----
Pupungas pungas pa ako ng mata ng bigla bumukas ang pinto ng kwarto ni majo, at naka ngising mukha ni muhajil ang bumungad saakin. "Good morning pipol." Bati niya, napadako ang tingin ko kay majo at gising narin pala siya. "Good morning tatay yo, morning ate kapt." Agad naman umupo si muhajil sa tabi niya sabay lapag ng dala niya. "Good morning sa pinaka matapang na anak sa boung universe."
"Akala ko po pinaka maganda?!" Hirit ni majo. Kaya natawa ako. "Bat ang aga mo?" Tanong ko sa kanya. "Early birds can catches the early worm." Napangiwi ako sa sagot niya. "So ano ngang ginagawa mo dito?"
"Bukod sa alam kung andito ka, dinadalaw ko din tong pinaka maganda kung anak! Ngingiti nayan." Sabay himas niya mukha ni majo na bigla naman nagbago ang expression ng mukha, mula sa pagkabusangot! "Kaylan pa kayo naging mag ama? Parang hindi ako update?."
"Matagal na kapt. Late ka lang talaga! Gusto niya ngang nanay daw itawag saiyo, pero sempre ayaw ko pang mamatay kaya ok na ako sa ate.. Oo nga pala! Oh" sabay abot niya saakin ng kape na galing pa sa balot at bulaklak na akala ko kanina kay majo. "Pinabibigay ni mr. Barber, tinanong ka niya saakin kanina sabi ko busy ka! Hindi ka daw kasi makontak." Sabay abot niya saakin.
Pinatay ko kasi kagabi pa ang cellphone ko.
"Hayaan mo na! ako ng bahala dun." Kuha ko sa kape. Napangiti ako sa nakasulat! My captain
"Hindi mo sasabihin sa kanya ang nangyari?"
"Hindi na kaylangan."
"Paano kung nagtanong ulit?"
"Gawan mo ng paraan dun ka naman magaling e." Sabay tayo ko papasok sa cr kaya napailing nalang siya..
Paglabas ko nakita kung papaalis na si muhajil. "Oh aalis kana?"
"Kaylangan namin maglinis ng kalat." Sabi niya, agad ko din naman nakuha ang nais niyang ipahiwatig. "Hind ba talaga pweding sumama?" Naglalakad na siyang palabas kaya sinabayan kona. "Kapt. Malaki ang naitulong mo sa mission na to, at kung ako ang tatanongin ok lang na hindi kana sumama, isipin mo nalang vacation to para saiyo kaya enjoi it." Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Alamong hindi ko gusto ang nangyari muhajil, ako ang may hawak ng kaso nato."
"Alam ko naman yun, kasi kasama mo ako dito."
"So bat ako lang nasuspinde e dalawa pala tayo dito?"
Bigla naman siyang ngumisi. "Because im awesome at mawawalan ng guapo sa prisinto pag nasuspendi ako."
"Wala ka talagang kwentang kausap. Umalis kana nga!" pagtataboy ko sa kanya. "Balitaan moko agad kung anong nangyari." Tumango lang siya at naglakad palayo. Kaya pumasok na ako sa loob ulit!
Sa totoo lang masama ang loob ko.
Ganito din nangyari sa noun sa kaso ni paolo nung malapit na ako sa dulo saka nila kinuha saakin.."Ate kapt." Tawag ni majo saakin.
"Hmmp."
"Pwedi po ba tayong mamasyal? Kahit sa garden lang? Gusto ko kasing makakita ulit ng puno at ibon."
"Tatanongin ko si doc. Pag nag ok siya sa labas tayo mag breakfast gusto mo yun?"
Lumawak lalo ang ngiti niya. "Gusto ko po gustong gusto." Kaya lumabas ako ulit.
Pumunta ako sa opisina ng doctor niya, para magpaalam, pumayag naman siya basta wag daw magpagod.
Kumuha muna ako ng wheelchair niya saka bumalik,Pagpasok ko nakaupo na agad siya at mukhang tuwang tuwa pa.
Inaayos kona muna ang dadalhin namin na pagkain at tumawag ng tutulong saamin, dahil wala naman dito yung kuya niya.
BINABASA MO ANG
ANG GIRLFRIEND KUNG ASTIG ( Completed )
ActionElyzer Justine Barber. Isang Varsity player, matalino, mayaman, hinahangan ng lahat. Girls are like piece of clothes to him. Mayabang, mapaglaro... He hates police! Captain Margaret Dale Entrata. A PNP officer, hard headed, sa sobrang tapang niya...