AGKA ( Part 46)

2.5K 120 32
                                    


Danger

___

"Opo boss eto na pauwi na nga ako ang kulit." sagot ko kay Ej! Buti nalang nagagamit kona tong binigay niyang airpod. May pakinabangan naman pala to.

"namimis lang kita maam. Saka mas makulit ka!"

"Oo na. Sige na nagdadrive pa ako!"

"Ok. Love you!"

"thank you!"

"Priscilla Margaret Dale?"

"love you too." i giggled.. "I don't like anyone call me that name pero pag ikaw, why i always feel kilig?"

"kinikilig ka? Di nga?"

"lagi naman, di lang halata. Heheh!"

"at least alam kung kinilig ka pala akala ko wala ka noun."

"meron oh. Tingin mo saakin? Baliw to."

"oo na sige na. Im waiting here!"

"ok ser!"

Saka ko binaba ang tawag..

Actually mas gusto ko pang kausap siya habang ganitong nag d'drive ako at pinapakinggan ang pagkanta niya. Kasi kahit may libag sa boses niya maganda naman, kahit minsan nagrereklamo ang laman loob ng tutuli ko ayus lang. Ganun siguro pag mahal mo yung kumakanta, yung lyric ang iintindihin mo kesa sa dun sa kumanta.
Ewan ko lang kasi pag si muhajil ang kumanta minsan pinapababa ko at pinapaglakad sa kalsada. Pero pag si elyzer sige lang..

Pero dahil dito sa kotse na kanina ko pa napapansin nakasunod saakin.  Hind kona magawang tapusin usapan namin ni ej. At ewan ko din bakit hind siya nangulit ngayon.

Kanina pa to sa market. Hindi ko kita ang tao dahil tinted mirror. Pero iba parin pakiramdam ko!

Gabi na! Kundi lang ako nagpilit nungkang papayag si lolo na umuwi akong mag isa, ipapasama pa sana niya yung bodyguard niya pero nag insist ako hindi naman na ako bata.

Hinayaan kona ang sasakyan na sumusunod saakin, wag lang silang magpaputok ng baril dahil pandaraya yun wala akong dala paano ako makakalaban maliit lang meron ako.

Medyo nakakalayo na kami sa mataong lugar. Pero pinapakiramdaman ko parin sila kung mag o'vertake ba sila. Pero hindi naman parang nakaalalay lang saakin.

Pero bigla akong napa preno ng bigla nalang may sumulpot kung saan na isang van  sa harapan ko. Sa lakas ng preno ko bigla nalang nauntog ang mukha ko sa manibela.
Hilong hilo ako. Hindi ko maaninag kung ilan ang ang bumaba dahil nanlalabo ang paningin ko. Pinipilit kong abutin ang baril kung nahulog sa baba pero huli na dahil nabuksan na nila ang kotse ko at tinutukan nila ako ng baril. Hindi ako makagalaw  dahil hindi man lang nila ako binigyan ng pagkakataon. Bat ngayon pa?

"igapos niyong maigi yan, magaling yan makipaglaban. Baka matakasan tayo." sabi nung lalaki na diko maaninag ang mukha.

"hilo pa to. Hindi ito makakatakas."

"wag kang kampante hind mo kilala yan."

Kinaladkad nila ako pasakay sa van.
Akala ko naman madami sila pero tatlo lang pala, pwedi naman silang magkotse nalang.

"sino ba kayo? Anong kaylangan niyo?" tanong ko ng mai-masmasan na ako. "kami wala kaming kaylangan saiyo. Pero yung boss namin meron."

"sinong boss?"

"wag kang atat. Makikilala morin siya, sa ngayon magpahinga kana muna. Miss captain."

Hindi na ako nagsalita. Tulad ng sinabi ng pangit nato nagpahinga na ako, kaylangan ko ng lakas para makatakas kahit sa anong paraan. Mga itsura palang ng lalaking to hindi basta bastang tao ang amo nila.. Kung sino man siya! Hindi ko alam..


ANG GIRLFRIEND KUNG ASTIG ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon