Chapter 13

647 23 6
                                    

Medyo late lang pero as I promised, here's the update! Please don't forget to vote and share~ uwu

***

STELL'S POV

Kita sa mukha ni Jah nung nabasa niya yung papel na inabot ni Nase sa amin.

A?

Baka nga nakuha ni Athena yung envelope which means, pwedeng alam na niyang may gusto si Nase sa kanya. Pero bakit parang hindi halata? Sabagay, pwedeng nagpapabebe lang. Baka inaantay lang na magsabi si Nase. Nako po nako po!!!

"So are you gonna meet that person?" tanong ni Kuya Josh kay Nase habang nilalaro yung buhok ni Jah. Nagkukutuhan ata tong dalawang to. Minsan, nagdududa na din ako sa dalawang to kung bakit sobrang clingy sa isa't isa.

"Yeah. Those poems are important to me so, I have to." Sabi naman ni Nase

Okay guys, nage-englishan na po sila. Ireready ko na po ang tissue dahil mukhang duduguin nanaman ang ilong ko sa dalawa na to.

**knock knock knock***

May kumakatok sa pintuan ng council.

"Ako na. Alam ko namang tinatamad kayong tumayo." volunteer ko habang busy pa rin sila mag discuss tungkol sa envelope na napulot. Hahahahaha takteng Jah to, hatalang nagpanic din e. Kahit ako, hindi ko alam kung ano irereact ko. Hindi naman pwedeng ilaglag ko siya kasi baka mabaliw to at humiwalay nanaman ang kaluluwa. Ang hirap pa naman ibalik ng kaluluwa ni Justin pagnakalabas na to sa katawan niya.

Naglakad ako papunta sa pintuan. Pag bukas ko, babaeng nakasalamin ang bumungad. Parang familiar yung mukha niya.

"Hi. Nandyan po ba si Kuya John Paulo?" tanong sa akin nung babae.

"Ah. Sino po sila?" tanong ko. Syempre usisero ako.

"Elise po." sagot naman niya

"Ah! Elise. ikaw yung secretary ng dance troupe, tama ba? Oo naalala kita." tanong ko

"Ahh hehehe okay po." sagot naman niya sabay ngiti sa akin

"Nase!!!" sigaw ko kay Sejun na busy makipagkwentuhan sa taltong ulupong. Lumingon siya at tinginan ako, sabay sabi ng, "Yes?"

"May naghahanap sayo. Elise daw."sigaw ko sa kanya. tumingin ulit ako kay Elise, "Pasok ka, Elise." dagdag ko.

"Thank you po." Sabi naman sa akin ni Elise. Kalahi siguro to ni Jah, napakahinhin.

Naglakad kami papunta sa sala at nakatingin ang tatlong tukmol sa amin habang nakaupo sila. Syempre tatlo lang, hindi kasama si Nase sa mga tukmol.

"Oh, Elise. Napadaan ka?" tanong ni Nase kay Elise. Nagwave naman ng kamay si Jah kay Elise sabay flash naman ng gummy smile niya. Iba talaga si Jah, alam niyang gwapo siya e. Mas gwapo pa rin ako sa kanya. Nakakasakit kaya tong panga ko.

Nagwave back si Elise kay Jah sabay ngiti tapos tumingin na kay Nase.

"Tapos ko na po yung program natin. Need ko lang po i-discuss." Sabi ni Elise.

"Ah. Yeah sure. Tara sa office ko, Jah, pwedeng pagawa coffee?Salamat" Sabi naman ni Nase tapos tuluyan na silang pumunta sa kwarto ni Nase.

"sure kuya. katok nalang ako sa office mo pag tapos na" Jah said tapos finlash nanaman yung gummy smile niya.

Nakatingin yung tatlong tukmol sa akin.

"Uhm. okay. This is akward. Bakit kayo nakatingin sa akin. Alam ko namang gwapo ak---" Nagtayuan silang tatlo at sabay sabay umalis sa harap ko. Hay, ang hirap naman maging gwapo, umiiwas sila pag napaguusapan. Grabe.

SEJUN'S POV

Pumasok kami sa office ko ni Elise.

"Upo ka muna Elise. Kunin ko lang yung documents for foundation day." I told her.

"okay. No problem." She said then she smiled.

Pumunta ako sa files ko at pinull out yung tinabi kong documents for foundation day. Nandito kasi sa folder na to yung minutes of meeting tsaka yung mga huli naming pinagusapan ni Elise nung nag meeting kami na dapat ka meeting ko si Athena.

"Your office is really nice, Kuya." She said.

"talaga? Thank you hahaha. Madami din nagsasabi maganda tong office ko." I told her while scanning through my documents.

"Yeah and it smells nice." Dagdag niya. Napangiti ako sa sinabi niya. I really like it everytime someone compliments the smell of my office

Dumating si Jah at iniwan ang coffee namin sa table ko tapos lumabas na agad.

"Hahaha uhm so anyway, anong kailangan natin idiscuss?" tanong ko kay Elise

"Ah right. Uhm, inayos ko na po kasi kuya yung program and na-report ko na din po kay Ms. Athena. This is my suggestion lang po, if you want to change it, I'm open for suggestion pero binase ko naman po itong content sa napag usapan po natin last time. dere-deretso lang niyang paliwanag.

"Yeah. Go, I'm listening" I told her then I smiled to reassure her na maging comfortable sa pag eexplain sa akin ng program na ginawa niya sa collaboration ng two clubs for the foundation day.

"Okay." huminga muna siya ng malalim bago nag explain.

"Hmm. So, Naisip ko, isang musical yung maging program natin sa collab ng clubs for our foundation day. Wala pa akong naiisip na theme ng musical pero kami nalang na dance troupe ang gagawa ng choreo tapos tutal, almost all naman ng members ng Theater club eh marunong kumanta, i think kayo nalang ang assigned sa songs. Tutulong kami sa making ng props, promotion and sa lahat ng pwede namin itulong."

Nakatingin lang ako sa kanya habang nag eexplain siya. Hindi ko alam pero nakita kong namumula yung cheeks niya.

Umiwas si Elise ng tingin sa akin at nagpatuloy mag explain..

"Tapos, naisip ko na yung bayad for the ticket ng musical is 50 pesos. Budget friendly naman siya lalo na for the students so I think marami din namang manunuod plus dapat ang maging theme natin is yung maraming makakarelate.. uhm.. so what do you think, kuya?"

Napatulala nalang ako. Sorry, I just find it attractive pag matalino ang babae at madiskarte. Na-aamaze lang ako sa kanya

"Kuya?" She said

"Yes? Yeah. Wala, natuwa lang ako sa plans mo. I don't think meron pa akong kelangan idagdag. I mean, it's well planned tsaka pinagisipan mong mabuti yan." I told her. I think she's flattered sa sinabi ko kasi napangiti siya.

"Uhm so, okay. Tonight, magiisip ako ng magandang theme ng musical. Hindi naman siguro ako mahihirapan mag isip lalo na may background na ako dyan. I'll update you sa maiisip ko tapos mamili tayo. Kung meron ka rin naiisip or idea, sabihan mo lang ako. okay ba?" tanong ko sa kanya

"Yes. hahaha. Uhm, so message mo nalang ako kuya if ever meron na. i'll go ahead na." She said tapos tumayo siya and straightened her clothes.

"Yeah sure."

Lumabas kami ng office ko at ang natira na lang dito sa loob ng council ay si Ken na busy manuod ng Anime. Hinatid ko si Elise hanggang sa door.

"oh sht."

"Why kuya?" tanong niya sa akin

"Nakalimutan mo dalhin yung pinahiram mong panyo." I told her

"Okay lang kuya. Hindi mo rin naman po alam na dadaan ako today. Balik mo nalang po next time na mag meet tayo." She said then nagsmile siya.

"okay. Sige, balik ko nalang pag nag meeting ulit tayo." I told her. Ngumiti lang siya tapos tuluyan nang umalis then I closed the door.

Pabalik na sana ako sa office ko ng biglang tumingin si Ken sa akin at nagsalita.

"I can smell her." Ken said.

***
End of Chapter 13

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon