Chapter 7

722 33 6
                                    

Please don't forget to vote! Love you Nameless fandom!!!


***

SEJUN'S POV

"Nase.. yohooo~" napalingon ako sa pintuan ng office ko. 


"Oh, Stell. Bakit?" Tanong ko kay Stell sabay ngiti. Tumayo ako at pumunta sa bag ko at inayos ko yung mga journals na gagamitin ko para sa contribution ng club sa school paper. 


"Ah. Ayos ka lang ba? Medyo di ka namin nararamdaman netong mga nakaraang araw eh. Hahahaha" Tanong niya sa akin tapos umupo siya sa bakanteng upuan kung saan ako tumatanggap ng bisita. 


"Ayos lang naman. Busy lang talaga ako. Ang dami kaming kelangan ayusin. Acads and projects ng club natin."  I answered habang busy parin i-scan yung mga journals na hindi ko din naman alam kung magagamit.


 Hindi rin ako makapag isip ng maayos ngayon. Para sasabog yung puso ko sa lungkot.


"Uhm. Hahahaha pero May problema ka ba? Kasi parang---"


"Athena." Sambit ko. Hindi ko na napigilan. 


Nag-bottle up na. Hindi ko alam pero pag si Stell yung nagtatanong, napapaamin ako agad. Siguro kasi sobrang daling mag open up sa kanya. 


Bigla siyang tumayo at nilagay ang parehas niyang kamay sa bulsa niya at sinabing, "anong meron, Nase?" 


Tinigil ko ang pag-aayos ng gamit ko at umupo sa office chair ko. 


"Para kasi akong tanga." Sagot ko sa tanong niya. Tumahimik muna ako at tiningnan yung kahon kung saan nakalagay lahat ng tula at kantang sinulat ko para kay Athena. 


"Tingnan mo to." Tinuro ko yung box. 


"Sa loob ng tatlong taon, halos mapuno ko tong box na to ng songs and poems for Athena. Pero, sa loob ng tatlong taon, wala manlang akong ginawa para mabigay sa kanya ni isa sa mga to." Tuloy kong kwento. 


Lumapit si Stell sa akin at umupo sa office table ko. 


"Sige, tuloy mo lang, nakikinig ako". He said


"Wala lang. Para lang kasi akong tanga. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko maalis yung pagiging torpe ko kay Athena. Tapos nung isang araw, we're supposed to have a meeting. Tungkol yung sa collaboration ng clubs namin for foundation day.Hindi ko alam pero kahit hindi ko sabihin, halata namang na excite ako na finally, makakasama ko siya ng kami lang dalawa. Nakakatawang nag-abala akong mag ayos. Nagpa gwapo ako pre para sa meeting." 


"Ano bang nangyari?" Tanong niya sa akin. 


"Si Elise. If you know her, club secretary ng dance troupe. Siya yung ka-meeting ko kasi may emergency daw si Athena. medyo na disappoint ako kasi, nag handa ako. Pero emergency, kaya naintindihan ko. Napag-usapan naman namin yung tungkol sa collab. After that, pag labas namin ng cafe, nakita namin si Athena. She's with David." tapos tumingin ako kay Stell.

"Sino? Yung pangit na captain ng basketball team? Yung kulay papel at mukhang pugo?" 


"Hindi naman pangit yun e. Heartthrob yun diba? Ang daming nagkakagusto sa captain ng basketball team." Sagot ko. 


"So? Ano naman kung kasama niya si Athena. Malay mo ma---" I cut him out. 


"He's courting Athena." I said. Natahimik siya at napatayo. 


"Elise told me. She even told me that Athena had a huge crush on him during freshmen years so hindi imposibleng maging sila. Hahahaha Wala na pre. Talo na." Napailing at tawa nalang ako. Wala e. Di pa nga ako nakakagalaw, talo na agad. tanggapin ko nalang ba?


"So? Hindi pa naman sila ah. Kung maka asta ka, parang sila na. Hindi mo naman masabi yung feelings ni Athena hangga't hindi ka gumagawa ng move diba?" Pag eexplain ni Stell. 


"Bakit pa gagawa ng move, Stell? Masasaktan lang ako pag sinubukan kong umamin sa kanya lalo na alam ko nang May gusto diba siya kay David." Sagot ko naman. 


"Mas okay na masaktan at umamin kesa naman buong buhay mong pagsisisihang wala kang ginawa." Sagot niya. 


"Hindi ko alam. Hindi ko na alam pre. Magiisip isip muna ako. " Naglakad ako palabas ng kwarto ng bigla akong nagulat na nasa labas si Justin at Ken


"Kuya! Gusto mo ba mag laro tayo ngayon?" Tanong sa akin ni Justin. Tumingin sya kay Ken


"Manok? Gusto mo?" Tanong naman sa akin ni Ken


"Saan galing yang manok mo? Wala ka namang hawak na manok kanina ah???" tanong ni Jah


Juskong mga bata to

***
End of chapter 7

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon