Chapter 11

658 35 6
                                    

UPDATE!!!!

Please don't forget to vote and share!

***

SEJUN'S POV

Kakatapos lang ng shooting namin. Medyo nahirapan ako dahil nga hindi ko namalayang iba iba na yung lines na sinasabi ko at hindi na yung kinabisado ko sa script.

"Sobrang salamat talaga ate Athena. Utang na loob ko sayo 'tong pag ganap mo sa short film namin. I'll treat you next time. Promise yan! Magsabi ka lang kailan ka libre hahaha" Magkausap ngayon si Justin at Athena after ng shoot.

"No problem Justin. Sabi ko naman sayo, malakas ka sa akin eh. hahaha" Athena answered.

"Uhm. So uuwi ka na no?" tanong ko sa kanya

"Ah. Oo. gabi na din kasi. Kayo ba?" Balik na tanong naman niya. 

"Nako, delikado umuwi mag isa sa panahon ngayon Athena. Lalo na sa ganda mong yan." Josh said. Naramdaman kong sinisiko niya ako. Hindi ko mapick up kung bakit.

"Oo nga Ate. Gusto sana naming ihatid ka kaso may lakad pa kasi kami ni Kuya Josh, Stell at Ken e" Sagot naman ni Justin

"At dahil dyan...Tada!!!! si Nase nalang ang maghahatid sayo. Diba Sejun?" Panggagatong naman nito ni Stell. Anong trip ng mga to. 

"Nako. nakakahiya naman. Okay lang talaga ako." Athena said. 

"San kayo pupunta? Bakit di ako kasama?" Tanong ko. tumalikod si Josh kay Athena at tiningnan ako at nag gesture na pagkakataon mo na to loko. 

I snapped. Tama. Pagkakataon ko na nga to. 

"Ahhhh!!!! Oo nga pala. may lakad kayo..." Sinabi ko nalang. 

"Paano ba yan, Una na kami Athena ha. Baka ma-late kami lakad namin. Sej, ikaw na bahala" Josh said sabay kindat. Si Justin naman, nakangiti ng sobra, Si Stell, nag finger heart at si Ken, nagpipigil ng tawa. Jusko po. Ano bang trip ng mga to.

"Yeah sure. Salamat ha. Ingat kayo." Paalam niya sa apat habang ako dito, nakatayo lang.

Umalis na yung apat na kolokoy at naiwan na akong kasama si Athena.

"Uhm. Bag mo to no?" I said then kinuha ko at sinuot sa likod ko. Nagulat ako nung binuhat ko kasi sobrang bigat. Parang May cabinet ata sa loob ng bag na 'to ah..

"Nako Paulo. Nakakahiya naman ano ka ba?Ako na dyan. Ang bigat bigat ng bag ko e." She said while trying to take the bag from me. Alam ko Athena. Mabigat. Ramdam ko. Pano kaya niya to nabubuhat????

"No. hahaha it's okay. Don't worry. Uhm, tara." Yaya ko. Pumunta kami sa parking lot at sumakay sa car ko.

Nung nasa loob na kami ng kotse, biglang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Uminit ang paligid at pakiramdam ko pulang pula na ako. Sht.

"Uhm. Paulo, are you okay?" tanong niya sa akin. From that moment, gets ko na. Nangangamatis na yung mukha ko

"Ha? Bakit?" Kunyari di ko alam anong nangyayari sa akin. 

"You're so red" alam ko Athena. Alam ko...ramdam na ramdam ko. 

"I'm okay. hahaha baka napagod lang ako sa shooting. Madami din kasi akong ginagawa nung morning. May klase ako tapo---"

"it's okay Sej. You don't need to explain haha, You're so cute." Then she giggled.

I'm trying to distract myself kasi, puta, hindi ko alam pero kinikilig ako. Ano ba to! Sinabihan niya akong cute kahit alam ko namang walang ibig sabihin yun. Paulo, wag kang umasa!

Nag umpisa na ako mag maneho. Binuksan ko yung music sa car ko para hindi naman maging awkward yung atmosphere.

"You know what, I think this is the first time that we had some time alone. Tuwing kasama kasi kita, laging nandyan din yung mga minions." Minions kasi ang tawag ni Athena sa tropa. Pag magkakasama kasi, ang iingay. Parang laging May gera. Though, sanay naman na ako. Mas natatakot ako pag tahimik sila. It's either May problema o May pinaplano sila. 

"Ah yeah." Maikli kong sagot. Bakit ba ako laging awkward sa mga ganitong moments? Sej, focus. Alam kong gusto mo mag move on pero minsan lang to. Don't ruin the mood. Ahhhhhh!!!! Hindi ko na alaaaaaaam!!!

"Uhm so--" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil she cut me off

"Your lines earlier." She said

"Why? Mali ba delivery ko? Pangit ba pag arte ko?" tanong ko sa kanya para kunyari hindi ko napansin na mali na yung lines pero ang totoo, nadala na ako sa scene. Wala e. Sumabog ako bigla. Yung tatlong taong kinimkim ko, nasabi ko kanina.

"No. it's not that. It wasn't on the script kasi ka----" 

"Nadala lang ako sa scene. If you find it awkward, don't be. Nadala lang talaga ako." derederetso kong sagot. Fck Paulo. Ano bang ginagawa mo? 

I looked at her and I saw her smile. Athena, wag ngayon please. nagmamaneho ako. Wag kang ngumiti. Imbis na maka move on ako, parang lalo akong nahuhulog sayo. Jusko po tulong. 

"Okay. Wala lang. I just find it sweet. That's all." She said then looked away. "Uhm anyway, Baka si Elise parin yung kasama mo mag meeting sa mga susunod na araw. Sobrang dami ko kasing ginagawa for the club and for my acads. Don't worry, once matapos yung isa pa naming project, ako na hahawak nung sa foundation day na project. Patapos naman na yun siya don't worry. Hehehe." dagdag niya

"Ah yeah yeah. No problem. Okay naman si Elise and I understand na you have so much on your plate." I replied.

JUSTIN's POV

"KUYA!!!! NAHIHIRAPAN AKO HUMINGA!!!" Sigaw ko habang nagh-hyperventilate sa kadahilanan na kinakabahan ako sa pag pagkikita ulit namin ni kuya Paulo.  Feeling ko, babatukan niya ako sa mga pinaggagawa namin. Pero bakit ako lang ang magsusuffer? 

"Nako Jah. Kalmahan mo lang. Tsaka diba dapat nakahawak ka sa dibdib mo kung nahihirapan ka huminga?? Bakit sa ulo ka naka hawak???" tanong ni Stell sa akin

"Baka nalipat na HAHAHAHAHAA" sagot naman ni Ken.

"Hindi. Baka yung alak lang yan. Hahahahah hindi mo kaya i-handle. Hahahahah" mang-aasar ulit ni Stell. Oo, sa bar kami napunta at nag iinuman. Eto talaga yung lakad. Waahhhhhh! Nagpapanic na akooo!!!

"Baby Justin. Kalma ka lang. Malaki na si Sejun. Sure naman ako na hindi ka nun sasaktan hahahaa" 

HINDI NILA AKO NAIINTINDIHAAAAAN~ TT___TT

"Kuya, alam mo ba sabi sakin ni kuya Paulo kanina, maguusap daw kameeee~ PANO AKO KAKALMA KUYAAAAAA" wala na. Humiwalay na yung kaluluwa ko. T_T

"Jah. Ano ka ba? Wag kang kabahan. Ako nga dati, tinago ko yung notebook niya para lang asarin siya. Alam mo ba ginawa niya sakin?" Tanong ni Stell.

"Huhuhu bakit kelangan mo pa itanong? Hindi ba pwede sabihin mo nalang agad. Wag ka na pa suspenseeeee"

"Very sensitive si Jah. Baka may regla. Hahahahah" pang aalaska ni Ken. 

"Tsk. Tumigil na nga kayo. Dapat hindi na natin yan iniisip. Isipin niyo nalang, nagtagumpay tayo. Magkasama ngayon si Sejun at Athena. Malay nyo diba, bukas sila na" Sabi naman ni kuya Josh. Ano ba naman tong mga taong toooo

I need peace of mind!!!!!

*Bzzt*

Text message. 

"Jah. Usap tayo" - Sejun

Hala!!!!!!! Eto na!!!!!!

****

End of chapter 11

Wait for my next update!!!
Also, please check out Kenji ( SB19 KEN) FANFIC STORY ❤️

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon