Chapter 2

1K 37 16
                                    

Hello ulit sa Aurums/Breakers/hakdogs/Wind! 



***
KEN'S POV

Chicken. Chicken. Gusto ko ng chicken. 

"Kuya, isang 2 pieces chicken nga po with rice. Take out po." Sabi ko kay kuya Ministop habang kinukuha yung bayad sa bag ko.

"Sir, napansin ko lang, araw-araw kayong bumibili dito ng manok. Di po ba kayo nag sasawa?" Tanong ni kuya.


 Nginitian ko nalang siya kasi sobrang pagod ko ngayon araw. Nagturo kasi ulit ako ng sayaw. Part time job. Pandagdag sa baon ko. 


"Nandito ka pala pre. Manok nanaman? Hahaha ano ba naman yan." Si Josh. Biglang sumulpot sa tabi ko at nakangiti pa.

"Uy san ka galing pre? Ganun talaga pag astig. Bukas, Garuda na ako kaka-manok. Hahahaha" pag bibiro ko kay Josh. Siya pinakamatanda sa aming lima pero pinaka baby face kaya di ko siya tinatawag na kuya. 


"Uy. Narinig mo na ba yung balita?" Napatingin ako kay Josh habang kinukuha sa counter yung sukli ko. 


"Pinopormahan daw ni David si Athena." Sabi ni Josh. 


"David? Yung captain ng basketball team? Yung matangkad na kulay papel?" Sagot ko. 


"Kulay papel talaga? Grabe ka naman Ken. Hahahaha oo siya nga. Yung tisoy na matangkad." Sabi naman ni Josh. Naglakad kami palabas ng Ministop. 


"Oh ano naman meron? Maganda naman si Athena ah. Matalino. Dedicated sa pag aaral . mga tipo ni Sejun. Kaya habulin talaga siya ng mga lalake. Kung hindi lang trip ni Sejun yon, baka niligawan ko na." Tiningnan akong masama ni Josh 


"Pero, syempre di ko naman gagawin yon. Tsaka di ko type si Athena kahit maganda siya" dagdag ko sabay ngiti.


"Hindi naman kasi yun yung point e. Alam mo naman nang ilang taon nang sira yung ulo ni Sejun doon. Tapos maaagaw lang ni David?" Pag eexplain ni Josh


"Eh basketball player e. Magaling talaga mang-agaw. So ano gusto mong gawin?" Tanong ko sa kanya. 

"Iniisip ko nga din e. Gusto ko sana kayo kausapin." Inakbayan ako ni Josh sabay sabi na,"tutal, matatagal naman na tayong magkakaibigan at madami narin tayong napagsamahan, why not bakuran natin si Athena para kay Sejun?" Sabay kindat sa akin.



STELL'S POV

Lumabas muna kami ni Jah ng theater's club. Minsan hideout tawag namin dito kasi dito kami lagi nakatambay. Matagal na kasing member si Kuya Josh ng theater's club tapos tropa tropa pa kami so kahit maglabas-pasok kami, wala lang sa mga members ng club. May sariling kwarto si Nase at Kuya Josh. Si Nase yung naging presidente ng club tapos Senior club member naman si Kuya Josh so ayun. Malaki ang respeto ng lahat ng tao sa dalawang yun lalo na kay Nase. Hindi ko rin alam bakit ko kinukwento. Dapat pinaguusapan natin dito yung ginawang kalokohan neto ni Jah. Ang mga bunso talaga, mga sutil. 


"Osige. Paano natin makukuha yon?" Tanong ko kay Jah na kanina pa tulala. Uy. Nag rhyme. Jah-tulala. Hahaha anyway, Gagawa gawa ng kalokohan, hindi alam kung paano lulusutan. 


"Teka, iniisip ko pa nga lang kung paano ko makukuha ulit yon sa locker ni ate Athena. Hindi ako makapag isip. Bumili muna kaya muna tayo ng pizza?" Sabi niya.

"Wow. Pizza talaga para makapag isip? Anong pizza bibilhin natin? Pepperoni pizza o pineapple with pizza?" Tanong ko. Sinimangutan lang ako lalo. "Hahahaa biro lang. Sige na. Ilabas mo na yung payong mo. Mainit. Bawal ako maarawan. Ang skin care ko masisira." Dagdag ko.

Habang naglalakad kami, nakasalubong namin ni Jah si Ken at kuya Josh. 


"San punta niyo?" Tanong ni Kuya Josh. 


"Bibili lang ng pizza. Di raw makapag isip ng maayos si Jah. Ewan ko ba dito sa---" na cut na yung sasabihin ko kasi nagsalita na si kuya Josh.

"Bumalik kayo agad sa club. May pag uusapan tayo." Sabi niya. Bat pati ako kinabahan. Bakit ba kasi ganito mga tao?


"Uy pwede bang sabihin mo na agad? Kinakabahan ako sa mga ganyan mo e." Deretso kong sabi kay kuya Josh.

"Tsk. Mamaya na. Bumili na kayo para May pagkain tayo sa meeting natin." Sagot naman ni kuya Josh. Tiningnan ko si Justin, ayun, parang humiwalay na yung kaluluwa. Feel ko kelangan ko na tong salpakan ng pizza sa bibig para bumalik yung espiritu ng batang to.


"Si Sejun pala? Nasa kwarto pa niya?" Tanong ni Ken habang hawak hawak niya yung paper bag ng binili niyang manok sa Ministop.

"Bumalik kanina sa kwarto niya kaso dumating si Jennie kaya lumabas siya ulit siya. Pinatawag ata ng council. May meeting mga president ng clubs." Sabi ko sa kanila.


"Ayos. Sige bilisan niyo na ng mapag-usapan na natin yung dapat pag usapan". Sabi ni kuya Josh sabay alis sa harap namin.

***
End of chapter 2.

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon