Chapter 6

823 37 5
                                    

Please don't forget to vote, share and follow my instagram account _moonsandsmiles

***

STELL'S POV

"ano ba yan! Sabi ko eto yung pipindutin mo pag pick up ng baril at bala, tapos eto yung pang shot sa kalaban." Pag eexplain ni Justin sa akin. Naglalaro kasi kami ng PUBG ngayon. 


"Aba? Ba't parang kasalanan ko pa? Ang gulo mo kaya sir magturo." Sagot ko naman sa kanya. 


Hindi ko talaga forte yung paglalaro ng online games. Minsan na akong tinuruan ni Josh ng mga nilalaro niya kaso wala talaga. Minsan pinapanuod ko nalang silang apat mag laro kasi kahit anong subok ko, hindi ko kaya. Pero okay lang naman kasi, wala basta. Hahahaha


"Asan si Sejun? Parang hindi ko nararamdaman ilang araw na." Tanong ni Josh. Hindi ko rin nasagot yung tanong niya kasi hindi ko din alam kung nasaan siya at dahil busy ako dito makipag talo kay Jah. Nakita kong kinalabit ni Josh si Ken na busy naman manuod ng anime sa phone. Tinanggal ni Ken yung earphones niya at tumingin kay kuya Josh. 


"Ha?" Tanong ni manok


"Si Sejun, nakita mo ba?" Tanong ulit ni kuya Josh. 


"Ah. Nasa taas. Sa kwarto. Tahimik lang." Sagot ni manok. Napatigil ako sa pag lalaro. 


"Kuya Stell naman oh! Bakit ka huminto? Matatalo tayo niyan." Pag rereklamo ni Jah. 


"May problema ba?" Tanong ko kay manok.

 

"Hindi ko rin sure. Pero baka hindi nag maganda yung meeting nila ni Ate Athena?" Sagot naman ni Ken. 


Tumingin si Kuya Josh sa amin ni Jah. 


"Oy, Jah. Nagawa mo ba yung plano natin?" Tanong ni kuya Josh kay Justin, tapos umupo siya sa tabi ni Ken na busy pa rin manuod ng anime. 


Binaba ni Jah yung phone niya tapos sinagot yung tanong ni kuya Josh.


"Opo kuya. Dumaan ako sa club nila. Hinanap ko si Ate Athena kaso wala siya nung dumaan ako kaya iniwan ko nalang sa staff nila don yung concern ko. Try ko daanan ulit mamaya, baka may sagot na"


Mukhang bothered si Kuya Josh. Tumayo siya at pumunta sa kwarto ni Nase. 


"Huy Ken. Hindi mo ba talaga alam kung anong nangyari?" Syempre hindi ako papansinin neto kasi naka earphones at nagtatatawa sa pinapanuod niya na yung tawa niya abot sa kabilang mundo kaya tumabi ako sa kanya at hinarangan ko ng kamay yung screen ng phone niya. Tinanggal niya yung earphones niya at pinansin na ako. 


"Ano ba yun?Hahahahahaha"tanong niya na natatawa pa rin doon sa pinapanuod niya.  

"Hindi mo ba talaga alam anong nangyari kay Nase?" Tanong ko ulit. 


"Hmm. Alam ko kasi may meeting sila ni Ate Athena 2 days ago. Yun lang ang alam ko." Sagot ni manok. Tumingin ako kay Jah at nakatingin din sa akin. 

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon