HINDI nako nagpasundo sa driver tulad ng napagusapan namin ni hepe, ako nalang mismo ang nagpunta sa mansion ng barber kasama ang boyfriend ko. Ika nga ni muhajil! Birthday gift to ni lolo saakin ang kauna-unang natanggap ko nung na promote ako bilang SPO1.
pag pasok ko palang sa gate nila grabee nakaka mangha, siguro expected na ng security na my maganda silang bisita kaya agad niya akong pinapasok sa loob.
Iba din talaga tong mayayaman nato maglalakad ka sa carpet ng nakasapatos, e sa bahay namin, bawal malalagot kay mommy, mayaman naman kami pero hind ganitong nakakaluluha ang loob ng bahay puro kumikinang na Chandler na sa tantsa koy nasa hundred thousand ang halaga..
At aba mahilig ata sa painting tong matandang barber, hind ko alam paano i appreciate tong mga to dahil bukod sa baril at motor wala na akong nahiligan pang iba..
Natigil ako sa panonoud ng mga pictures ng may lumapit saakin naka uniporming babae, mukhang kasambahay to."Maam hinihintay po kayo ni sir barber sa opisina niya po, tara po at maihatid ko po kayo."
"Ah ate paano po yung gamit ko?"
"Ah maam--" "dale nalang po. "
"Ipapahatid ko nalang po sa magiging kwarto niyo po ma'am dale" parang wala din akong sinabi.Saka niya ako iginaya pa akyat sa taas mukhang sa second floor pa ata yung opisina ng matanda..
"Dito na po" biglang sabi ng kasama ko kaya natigil ako sa pag tingin tingin sa paligid, masyado ata akong namamangha.
"Sir andito na po ang bisita niyo po, sabay bukas ni manang ng pinto"
"Oh, sige na manang! Pahatiran mo nalang kami ng maiinom dito, anong gusto mo iha?'' Sabay tingin niya saakin
"Ah...kahit ano nalang po, may cake po ba kayo chocolate cake po." Sabay ngisi ko kay manang, kinakabahan kasi ako ewan koba.
Umalis na si manang pero mayamaya lang ay bumalik narin at may dalang orange juice at isang slice na cake."So.." kaya naputol yung pagsubo ko at napatingin ako sa matandang barber. "Im sorry kumain kana muna," tulad ng sabi niya kumain muna ako, at sa totoo lang ang sarap ng cake nila paborito ko to e.
Pagkatapos kung kumain humarap na ako sa matanda. Mukhang nag eenjoi naman siyang panourin akong kumain kanina e."So ikaw pala si Captain margarret dale Entrata, hind ko naman akalain na ganyan ka kagandang bata", bigla tuloy akong napa ismid bata? Ako? tss "Balita ko top 2 ka daw nung gumraduate ka sa PMA." Bat ka biglang nagpulis iha?" Mukhang makukwentuhan pa ata kami.
"Yun, po talaga ang gusto ko, kumbaga sideline lang po yung PMA."
"Ah. Ganun ba? Pero ikaw daw ang pinaka magaling na pulis sa prisento niyo, kaya ikaw ang ibinigay ni kumpadre saakin bilang magbabantay sa apo ko." So siya pala yung kausap ni tito kahapon.
'Hehe.. sligh lang po sir." Pa humble kung sabi, grabe naman kasi tong hepe sobrang bilib saakin hay.
"Lolo"
"Ho?"
"Call me lolo, hind pweding malaman ng apo ko na pulis ka, dahil ayaw niya sa pulis, galit siya sa mga pulis dahil sa pagkamatay ng magulang niya, kaya hanggat maaari ayaw kung malaman niya na pulis ka."
"E bakit po saamin kayo humihingi ng pabor kung ganun?" Biglang sabi ko naiinis ako ng medyo lang.
"Kasi iha hind ako katulad ng apo ko, isa pa nadala lang apo ko nung unang makidnap siya at mismong mga bantay niyang pulis ang kumuha sa kanya iha. Kaya hind ko siya masisisi, kahit ilang beses kung ipaliwanag na hind lahat katulad nung mga kumidnap sakanya. iba parin pinapaniwalaan niya" mahabang sabi ng matanda, ngyon naiintindihan kona ng konti lang naman.
"Pero sir..este lolo, ano po set up natin? Kaylangan ko po bang gumawa ng script?" At biglang napalatak ng tawa ang matanda.
Anong nakakatawa dun?" iha.. hind tayo gumagawa ng pilikula, ikaw parin naman si margarret ang kahibaan lang ei hind ka magpapakilalang pulis sa apo ko, anak ka ng kumpadre ko at dito muna titira saamin dahil pinagkatiwala ka saakin, at mag aaral ka sa katulad ng university ng apo ko."
"Isa pa po yan, business management po course ng apo mo lolo, kaya po ako ng pulis dahil ayaw ko sa business dahil hind kaya ng brain cellds ko." Bigla naman natawa ang matanda, " ngyon palang ulit ako natawa ng ganito alamo bayun?" Sabi niya saakin, Aba compliment bayun? Ayus.
"Isa pa pala. Dalawa lang ang kaybigan ng apo ko, si daryl at Russell. My trust issue siya, ayaw niyang makipagkaybigan sa babae, womanizer din siya. Kapag hind ka niya kilala talagang susungitan kanya, kaya sana iha, pag pasensyahan mona ang apo ko. Isa din sa dahilan kaya kita kinuha ay dahil sa sabi ng tito lito mo, manhater ka daw. "At aba, porket walang boyfriend manhater na mga judger nito.
"Mahilig sa night life ang apo ko. Party dito party doun, marami din siyang fans sa school nila" wow famous bulong ko sa sarili ko.
"Bukod sa basketball, car racer siya." Woah"Paano nga po pala niyo nasabing may gustong kumidnap sakanya?" Curios lang.
"May mga treat na pinapadala sa office ko, minsan nakukuha sa locker niya, at minsan sabi sa cctv ng village nato. Madalas daw silang may nakikitang van na sumusunod sakanya, nawawala lang pag pumapasok na siya sa gate ng village." Ibig sabihin Kaylangn pa ng invistigation kung ganun!
"Pero hanggang ngyon wala parin alam ang apo ko, tungkol sa bagay nato! Baka matakot nanaman siya at bumalik sa america iha. Ayaw kung mabuhay ulit siya sa takot, kaya kahit gaano kadilikado ang buhay niya sa labas pinapayagan ko kahit natatakot ako dahil ayaw kung isipin niyang kinukulong ko siya." Damang dama ko yung lungkot sa boses ni lolo, mahal talaga niya ang apo niya, parang ako kay lolo!
"Sige po gagawin ko po ang lahat, at pinapangako ko pong poprotektahan kopo ang apo niyo sa abot ng aking makakaya."
"Aasahan ko yan iha! So tara at lunch time na, baka gising narin yung apo ko, at ng makilala mona siya.!"
"Isang tanong nalang lo." Hirit ko kaya bigla siyang napatigil sa paglalakad.
"Kaylangan ko po ba talaga pumasok? I mean kasi lo, pag pumasok ako ibig sabihin noun mag pa participate ako sa klase." Tiningna ako ni lolo yung titig na ang laki ng problema mo look."Tungkol sa bagay nayan, ginawan ko na ng paraan para naman hind na magulo ang brain cells mo" sabay ngisi niya. "Kakausapin ka ni dean sa bagay nayan dont worry" ayus pala kung ganun!
"So shall we?" Tumango na ako, kaya sabay na kaming bumaba f.c ako e.
Pagdating namin sa dining area, nalula ako sa handa, nakakatakam grabe.
Inalalayan ko muna sa pag upo ang matanda bago ako umupo.
"Fell at home iha ok.?""Thank you po."
"Yung mga gamit mo nasa kwarto mona, mamaya ipapahatid kita pagkatapos natin dito para makapag panginga kana."
Sasagot na sana ako ng..
"Good morning grand pa" nagbesi sabay upo sa tapat ko, bushak. Kung guapo siya sa picture. May i guguapo pa pala sa personal.
Sheyt, anong nangyari? Sinabi ko bang guapo siya? Pag narinig lang ako ni muhajil isang buwan niya akong tutuksuin. Napailing nalang ako sa naisip ko."Goodmorning son. Nalate ka na naman ng gising!" Sabay buntong hininga ni lolo
" oh... by the way this is margarret dale. Anak siya ng kumpadre ko, dito mona siya sa amin tutuloy dahil nasa america parents niya, at same university din papasukan niya kasi nilipat na siya, baka nga same department mo din siya apo" pero parang walang narinig, yabang!! Hind na siya guapo pangit ng ugali."Margarret ito naman si Ej ang apo ko"
Tiningnan ko siya sabay ngiti ko ng konti lang naman..
Pero tiningnan lang ako ulit ang nagfucos na sa pagkain, suplado talaga tss! Teka bat ba ako affected?
____
Yan nagkita na sila yieeehhhhh.
BINABASA MO ANG
ANG GIRLFRIEND KUNG ASTIG ( Completed )
ActionElyzer Justine Barber. Isang Varsity player, matalino, mayaman, hinahangan ng lahat. Girls are like piece of clothes to him. Mayabang, mapaglaro... He hates police! Captain Margaret Dale Entrata. A PNP officer, hard headed, sa sobrang tapang niya...