Chapter 32

486 30 30
                                    

Hello A'tin and moon readers!~ Okay. Share ko lang bago niyo basahin yung update. Hirap na hirap ako isulat to kasi sobrang distracted ako sa twitter dahil sa resFect na dibdib ni Jah at 1v1 nila ni Josh. Ano naaa~ But anyway, Buti natapos ko bago mag 12mn. Hahaha

Please don't forget to vote, share and follow my accounts <3

IG account -( _moonsandsmiles

PS. Happy chapter to <3

***

SEJUN'S POV

It's a cloudy day. Medyo malamig ang umaga ngayon unlike noong mga nakaraang araw, halos pawisan akong papasok ng University.


"Uy, pre. Aga mo ngayon ah." Bati sa akin ni Ken tapos tinanggal niya yung isang earbuds niya at inakbayan ako. Mukhang late nanaman to nagising dahil basa pa rin ang buhok niya at amoy shampoo pa siya.


"Oo, may dadaanan kasi ako sa council bago ako pumasok sa class ko. " I told him tapos nabaling ang atensyon ko sa bughaw na langit ngayon araw. Ang lamig din ng simoy ng hangin. Ang sarap mag sulat ng kanta ngayong araw. Buti nalang at nag sweater jacket ako.


"Hay pasok nanaman. Balik nanaman sa dating gawi." Sabi ni Ken. Tinanggal niya ang braso niya sa pagkaka-akbay sa akin then put both of his hands behind his head. "Nakakatamad." Dagdag niya sabay hikab

"Ikaw? Maaga ba class mo ngayon?" tanong ko kay Ken 


"Ah hindi. Dadaan kasi ako sa room n Elise." Deretso niyang sinabi. Napatingin ako sa kanya tapos nakita ko siyang nagpipigil ng ngiti. 


"Na..nagsabi ka na ba sa kanya?" tanong ko sa kanya tapos tumingin ako sa soccer field dahil may mga naglalaro ngayong morning. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi niya sa amin noong nag movie night kami sa bahay ni Jah.


"Hindi pa pero pag nagkaroon ako nang pagkakataon, magsasabi ako. Nag iipon palang ako nang lakas ng loob. Tsaka hinahanda ko rin yung sarili ko sa pwedeng maging resulta. Pero mamaya pag daan ko sa kanya, hihingin ko cellphone number niya." Sagot naman niya sa tanong ko. Hindi masyado madaldal si Ken pero ngayong pinagkukwentuhan namin si Elise, marami siyang nasasabi.

Hindi ko alam bakit parang bumigat yung pakiramdam ko. Baka kulang lang ako sa tulog. Nahirapan kasi akong matulog kagabi.


"Uy si Ate Athena oh." Sambit ni Ken sabay turo kay Athena na nauunang maglakad sa amin. Binilisan namin ang kaunti ang lakad para masabayan namin siyang maglakad. 


"Good morning, Athena." Bati ko sa kanya tapos ngumiti ako.


"Uy, good morning." Bati naman niya sa akin at nag wave ng kamay


"Hello Ate Athena." Bati ni Ken kay Athena na naging dahilan ng pag ngiti ni Athena kay Ken. 


"Ang dami mong dala. Akin na. Let me help you." tapos kinuha ko sa kamay niya yung hawak hawak niyang attache case bag dahil mukhang mabigat. Pagkakuha ko, hindi ako nagkamali, mabigat nga. Hindi ko alam paano niya ito nabubuhat ng may isa pang bag na suot sa balikat niya.

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon