo ko.

"Hey. Are you okay?" Tanong ni Elise na nakasalubong ko na ang daming hawak na materials.

"Yeah." I said. She looked at me na parang nag d-doubt sa sagot ko.

"Favor Kuya Paulo, pwede pakuha sa bulsa ko yung panyo?" Tanong niya sa akin

"Ah-- sure sure." Kinuha ko ito sa bulsa niya at inabot sa kanya

"Use it. Basang basa ka kuya. hahaha Una na ako" She said

"Per--" Hindi ko na natapos yung sentence ko dahil naglakad na siya papalayo. Lumingon siya nung medyo nakalayo siya

"Thanks!" Sigaw ko

Agad kong pinunasan yung buong mukha ko at dumeretso sa set.

"Okay ka na ba?" Tanong sa akin ni Josh.

"Okay lang pre. Haha" sagot ko sabay balik sa table kung saan naka ready na si Athena for our scene.

"Okay! Okay na ba ang lahat?! Ready na ha!" Sigaw ulit ni Jah.

"Okay ka na ba?" Tanong sa akin ni Athena.

"Yeah. Okay na. Sorry about kanina." I told her.

"No problem. Kaya natin to hahaha" She said then smiled at me. How can I handle those smiles? Nalulusaw na ako.

"Camera .. rolling.... in 3...2....1... Action!"

"Shane. Anong problema? Bakit biglaan?" I said.

Athena looked at me straight into my eyes. I'm trying to calm myself.

"Sorry, pero.. hindi na ikaw yung mahal ko. I don't know how that happened pero hindi ko ma control yung puso ko. I'm sorry James."  Her lines. Nakaramdam ako ng sakit sa mga linyang binitawan niya kahit alam kong film lang to. Pakiramdam ko talagang nakikipag break siya sa akin.

"Pero Shane.." I held her hand and looked straight into her eyes like how it's written on the script. "Saan ba ako nagkulang?" I said

"Wala kang pagkukulang, James. Ako ito. Hindi ko sinasadyang saktan ka pero siya na yung mahal ko. I'm sorry."

"Apat na taon? Bibitawan mo lang dahil sa bagong taong dumating sa buhay mo? Hindi mo ba alam kung gaano kita kamahal? Yung pagmamahal ko sayo, sobra sobra na parang sasabog na ako. Hindi ko na makontrol. Araw araw, ikaw yung iniisip ko. Yung mga pangarap ko na magawa ko kasama ka. Yung mahawakan yung mga kamay mo. Masabi sayo, sa harap mo na, Ako nalang. Pahahalagahan kita, na hindi ko hahayaan may manakit sayo at saktan yang puso mo. Mahal kita." Dere-deretso kong salita.

JUSTIN'S POV

Nadadala ako sa scene nina kuya Paulo at Ate Athena. Bakit parang ako din nasasaktan?

"Justin" kalabit sa akin ni Stell

"ano yun?" Sagot ko habang naka focus ako sa scene nung dalawa

"Parang wala naman yan sa script. Hindi yan yung nakasulat sa script e" He said

"Oo, hindi yan yun." Gatong naman ni Ken

"Nako. Mukhang nadala si Sejun." Sabi naman ni Kuya Josh

"I-cut ko na ba?" Tanong ko sa kanila.

"Wag. Mukhang maganda kalalabasan ng film mo Jah. Hahahaha" Kuya Josh said.

****
END OF CHAPTER 10~
So ayun na nga. Anong kaganapan itooooo!!! HAHAHAHAHA

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon