AGKA (Part 30)

2.4K 115 5
                                    


Sobrang tagal kung di naka update dito heheh sorry po. Tinapos ko muna ang UNBROKEN DREAMS ♥️
Ngayon tapos na siya pipilitin kung mag update everyday dito.
Salamat nga pala sa tumangkilik sa @UNBROKEN DREAM.

ENJOY READING.♥️🙏

--

--

"Kay agang nakasimangot kapt. Its there something wrong?.. oh English yun wag kang ano!" si muhajil na my dala pang kape ko. "Ay naunahan na ako ng manliligaw, tsk! anong laban ng 3n1 ko sa Starbucks ni mr barber." Sabay taas niya sa kape niyang akala mo badtrip talaga! "Kay aga muhajil wag kang makulit wala ako sa mood."

"Alam kuna kung bakit kapt!. Reyes saiyo na tong kape ko oh." Sabay abot niya ng kape kay reyes na dumaan sa malapit saamin. "Wag na baka may gayuma yan." Natawa ako sa itsura ni muhajil. "Wag kang mag alala hindi tatalab saiyo ang gayuma." Kaya nagtawanan yung mga nakarinig. Minsan talaga tong si muhajil matabil din ang dila e. Sinimangutan siya ni PO1 reyes.

"Kaya walang nagkakagusto saiyo dito sa opisina natin dahil jan sa tabil ng bibig mo." Saway ko sa kanya. "Wala naman akong type dito kapt. Saka ayaw ko sa pulis, kawawa magiging anak namin pag pareho kaming nasa mission sa yaya lalaki kaya ayaw ko ng ganun." Tumaas ang kilay.

"So anong napag usapan niyo ng lolo mo kahapon?" Tanong niya kaya biglang akong natahimik.

Throwback

"Explain?" Sabi agad ni lolo ng makapasok ako sa opisina niya. "Lo."

"Margarret alam kona ang lahat nasabi na ni hepe saakin, what do you think your doing? Are you out of your mine? Pulis ka tapos nakipagsabwatan ka sa kriminal nayun?" Sigaw niya kaya natahimik nalang ako, pag ganyan galit si lolo bawal talaga mag salita. "Hindi siya basta bastang kriminal kaptain margarret dale" nadiin niyang sabi sa pangalan ko. Katapusan kuna talaga.."assassin yung tinulungan mo, at ano nakipag kasundo kapa sa kanya? Sa tingin mo ba tama yang ginawa mo ha? Mapapabagsak mo nga si lopez pero paano mo masisiguro na ligtas ang buhay mo sa maria o lily nayun? At isa pa kaylan kapa natutung suwain ang batas ha? ANO SAGOT?" kaya napaigtad ako. Buti nalang talaga sound proof ang opisina ni lolo kundi narinig na nila mama sa labas ang sigaw niya. "Ano wala kang isasagot?"

"Lo. Lily needs me. Biktima lang siya lo, biktima ng malupit na mundo, nawala ang anak niya at asawa niya, pinatay sa harap niya.--"

"--pero hindi rason yun para ilagay niya sa kamay niya ang batas. Hindi pagpatay ang sagot sa paghihiganti, at ikaw naman kinunsinte mo, anong nangyari sa tigasin na si margarret ha?"

"Lo.--"

"--hindi ko gusto ang ginawa mong ito margarret, pulis ka kriminal yun. At alamo kung saan nilalagay ang mga kriminal!"

Yun lang at lumabas na siya..

"So anong plano mo huhuliin mo si Lily?"

"Hind ko alam naguguluhan ako. Nangako ako sa kanya, at kilala mo ako my isang salita ako muhajil."

"Ang laking problema yan kapt. Baka masuspended pa tayo."

"Tatapusin natin ang kasong to, at kung anong kakalabasan nito, akong bahala saiyo, wag kang mag alala di kita idadamay."

"So sa tingin mo talaga di kita sasamahan? Dalawa tayo dito kaya haharapin natin ng sabay, where partners remember?" Napaismid ako..

Pagkatapos naming magusap ni muhajil nakatanggap ako ng text kay lily.
Nakikipagkita siya saakin, dahil may ibibigay daw na importanting bagay.
Kaya agad akong lumabas ng prisinto at pumunta sa lugar na sinabi niya..

ANG GIRLFRIEND KUNG ASTIG ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon