Chapter 3

937 33 2
                                    


***


SEJUN'S POV

Naglalakad kami ni Jennie ngayon papunta sa office ng student council. May meeting daw ang mga president ng mga clubs for the school's foundation day. 


"You look so tense, Paulo." Jennie said.


I awkwardly smiled and said,"really? Hahaha" 


"See. Nervous laughter. Parang hindi naman yan ang Paulo na kilala ko. Why? Are you nervous about something? It's just a meeting. Sanay na sanay ka na sa mga ganito" patuloy niyang pag sasalita. I just smiled back.


Athena


She's the president of the dance troupe. How could I not be nervous when I'm about to see the most beautiful woman I've even known? She's an art. Even just the sight of her hair, my heart is already in cloud nine. Simple lang pero may dating. Hindi na kailangan mag effort. She's smart and very nice to everyone. I like her since tumungtong ako dito sa college. The first time I saw her was at the cafeteria. She's with some other girls. Maybe her girlfriends? Pero she's shining kahit may iba siyang mga kasama.


 I think this is what they call, "love at first sight". Hindi ko alam pero ganito ba karupok yung puso ko? Tatlong taon na akong naghahanap ng lakas ng loob para yayain siya for a date pero laging umaatras yung puso ko sa kaba. Dinadaan ko nalang sa pag susulat ng kanta at tula yung nararamdaman ko. It's building up everyday. Kailangan ko siyang mailabas kahit sa pagsusulat lang.

Now, Jennie and I are standing in front of the of council's door. She knocked first before opening the door. Pag bukas na pag bukas palang, parang liwanag ng isang anghel ang nasilayan ng aking mga mata. Nakaupo siya sa isang upuan habang busy sa pakikipagtawanan sa iba pang mga presidente ng iba't ibang clubs.


"I think we're complete now. Hi everyone!" Mga salitang lumabas sa bibig ni Jennie pagkapasok palang namin ng pintuan. Nakatingin sa amin ang lahat. 


"Nase! Here!" Kaway ni Matt. President ng Glee club. 


Nagkakilala kami dahil once ko nang hinandle ang Glee club as an acting president noong pumunta si Matt sa Korea para sumama sa Summit 2 years ago. Parang convention siya ng mga student council officers all over the world at siya ang napili ng school para mag represent ng campus namin. Dahil  may common denominator ang theater at glee club, ako muna ang nag-handle sa club nila for 1 month.

Umupo ako sa isang bakanteng upuan sa tabi ni Matt. Hindi sinasadyang katapat ko si Athena. Nagkatinginan kami at nginitian naman niya ako. Halos kainin ng lupa ang puso ko sa ngiti niya. 


"So, we are having our School's fiftieth foundation day. Ang gusto ni Dean, we prepare something special for this coming foundation day. So the first question is, Paano ba natin magagawang memorable ang ating foundation day this year?" Jennie asked. Si Jennie nga pala ang student council president. 


"How about a big horror booth???!" Matt asked. 


"We already did that in the past. Something new naman."Jennie said


"Food stalls? I mean, yung trending na mga food stalls? tapos lagyan natin ng hashtag, upload natin online para mag  gain tayo ng attention not only here but also sa iba pang future students ng campus natin?" Suggestion naman ni Mia. 


"That's a good idea pero magastos. We only have a certain budget na kelangan i-maintain." Pag e-explain ni Jennie. 


"What about a Collab?" Biglang lumabas sa bibig ko. Sakit ko na talaga 'to. Yung nasa utak ko lang pero nasasabi ko na pala ng malakas.


"Collab?" Tanong ni Jennie. Everyone is looking at me and waiting for my answer. Dagdag mo pa dito ang tingin sa akin ni Athena na nag aantay rin ng sagot. 


"I mean.... kasi you said na may certain budget lang ang council for our foundation day. Why don't we do a collaboration with other clubs. I mean..." Tumayo na ako para ipaliwanag ng mas maayos. 


"For example, Theater and Glee. Mag-cocollab kami to create one program or event. We could partially use our own club's budget. Magkahati ang dalawang clubs sa gastos tapos sa event na ginawa namin, we could earn something like... ayun. I don't know what I'm saying right now." Dagdag ko sabay upo. 


Everyone is so quiet then suddenly, someone spoke. 


"I like your idea. " She said. 


She was looking at me.. with those beautiful hazel eyes. 


JOSH'S POV

Habang kumakain ng pizza, pinapanuod ko ang mga batang to na nakatingin lang sa akin at nag aabang ng sasabihin ko.


"Kuya, ano ba yung sasabihin mo?" Sabi ni Justin with his worried face.


"Onga. Ano ba naman yan? Eto na yung pizza oh. Baka naman pwede na natin pag usapan yung sasabihin mo, kuya?" sabi naman ni Stell.


"Sabihin mo na kaya? Himatayin pa yung dalawa dyan oh." Kalmadong pagkakasabi ni Ken habang sinusubukang balatan yung chicken niyang ulam.


Pagkatapos ko kumagat sa pizza na hawak ko, ibinaba ko ang natira sa box and sumandal sa upuan habang ngumunguya.


"Operation: un-torpe" sabi ko.


"Eh?????!!!" Sabay na sigaw nina Jah at Stell.


"Ano yun? Anong pauso nanaman yan kuya Josh???" Sabi ni Stell. Kinindatan ko lang siya at tumingin kay Ken at sabay kaming ngumiti.


***
End of chapter 3

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon