Epilogue

536 35 14
                                    

Play the song first before reading~

***

(Wait lang, Paulo!) Sigaw ni Elise sa telepono. Rinig ko mula sa linya ang pagmamadali niya na lumabas.


"I can wait. Wag ka magmadali." I told her. Natawa ako dahil naririnig ko  rin ang hingal niya. Hindi niya kasi alam na dadaan ako dito sa bahay niya at susunduin siya. 


Ilang buwan ko na rin siyang nililigawan pero hindi ako napapagod na paulit ulit surpresahin siya sa paraan na alam ko. Hindi ako eksperto sa ganitong mga bagay dahil sa totoo lang, torpe ako at alam ko 'yon sa sarili ko. Pero araw-araw naman akong natututo lalo na pag kasama ko si Elise. Mas na-eexpress ko ang sarili ko. 


"Paulo!" Tawag niya sa akin pagkabukas palang ng pintuan ng kanyang bahay. Sobrang gulo at basang basa pa ang kanyang buhok. Napansin ko rin na hindi nakaayos ang salamin niya. 


Hindi ko mapigilang ngumiti. Agad akong lumapit at kinuha ang bag niya.


"Late ka nagising?" tanong ko sa kanya habang pinipigilang ngumiti. Umaarteng cool.


"Lagi ka nalang hindi nagpapaalam pag susunduin mo 'ko." She said sabay ayos ng kanyang salamin.


"Sorry, I can't help it." Maikli kong sagot at ngumiti. Inayos ko ang napakagulo niyang bangs. Napansin kong namula siya. 


Napatingin siya sa paligid. Marahil, hinahanap ang kotse ko. 


"Wag mo nang hanapin." Sambit ko. Hinawakan ko ang kamay niya at dinala siya kung saan ko pinarada ang sasakyan namin.


Napatitig siya sa akin na para bang nagtataka. Ang pinagtataka ko lang, pagkatapos niya akong titigan, bigla siyang ngumiti.


"Bakit? Hindi na ba 'to uso? Hindi mo trip?" tanong ko sabay kunot ng noo. 


"Hindi ah. Gusto ko nga eh. Kaso mabigat ako." Sagot naman niya. 


"Huh! Anong akala mo sakin, hindi kita kaya?" Pagmamayabang ko pa sabay namaiwang.


"Ay teka" kinuha niya ang bag niya sa akin tapos may kinuha sa loob ng bag niya.


"Oh. Tabi mo na 'yan." tapos may inabot siyang envelope. Envelope na unang tingin ko palang, kilala ko na.


"Bakit nasa'yo to?" mahina kong tanong ko sa kanya


"Nahulog 'yan ni Justin sa hallway. Hindi ko alam pero tumatakbo kasi siya noon. Medyo matagal na rin sa akin yan. Nalaman kong sa'yo yan nung binuksan at binasa ko. Dapat ibabalik ko sa'yo yan kaso hindi ka naman sumipot." sagot niya tapos ngitian ako na para bang nangaasar.


Naramdaman ko ang pamumutla ko sa oras na 'yon. Lahat ng tula na nakasulat dito ay tula na ginawa ko para kay Athena. 


"ganon ka pala ka in-love kay Ate Athena." sambit niya na may halong disappointment sa boses niya. 

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon