Chapter 27

534 32 10
                                    

5th spot on Social50? Congratumation SB19!!!! Sobrang nakakaproud!

Hello A'tin! Finally, nakapag update din. It took some time pero sorry na~ Anyway, sana magustuhan niyo itong update. Please dont forget to vote and share~

Napansin ko rin na maraming nag lalagay sa kanya kanya nilang library ng stories ko so thank you so much guys~

UPDATE.

***

JOSH'S POV


Naayos na yung problema sa sound system. Buti nagawan nang paraan kung hindi, malaking problema. Halos isang libong tao ang mag rereklamo neto sa amin. Nag umpisa na ang Musical na pinaghandaan namin ng sobra-sobra. 

Flawless ang production team and promotion team. Bilib talaga ako sa trabaho ni Sejun. Bago mag umpisa ang musical, kinausap ko si Ken. Nakakaramdam ako na may alam siya. Noon palang, sa aming magtotropa, siya ang unang nakaramdam. Hindi lang niya kinaklaro at inaamin. Kinalaunan ko nalang naramdaman noong iba na yung nakikita ko sa galaw ni Sejun. Hindi ko alam kung alam na ba niya sa sarili niya pero sa nakikita ko, wala parin siyang kamalay malay sa sarili niyang nararamdaman. 


Kinausap ko si Ken. Tinanong ko siya kung may alam ba siya. Sabi naman niya sa akin, Meron. Ngunit, hindi niya ito pwede sabihin sa akin. Hindi na din ako nag insist na magtanong pa dahil baka may pinangakuan itong si Ken. 


"Kuya Josh, grabe. Hindi pa rin ako makapaniwala." sambit ni Justin na nakatingin sa mga tao na nanunuod at nag eenjoy sa musical na pinapanuod nila


"Dahil yan sa team work, Jah." Sabi ko sa kanya habang nagpapapogi. 

"Hahahahaha ano ba yan kuya Josh. Nakakatawa ka. Di bagay. hahahaha" sabi ni Jah sabay tawa. Sinimangutan ko nalang tapos hindi ko na pinansin. 

"Ahhhhh! Kinakabahan na ako!" Sigaw ni Stell na nasa tabi na pala namin. 


"Nakakagulat ka naman, kuya Stell. Ano ka ba, wag kang kabahan. Tingnan mo nga si Ken, bigay todo." Sabi ni Jah kay Stell na eto, kinakabahan. 


"Hahaha. oo nga Stell. Chill ka lang kasi. Parang hindi ka naman sanay. hahahaha" Gatong ko naman. 


"Hindi sanay? Hindi talaga! Hindi pa ako nakapag perform sa isang libong tao! Madalas pag kumakanta ako, hindi lalagpas  ng 50 nang nanunuod. Kalahati doon, pamilya ko, tapos the rest, kaibigan ko. Eh eto, hindi ko nga kilala yang mga yan oh. Pag pumiyok ako, paano ko iaaahon ang sarili ko ? Sige nga!" Sabi ni Stell.


"Galit na galit gusto manakit? Hahahahaha" Biro ni Jah


Nagpalakpakan na ang mga audience. Ang iba sa kanila ay nag sisigawan sa saya. Sinilip naming tatlo, nakareceive ang mga actors and actresses ng standing ovation. Tiningnan ko si Sejun. Yung ngiti niya ay sobrang laki dahil sa saya. Sumenyas ako ng thumb's up para iparating sa kanya na nagtagumpay ang collab namin ng dance troupe.


"Oh, ayan na, tapos na yung musical, Ikaw na." Sabi ko kay Stell. Sumenyas ako sa mga control booth at MC na si Stell na ang sasalang. Pag tingin ko kay Stell, mukha nang sabog. "kumalma ka nga. Galingan mo ha." dagdag ko


Pumunta sa harap si Sejun at Athena para magpasalamat sa lahat ng nanuod. Pagkatapos noon, pinakilala na niya si Stell para mag perform. Sigawan ang lahat. 

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon