Chapter 18

765 30 8
                                    

Hello A'tins! This chapter is dedicated to all of A'tins out there!!!!~ Sana mag enjoy kayo sa Upload kong ito. 

Please don't forget to vote and share the story 💙

***

JUSTIN'S POV

So ako'y na-eexcite sa mga nagaganap. Hahahahaha inassign ako ng theater club sa promotion. Usually kasi si kuya Josh yung Naka toka dito dahil lakas nun mag feeling networking pero this time, ako ang inassign.

"Pag nag abot kayo ng flyers kailangan abot batok yung mga ngiti niyo para maka gain tayo ng mga manunuod. Tapos pag sinabi niyo na 'nood po kayo', lagyan niyo ng lambing para mahikayat natin sila na manuod sa musical." Sabi ko sa mga na assign din sa promotion team. Attentive naman silang lahat na nakikinig sa akin. 

"Ganyan ba diskarte mo kuya Justin sa mga babae at nagkakandarapa sila sayo?" Tanong ng isang babae sa promotion team. 

"Oo nga po kuya. Diskarte mo yan no? Hehehehe" Pang-aasar ng isa pa. 

"Heh! Tumigil nga kayo" saway ko sa kanila na naging dahilan ng tawanan ng lahat. Pinagtripan pa ako ng mga to..

"O game na ha. Umpisahan na natin today kasi 1 week nalang, foundation day na. Inayos ko na lahat ng flyers" sabi ko sabay turo sa lamesa sa tabi lang namin. "Kailangan maubos natin yan today. Sabihin niyo din sa mga kukuha ng flyers available na yung ticket. Deretso nalang sila dito sa theater club para bumili ng ticket sa counter." Dagdag ko. 

Pagkatapos ng meeting namin, nag-umpisa na sila kumuha ng kanya kanya nilang flyers

 

"Group A, sa May school entrance kayo, Group B, sA court Naman kayo. Kaming mga Group C, SA school corridors." I told them habang nag uusap usap sila paano nila didiskartehan yung pamimigay ng flyers. 

Naeexcite ako na kinakabahan dahil hindi lang naman collaboration yung main event dito sa foundation day. May malaki kaming pinaplano para kay Kuya Paulo at Ate Athena sa mismong D-day. Malakas kutob ko na nabasa ni ate Athena yung 100 poems or letters na nasa loob ng envelope na kinupit ko mula sa baul ni kuya Paulo. 

"Yo Justin! It's Yo boy Ken~" sabi ni Ken habang nag mu-moonwalk papunta sakin. Minsan hindi ko na talaga maintindihan ang mood ni Ken. Wala siyang in between. Kung hindi tahimik, sabog. Katulad ngayon, hindi naman sya required mag moonwalk para lang makausap ako, ginagawa pa rin niya. Pero iniisip ko nalang, May purpose si God bakit niya ginawang kaibigan ko si Ken. Hehehe

"Watsapmahmehn" reply ko naman sa kanya na naging dahilan ng pagtawa niya. Hindi normal na tawa.  Tawang pang demonyo itong naririnig ko ngayon.  "Oh bat nandito ka? Diba naka-assign ka sa choreo for musical?" Dagdag kong tanong. 

"Tapos na kasi yung pagtuturo ko sa kanila. Nag kakabisado nalang sila tsaka nakakahiya naman sa dance troupe. Parang sampal na nga sa kanila na ako nagturo ng choreo eh sila tong dance troupe" sabi naman ni Ken. Medyo nagsasalita siya ngayong araw. Mukhang nakakain to ng pwet ng manok. 

"Eh naka-assign ka naman sa production so walang problema don. hmm, so ngayon wala ka nang gagawin?" Tanong ko sa kanya. Tumingin tingin siya sa paligid namin at nakita niyang May hawak na flyers yung mga ka group ko. 

"Mukhang busy kayo ah." Sabi niya sa akin. Lumapit ako sa lamesa ng flyers at siya naman ay sumunod. 

"Oo. Mamimigay na kasi kami ngayon ng flyers para madami dami tayong makuhang taong manunuod." Sabi ko naman. Kumuha ako ng isang bulk ng flyers at inabot sa kanya. 

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon