Chapter 12

666 30 8
                                    

Nainip ka ba? Nabitin? Eto na bes, mag uupdate na. Inuna ko lang yung isang chapter ni Kenji kasi na hook ako sa sarili kong story. Ayun, iniwan ko muna sa chapter na nasa loob ng condo si Kenji at Mikka. hehehe

Please don't forget to vote and share uwu
***

SEJUN'S POV

Magkaharap kami ni Justin ngayon dito sa sala ng theater council. Tahimik lang ako at nakatingin sa kanya. Hindi ako galit, sinasadya ko lang talaga kasi sobrang cute ng bunso namin kabahan. Hahaha. Nag-puppy eyes pa sa akin habang nag
p-pout.

"Kuya~" he said. Napakahinhin na nga, napakalambing pa mag salita. Sino bang magagalit sa batang to?

"Bakit hindi mo sa akin pinaalam na binago mo pala yung role ko." I said firmly para mukha talag akong galit kahit hindi hahaahaha. Nakikita kong nagpapanic na si Jah

"Biglaan lang kasi yun kuya~ sorry na po~" tapos finlash niya yung gummy smile niya

"Eh yung kay Athena?" Tanong ko

"Biglaan nga kuya diba po? Si ate Athena talaga yung napili naming gumanap ng role tapos ikaw, biglaan lang. Hindi ko naman sinasadya tsaka po ang hirap mag hanap ng cast ng last minute. Ikaw lang talaga yung naiisip ko na makakagawa ng role ng maayos~" He said

"Nako po Jah. Hahahaha Ginalit mo ata si Pinunong Sejun eh. Next time kasi sasabihin mo ng maaga ng hindi ka sinasabon. Hahaha" Pangaasar ni Stell.

"Sabon agad? Hindi ba pwedeng buhos muna ng tubig?" Sagot ni Jah pabalik kay Stell

"oy Nase. Pagalitan mo pa nga oh. Marunong na sumagot tong bata na to." Pagrarant sa akin ni Stell. Para akong may alagang mga bata.

"Hahaha kalmahan mo lang Sejun. Hindi naman sinasadya ni Jah yun e. Pero teka maiba tayo, kamusta naman ang naging date ninyo ni Athena? Hehehehe" Sabi naman ni Josh. Namumula na ata ako. Ang init ng pakiramdam ko. Naalala ko nanaman yung moment namin sa loob ng kotse

"Uy namumula si Sejun oh. Nagkiss kayo?" Extreme na imagination ni Ken

"Walang ganon, tumigil ka nga. Hahahaha"  sagot ko naman

"Uyyyyyy si Kuyaaa~ kinikiligggg~" Pang aasar ni Jah

"Oy pero seryoso, kamusta ang paghatid sa Dyosa?" Tanung ulit ni Josh

"Hmm. Okay naman. Nakapag kwentuhan kami sa kotse pero syempre kilala niyo naman ako. Mahiyain."

"Torpe kamo" biglang sabi ni Ken. Nakita kong siniko siya ni Stell sa mukha. Natawa nalang ako sa reaction ni Ken na parang first time masiko sa mukha.

"Wala namang special. Pero magmomove on parin ako. Ayoko na umasa"

Pag dating namin sa bahay ni Athena, binaba ko yung nga gamit niya at inabot Sa kanya ng biglang may dumating na kotse.

"Si David." Sinabi ko na halos hindi na nila marinig sa hina.

"Sino? Dav.... Yung kulay papel na kawayan?" Reaction ni Stell na naging dahilan ng pagtawa ni Ken at Jah.

"Anong meron?" Tanong naman ni Josh.

"Nung binaba ko kasi si Athena, May dumating na kotse. Si David. May dala siyang bulaklak at chocolates. Mukhang nagkakamabutihan na yung dalawa." I said.

Honestly, masaya ako dahil nagkaroon kami ng moments ng dalawa lang kami but at the same time, nalulungkot ako dahil alam sa pag baba niya sa kotse ko, alam kong katapusan na ng pantasya ko, na hanggang dito na lang ito at wag na ako umasa kasi sa realidad, May David nang Nakaabang.

"Bulaklak? Mabubulok din yon. Wag ka masyado maapektuhan dun Nase! Walang kwenta yon!" Pag ch-cheer up sa akin ni Stell.

"Opo kuya. Wag ka malungkot. Tsaka hindi naman natin alam kung ano talaga yung feelings ni ate Athena. Malay mo diba kuya nung magkasama kayo sa kotse e May naramdaman siya sparks" sabi naman ni Jah habang nagt-twinkle ng kamay.

"Sparks talaga? Kuryente dapat. Kuryente." Sagot naman ni Stell sa kanya.

"Dapat sinuntok mo tapos kinuha mo yung chocolate." Sabi naman ni Ken

Ang kalat.

"Anong ginawa mo nung dumating si David?" Tanong naman sa akin ni Josh.

"Wala. Umalis na lang ako." Sagot ko.

Pag dating ni David, nagpaalam na ako agad pagkakita ko palang ng bulaklak na hawak niya. Hindi ko na rin sila nilingon nung paalis ako kasi ayoko na makita pa kung anong ginagawa nila.

"Wala? Dapat sinabi mo kay David. Hoy akin to! Back off btch!" Si Stell to

"Hala. Ang extreme mo naman kuya Stell. Pwede namang 'hoy po! Kulay papel ka di ka pwede sa nga Dyosa!' ganon dapat." Si Jah to

"Bugshhh" si Ken to with sound effects pa

"Ano yun Ken?"tanong ni Stell.

"Sinapak ko." Sagot ni Ken

"Wowwww oh Jah hindi ako yung extreme. May mapanakit dito oh." Sabi naman ni Stell kay Jah sabay turo kay Ken

Ang kalat nanaman. Para akong nasa zoo.

"Tumigil nga kayo dyan. Para kayong mga bata. Wag kang mawalan ng pag asa Sejun." Sabi naman ni Josh.

JUSTIN'S POV

"Pero maiba ako." Sabi ni Kuya Sejun habang tinatap yung index finger niya sa upuan .

Attentive lang kaming apat na nag aabang sa sasabihin ni Kuya Sejun. Ganito talaga lagi. Pag si Kuya Sejun ang nagsasalita, lahat nakikinig. Hindi ko alam kung magaling siya manghikayat ng tao o sadyang malaki lang respeto namin sa kanya. Kuya Sejun kasi the best yan!

"Tutal naman e kaibigan ko kayo" Kuya said tapos may nilabas siyang maliit na papel sa bulsa niya..Kami namang apat naman nakatitigil sa papel.

"Ano yan?" Tanong ni kuya Stell kay kuya Sejun

"Hindi mo ba nakikita, papel yan oh." Pang-aasar ko naman.

"Ay nako Jah. Konti nalang papaluin na kita. Ang kulit kulit mo no hehehe" hahahahahaha naaasar na si Stell. Gusto ko to

"May nakapulot ng nawawala kong envelope." Kuya Sejun said.

Natigilan ang mundo ko. Napulot? Pulot?

"NAPULOT???!" napasigaw ko. Nagkatinginan kami ni Stell. Parehas kaming dilat ang mata.

"Why Jah? May problema ba?" Tanong sa akin ni kuya Sejun

"Ahh wala wala kuya... Nabigla lang ako syempre nakakagulat naman talaga may nakapulot non diba diba kuya Stell?" Dere-deretso kong sabi

"Tama tama. HAHAHAHA sino naman kaya ang nakapulot nyan diba JAH????"

Si Ken naman natatawa sa sitwasyon at sinusubukang pigilan ang tawa niya. Napangiti nalang si Kuya Josh.

WAHHHHHHH!!!!!!

"Pero wait, ano ba yang nakalagay sa papel na yan? Tsaka pano mo nalaman na May nakapulot?" Tanong ni kuya Josh.

Inabot ni kuya Sejun sa amin yung papel. Agad kinuha ni kuya Josh tapos binuksan at binasa.

"I have your envelope. The poems and a love letter. They're with me. Meet me at the school's lobby sa foundation day." - A.

A????

Wait.

A??????


So nakuha ni Ate Athena yung envelopeeee!!!!!

Yes!!!!! Tagumpay!!!!!!!!!

Nagkatinginan kami ni Kuya Josh at binigyan niya ako ng thumbs up sign!



****
End of Chapter 12

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon