Nagising ako sa puting kwarto at alam kung hospital naman ito..
Pagmulat ko palang nakita ko si mommy na natutulog kalahating katawan nakaupo, nakita korin na nakaupo si muhajil sa couch at kumakain na naman kahit masakit pa ang katawan ko diko napigilang batuin siya, una para makuha ang attention niya dahil nauuhaw ako pangalawa mukhang mauubos na pagkain na mukhang galing sa hospital, tangina ako yung pasyente saaming dalawa..
Nagulat siya sa pagbato ko kasi sa balikat natamaan. "Hala capt. Gising kana halleluya" sabay sigaw niya ng mahina lang naman pero nagising parin si mommy."Anak" sabay yakap ni mommy saakin at kingina ang sakit ng pagkadagan niya "mabuti naman at gising kana, pinag alala mo kami, lalo na ako. Kumusta na pakiramdaman mo? May masakit ba saiyo, nagugutom kaba?" Kung alam lang ni mommy huhu. "Mi masakit po yung pagkadagan niyo" sabi ko "Hala sorry nak na excite lang ako, tatlong araw ka ng tulog akala ko hind kana magigising" tatlong araw? "yobert tawagin mo ang doctor sabihin mo gising na ang pasyente." Tawag ni mommy ky muhajil na agad naman lumabas at pagbalik kasama na niya ang doctor. Konting check up, at habilin lang at lumabas narin, pwedi na daw akong lumabas sa makalawa pero kaylangan ko parin magpahinga ng isang buwan para tuluyan ng maging ok ang sugat ko. Tumango nalang ako kasi wala naman akong choice hind parin talaga maganda pakiramdam ko at kumikirot parin ang sugat ko banda sa tiyan ko. Buti nalang at hind ako napuruhan. "Muhajil" tawag ko
"Kumusta yung bata?" Naalala ko kasi bigla na yung narinig ko bago ako nawalan ng malay!"Ok siya capt. Narevive ng mga medic at dinala agad sa hospital, nasalinan agad ng dugo kaya ok na po"
"E yung tatay ng bata?" Kasi nakarinig rin ako ng putok ng baril nun.
"Wala na po siya, nabaril po ni pascual" maikling sagot ni muhajil! hind nako nagulat doun. Napabuntong hininga nalang ako, ilang buhay paba masasayang dahil sa droga, ilang mga bata pa madadamay dahil sa mga magpagsamtalang nilalang, ilang bata pa ang mangungulila dahil nawalan ama?
Napabing ako kay mommy na titig na titig saakin "ako anak, kaylan mo maiisip na nag aalala ako saiyo? Sa bawat mission mo ilang santo ang tinatawag ko, hanggang kaylan moba maiisip na maraming nag aalala saiyo? My pamilya kang naghihintay saiyo, may nanay kang masasaktan at iiyak pag nawala ka?" Natahimik ako sa sinabi ni mommy. "Anak, ano bang kaylangan kung gawin para mag bitiw ka sa pagpupulis mo? Kaylangn kopa bang mamatay na muna para umalis ka sa trabahong yan?"
"Mi naman--"
"Ano? Sasabihin mo naman na yan ang gusto mo? Yan ang fashion mo? Yan pinili mo kasi jan ka masaya? Paano ako ha?" At humagulgol na siya. Nasasaktan ako dahil napaiyak ko nanaman si mommy!
"Buti pa ang ibang tao nalala mo, pero kami na pamilya mo hind mo man lang naiisip"
"Mi hind naman sa gan--"
"Ateeeeee" sigaw ng kapatid kung bunso
Kaya napapunas si mommy ng luha!, kilala ko si mommy kahit gaano pa siya kagalit saakin, ayaw niyang makita ng mga kapatid kona umiiyak siya dahil saakin. Hind ko naman siya masisisi nagiisang anak nila akong babae, si kuya nico may asawa na. at siya ang katuwang ni papa sa business namin, si kyle na bunso namin 10 years ang gap namin nag aaral pa.May sarili kaming company galing sa mayamang pamilya si mommy at daddy retired general ang papa ni mommy.
Inshort lolo ko. Ang isang taong kahit kaylan hind kumontra sa gusto ko, tanging taong sumoporta sa pag pupulis ko.. at kaiisa-isang taong proud na proud sa lahat ng achievement ko sa buhay, mula ng nagsimula ako at ma promote lagi siyang adyan! Well sila mommy at daddy ayaw talaga nila, pero dahil mahal nila ako sinusupportahan nila ako, pero pag may ganito nangyayari nasusumbatan parin ako. Si kuya nico lagi niyang sinasabi na ayaw lang niyang maging bias kaya 50/50 ganun, at itong si kyle wala din siyang choice.."Almo ate bilib na bilib ako saiyo," pag sisimula niya, iniwan na kami ni mommy lumabas na siya. "Bakit naman?"
"Sikat kana ate laman ka ng balita dahil sa pagkakaligtas mo dun sa bata, grabee ate sobra kitang pinagmamalaki sa mga kaklase mo" damang dama ko yung saya niya. "Daddy ba hind nagpunta dito?"
Tanong ko kasi hind ko pa siya nakikita!"Siya ang nagbantay saiyo kagabi, capt." Sagot ni muhajil. Na nakalimutan kung andito pa pala. "E si kuya nasaan?"
"Nasa labas may kausap sa cellphone" sagot ni kyle. Hind naman nag tagal at pumasok na si kuya, at sabay halik sa noo ko.. ang kyut lang talaga ni kuya ang lambing lambing!.
"Kumusta na pakiramdam mo ayus naba? My kaylnagna kaba?"
"Medyo masakit parin kuys, pero ok naman na" sagot ko! Nagtatawanan lang kami at nagkwentuhan, sobrang proud daw siya saakin, pero sekreto lang daw baka marinig ni mommy edi lagot na..
Hind rin sila nagtagal at umalis din kasama si kyle kasi pareho silang my pasok pa, si mommy babalik nalang daw bukas kasi walang tatao sa boutique niya..
Kaya heto dalawa nalang ulit kami muhajil, si lolo naman hanggang ngyon hind pa ako nadadalaw malamang nagtatago nanaman yun ky mommy, bibig din kasi mi mommy walang preno minsan!."Hoyyy muhajil bakit kapa andito?" Kuha ko sa pansin niya kasi tutuk na tutuk sa tv.
Pinatay niya ang tv bago bumalik sa pagkaka upo at tumingin saakin na parang nasasaktan. " kasi ma'am ako ang nakatoka sa pagbabantay sa inyo" sinamaan ko lang siya ng tingin "saka partner tayo diba?"
"Partner mo mukha mo." Sagot ko agad
At mukhang na apektuhan kasi sumimangot bigla."Almo capt. Hind na talaga ako magtataka kung bakit hanggang ngyon wala parin kayong boyfriend, bukod kasi sa nakakatakot kayo, ang brutal niyo din. Ewan ko ba jan kay pascual at sa inyo nag nagka crush hayss!" Ayy talaga namang ang lalim ng buntong hininga niya, kaya binato ko siya ng saging, yun lang abot ko e.
"Aray naman capt." Sabay kamot niya.
"Kaya siguro, ako hanggang hanga lang ako saiyo, i mean no offense capt ah. Maganda ka naman talaga pag nag ayus ka pero talagang di kita type, diko type ang mas matanda saakin." What daaa? Hayufff na to.
"Hoy muhajil kung gusto mo pang maabutan ng bukas umalis ka dito nagdidilim paningin ko saiyong gago ka."
"Pero tinawanan lang ako."
Badtrippp 25yrs old lang ako kingyna.
Malay ko bang ayaw ko pa pumasok sa relasyon i mean, hind kopa natatagpuan ang lalaki para saakin ganern..___
BINABASA MO ANG
ANG GIRLFRIEND KUNG ASTIG ( Completed )
ActionElyzer Justine Barber. Isang Varsity player, matalino, mayaman, hinahangan ng lahat. Girls are like piece of clothes to him. Mayabang, mapaglaro... He hates police! Captain Margaret Dale Entrata. A PNP officer, hard headed, sa sobrang tapang niya...