Chapter 19

633 30 17
                                    

I know! I know!! It took me some time bago nakapag update. Sobrang busy ko lang sa work hindi ko na alam paano ko pagsasabay sabayin lahat. But anyway, gawan ng paraan para sa SB19 and sa co-Atins ko na ang tagal nag antay ng UD ko dito sa BOY TORPE. Sana mag enjoy kayo!

***

JUSTIN'S POV

Hindi tinuloy ni Ken ang kwento niya kanina at ngayon, pinilit niya kaming tatlo nina kuya Stell at Kuya Josh na sumama sa kanya para i-explain niya yung kinukwento niya kanina.

"Anong ginagawa natin dito sa tapat ng office ni Kuya Paulo, aber?" tanong ko sa kanya habang pinapakiramdaman niya yung pintuan kung may tao ba sa loob ng kwarto.

"chinecheck niya siguro yung pinto kung may buhay ba talaga. Yun yung theory ko. Ikaw Josh, ano sa palagay mo?Sa palagay ko kasi kailanan ng Ma-E.R nung pintuan" tanong naman ni Kuya Stell kay Josh

"Ang masasabi ko lang, gusto ko ng ice cream." Sagot naman ni Kuya Josh kay kuya Stell. Tapos na apir sila ni Kuya Stell.

Yung mukha ni Ken, hindi mo na mapinta, Alam mo yung mukha ng manok na natalo sa sabong, ganon. Napasimangot si Ken sa kanilang dalawa habang pinakikinggan pa rin kung tumitibok ba ang puso ng pintuan ng kwarto ni Kuya Paulo.

"Walang tao. Tara." Yaya sa amin ni Ken.

"Watsap manok. Panibagong paghuhukay nanaman ba to ng lupa? Kasi ready na talaga ako humiga sa sementeryo dahil kapahamakan nanaman tong pinapasok natin. Bakit mo ba kami dito dinala?" Si Kuya Stell yan. Imagine mo nalang kung gaano kalakas ang boses niya. 

"Ano ba kasing ginagawa natin dito at papasok tayo sa office ni Boy Torpe, este Sejun? Alam niyo namang ayaw nun ginagalaw yung mga gamit niya ng walang paalam." Sabi ni Kuya Josh sa amin.

"oo nga, Ken. Hindi pa nga natin nalulusutan yung mga tulang nawawala, panibagong kalokohan nanaman to." Sabi ko naman.

"Ayaw ko sumama. Baka magalit sakin si Nase pag nalaman niyang pumasok tayo sa kwarto niya." Takot na pagtanggi ni Kuya Stell.

"Josh." sambit ni Ken.

"ano?" tanong naman ni kuya Josh

"Ikaw senior dito diba? Natatakot ka?" tanong ni Ken kay Josh. 

"Sus" sabi ni kuya Josh sabay bukas ng pintuan ng kwarto ni Kuya Paulo. Waaah! napahawak nalang ako sa ulo ko habang nagpapanic. Si kuya Stell naman, napaatras at napatingin sa dalawang nakapasok na sa loob ng kwarto. Gulat na gulat tapos tumingin sa akin

"Ano, sasama ka ba sa kanila?" tanong sa akin ni Stell.

"uhm, tara?" Yaya ko tapos sumunod ako dun sa dalawa.

Pag pasok namin, si Ken, nagiikot sa kwarto na para bang may hinahanap. Si Kuya Josh naman, sinusundan siya ng tingin habang nangangamot ng ulo.

"Ano ba kasi ginagawa natin dito, Ken? Prank ba to ha?  Prank ba to?" tanong ni kuya Stell na pumasok na rin pero nakayakap sa'kin. Gaano katakot kay kuya Paulo? hahahahah

"Hindi niyo ba napapansin si Sejun na parang may nag iba sa kanya? May mga bagay na siyang hindi sinasabi sa atin." statement parin ni Ken habang nagiikot sa kwarto at parang may hinahanap

Hmm. Medyo napapansin ko ngang nag iiba si Kuya Sejun pero hindi ko pa ma point out kung saang aspeto kasi busy din ako sa pag aasikaso ng naka toka na trabaho sa akin sa promotio. Siguro mas napansin ni Ken kasi mas madami silang interaction ni Kuya Sejun sa production dahil nga hands on si Kuya don lalo na kasama niya sa team si Ate Athena.

Umupo sa sofa si Kuya Josh at nagulat nalang kami at nag labas siya ng baraha at naglalaro na ng monkey monkey mag isa.

"So ano nga, ano ngang chika?" tanong ni Josh kay Ken

"Feeling ko, iba na gusto ni Sejun. Hindi na si Ate Athena." Sabi ni Ken sabay napatingin kaming tatlo sa kanya

"Eh??? Anong sinasabi mo? Pwede ba yun? Umpisa palang baliw na yon si Nase kay Ate Athena tapos ngayon sasabihin mo, wala na siyang gusto. Ano yun, magic?" dere-deretsong salita ni Kuya Stell

"Gusto niyo ba ako mag magic?" tanong naman ni Kuya Josh

Konti nalang sasabog na utak ko. Kakaiba na palitan ng mga salita dito sa loob ng kwarto ni Kuya Paulo.

"Ano ba kasi hinahanap mo? May kinalaman ba yan sa sinasabi mo ngayon?" tanong ko naman kay Ken tapos umupo ako sa tabi ni kuya Josh at umepal sa paglalaro niya. Si Kuya Stell naman, narelax na ang kumakain ng hotdog... HOTDOG??????? saan galing yung hotdog na kinakain niya???????

"ETO! Tsk akala mo Sejun malulusutan mo ko ha. Alam ko na tong mga galawan mo." Sabi ni Ken tapos may hawak hawak siyang parang papel na kinuha niya sa cabinet ni Kuya Paulo.

"Ano naman yan? Picture ba yan?" tanong naman ni Stell na sobrang naiintriga kaya lumapit siya kay Ken tapos kinuha sa kamay ni Ken yung hawak hawak niyang papel.

"Ano to?" tanong ni Stell. Nacurious si Kuya Josh at lumapit kay Stell tapos ako din na curious, nakitingin na din ako. Habang si Ken nakatingin sa aming tatlo na para bang gusto gusto namin malaman anong nagbago kay kuya Paulo

"Flyer? ng MANOK?!!! ito yung pinunta natin dito???" tanong nama ni Kuya Stell kay Ken na parang maamong manok.

"Nakita ko kasi nung isang araw si Sejun, kumakain ng chicken. Eh nagmamadali siyang kainin nung nakita niya akong paparating. Kakaiba kasi yung amoy ng manok. Parang hindi ko pa natitikman kaya na curious ako." Pageexplain ni Ken sa amin

"EHHHHH????????????" Sabay sabay naming reaction. Napatingin nalang si Ken sa amin habang magkahawak ang dalawa niyang kamay na para bang krimen yung pag sama namin sa kanya

"Bakit? Gusto ko lang naman malaman kung anong klaseng manok yung kinakain niya." depensa ni Ken sa mga pinaggagagawa niyang kalokohan. Binalik ni kuya Stell kay Ken yung flyer tapos nag cross arm at tumingin kay Ken ng para bang nanlilisik ang mga mata.

"Pero bakit mo nga nasabi na hindi na si Ate Athena yung gusto niya? Saan mo naman kinuha yang chismis na yan?" deretsong tanon ni Kuya Stell kay Ken.

"feeling ko nga. Nararamdaman ko." Sagot ni Ken

"Eh ano yung sinasabi mo kanina na may mga bagay na siyang hindi sinasabi sa atin?" tanong naman ni kuya Josh kay Ken

"Oo nga! Narinig ko yon kala mo. Saan yon galing ha." Gatong ni kuya Stell.

"Oo nga. saan nga galing?" Singit ko habang nakahawak ako ng balikat ni kuya Stell. Mukha kaming powerpuff girls na inaapi si Mojojojo.

"Eto." tinaas ni Ken yung flyers na hawak niya. "Hindi niya sinasabi kung saan to tapos tinago pa niya sa cabinet niya." sagot ni Ken. Napa face palm nalang kaming tatlo

"Anong ginagawa niyo ditong apat." napatingin kami sa boses na narinig namin sa may pintuan. SI KUYA SEJUN!!!!!

"HA???HA?? Ano, may hinabol kaming daga pumasok dito sa kwarto mo!!!" Pagpapaliwanag ni kuya Stell. Si Ken, agad tinago yung flyers sa likod niya

"Oo nga kuya. Baka ngatngatin yung mga gamit mo kaya hinanap namin."Gatong ko

Pumasok si kuya Sejun sa kwarto at pumunta sa table niya at kumuha ng mga papeles.  Siguro para sa foundation day pa rin.

"Nahuli niyo ba? Parang may napansin nga din ako nung isang araw e," Sagot naman ni Kuya Paulo.

Phewwww.

Napatingin ako kay Ken na nanlilisik ang mata kay kuya Paulo. Mukhang masama ang loob sa manok na tinago.

***
End of Chapter 19~~~~

If may typo, sorry!!! Hindi ko na pinroof read. Sobrang raw niyan. Made from the scratch of my brain cells! ahahahaha Wait for the next update!!!!


Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon