Chapter 23

711 25 4
                                    

Hello co-A'tin! Nagkatime ng saglit!

***

SEJUN'S POV

Athena invited me to have some coffee dito lang sa malapit na coffee shop sa school habang inaantay namin ang magiging reply ni Jennie tungkol sa change of venue ng foundation day na ire-relay niya kay Dean. Athena is busy sipping her coffee while looking out the window. Umuulan na pala. Ako naman, eto sa harap niya at hindi mapakali.

"You're not drinking your coffee, Paulo. 15 minutes na ang nakalipas, hindi mo parin nagagalaw. Lalamig yan. Sayang naman."She told me. I just smiled at her pero hindi ko pa rin matago yung nerbyos na baka hindi maaprubahan ni Dean yung request namin for our foundation day.

"Alam ko namang gusto mo maging successful yung program ng collaboration ng clubs natin. Sa totoo lang, I admire you because of that but first, you need to calm down. Let's just be positive. "She said. Natigilan ako. Hindi ko alam kung dahil sa sinabi niyang she admires me o dahil sinabi niyang kumalma ako. Dapat sa point na to, gumagawa na ako ng paraan para magkaroon ng points kay Athena pero hindi ko talaga maalis sa sarili ko ang mag panic dahil sa collaboration na to.

"Thanks, Athena." I told her. She smiled and continue drinking her hot coffee

I was scrolling through my phone nang biglang nagsalita si Athena.

"I don't like this weather. I hate rain."She said.

"Bakit naman?"tanong ko sa kanya

"Hassle."Sagot naman niya tapos tumingin siya sa akin.  "How about you, Paulo?"dagdag niyang tanong. 

I took my coffee first then sipped. Medyo malamig na nga.

"I love this kind of weather. Nakaka-relax tapos May coffee pa." I told her pero hindi naman yun yung nararamdaman ko kasi kinakabahan pa rin ako.

"Hmm." She reacted then put down the cup she was holding.

"Paulo, would it be awkward if yayain kita mag dinner after ng foundation day? Para lang makapag chill naman tayo since sobrang toxic nitong mga nakaraang buwan for both of us dahil sa foundation day. Reward narin natin sa mga sarili natin." She said.

Napatulala ako kasi kahit kailan hindi naman sumagi sa isip ko na mag aaya si Athena sa sakin ng kahit ano.

"Uhm. Su-sure..." I said while stuttering.

"Are you sure?" Tanong niya tapos ngumiti ulit.

"Yeah. Bakit naman kita tatanggalin? tsaka minsan lang naman to. Nagulat lang ako na bigla kang nag aya. Dapat ako nga yung mag aya sayo e kasi ako yung lalake." I told her.

***Ringgg ringg****

My phone is ringing and when I look at it, it's Jennie who's calling. I answered it immediately.

"Jennie." I said with my nervous voice.

(Paulo! Sorry late na kita na contact. Sobrang na-busy lang ako!) She said. Medyo sumisigaw siya kasi sobrang lakas ng tugtog sa background niya.

"It's okay. Kamusta?" I asked. Yung isa kong kamay, napahawak nalang sa ulo ko dahil sa nerbyos. Yung pag hinga ko, bumibilis. Pati tibok ng puso ko, parang sasabog sa kaba.

(Okay na, Paulo! Na-approve na ni Dean! Bale, nakausap ko na din si Francis! Wala naman daw problema if kayo gagamit ng gymnasium kasi morning naman daw sila gagamit!) She said.

"Oh God. THANK YOU SO MUCH JENNIE! I OWE YOU!" I told her.

(oh sige na! Una na ako! Dami pa ako gagawin!!! Goodluck sa musical!!!!) She told me before she hung up the call. 

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon