Part 19

2.6K 130 9
                                    

Elyzer the pogi calling...

"Oh?" Sagot ko

"Nasa labas na guapo mong manliligaw baka gusto mo ako labasin dito." Sagot niya. Tss kapal ng mukha. Guapong unggoy kamo.

"Bakit hindi ka marunong pumasok?" Pasigaw kung sagot.

"Aba kahit pinakamaliit na butas alam kung pasukan " sagot niya sabay tawa niya. Bweset!

"Gago ka--"

"Margarrettttt" sigaw ni mama.
Labasin mona dun. "Tss" padabog akong nagmartsa.

"Bilisan mo" Sabi niya sa kabilang linya, akala ko pinatay na niya.

"Maghintay ka jan unggoy ka." Sabay patay ko ng cellphone.

Pagbukas ko ng gate nasa labas nga siya.
Wala si manong guard ngayon e. Off niya!
Nginisian lang niya ako pagkakita niya saakin.. bweset!

"Ipasok mona sa garahe. Bilisan mo!" Utos ko sakanya.

"Bat ba ang init ng ulo mo? Ikaw na nga tong nililigawan e. Nagrereklamo kapa" Sabi niya. habang pababa sa sasakyan niya. "Bakit sinabi ko ko bang manligaw ka ??" Pagtataray ko sakanya. "Hindi" sagot niya. "Oh" sabay abot niya ng ponpon ng bulaklak saakain na mukhang mahal dahil sobrang ganda! Pinipilit kung itago ang mukha ko kasi alam kung namumula na ako ngyon. Bushak na unggoy to! "S-sa a-akin to?" Utal kong tanong. "Hindi sa mommy mo yan" what the?? "Kay mommy to?" Ulit ko. Hind kasi matanggap ng sistema ko. Parang biglang umakyat yung dugo sa ulo ko sa pagkapahiya. Gusto ko siyang ingodngud sa sasakayan niya, nakabusangot akong nakatingin sa hawak kung bulaklak parang gusto ko nalang to itapon sa basura, alam niyo yung feeling na sa tanang buhay ko hind pako nakatanggap ng bulaklak. Tapos itong unggoy na to paasa pa. "Hind kasi bagay saiyo ang pink, ito yung saiyo,:" sabay abot niya ng red roses na sa tingin koy isang dosena at may puting roses sa gitna "akin nayan" sabay kuha niya sa hawak kung bulaklak. "S-sa akin na to? Hindi kana paasa.?" Ngiti kung tanong saakanya. "Alangan naman sa daddy mo yan-" sinamaan ko siya ng tingin. "Thank you ah? First time kung makatanggap ng bulaklak salamat" ngiti ko sakanya. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko dahil napatitig siya saakin. "Your w-welcome" sagot niya na my sumisilay na ngiti sa labi niya. "Anyway ang ganda mo ngayon, you look good on your dress".. kaya biglang namula ang pisngi ko. Bukod sa daddy ko at mga kapatid ko wala pang pumuri saakin, ng ganito ka sincere "tara na sa loob" sabi ko, saka naglakad na ako. Hind ko kasi maiwasang hindi mapangiti.

"Dalagang dalaga kana talaga kafatid." Pag salabungon ni kuya nico saakin, "wow may pabulaklak, mukhang mahal iba din e! Maaaa! magpakain kana dalaga na tong nag iisang babae sa pamilya mo," sigaw niya kay mama na nasa kusina ata. Pero dahil good mood ako ngayon hinayaan ko siya.

"Hello po magandang tanghali po" si Elyzer na nasa likod ko pala. "So ikaw ba ang manliligaw ng kapatid ko?" Tanong ni kuya na biglang nagseryoso. "Oho ako nga po." Sagot niya. "Sigurado kaba??" Kita kung nagulat si Elyzer sa tanong ni kuya. Kaya hinila kona siya papunta sa sala, iniwan namin si kuyang nag astang bulldog.

"Dad" kuha ko sa pansin ni daddy na katabi si kyle. "Oh? Andyan na pala ang bisita mo nak, paupuhin mo mona, kyle pakitawag ang mommy mo" utos niya kay kyle na agad naman tumayo. "Magandang tanghali po, ako nga po pala si Elyzer Justine. Elyzer nalang po" pagpapakilala ni Elyzer, na mukhang kinakabahan dahil sa tingin ni dad. "Dad" sabay hawak ko sa likod niya. "Ay. Ako nga pala si miguel. Miguel Entrata, nice to meet you iho." Sabay lahad niya ng kamay na agad naman kinuha ni Elyzer. "Nice to meet narin po sir--" "-tito call me tito" sabi ni dad.

"Oh Elyzer, abay mas guapo ka pala sa personal." Si mama na kakapasok lang galing sa kusina. "Hello po tita, para po pala sa inyo!" Sabay abot niya ng bulaklak kay mommy "sus ikaw na bata ka nag abala kapa, pero salamat."

ANG GIRLFRIEND KUNG ASTIG ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon