AGKA ( 15 Part)

2.5K 140 5
                                    

"SO EXCITED?" tanong ko kay Elyzer ng maabutan ko sa dining na kumakain "halata ba??" Ani niya.
"Oo halatang excited kang makasama ako" pagbibiro ko. "Sus, ikaw nga ang may idea na sa tagaytay tayo pupunta, ikaw margarret ah yung mga plano mo talaga. Magsabi kasi saakin para makapag participate ako" sabay ngisi niya. tss kung alamo lang

"Ang dami mong alam barber. Sige na pupuntahan ko pa si lolo sa office niya."
Tumango lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Umakyat ako sa taas at dumeretso sa opisina ng matanda, nakaplano na ang lahat, di ako sigurado kong sasabihin ni Lina yung sinabi ko sakanya, pero mabuti ng alerto, gumising pa ako ng maaga para ilagay ang baril na gagamitin ko sa sasakyan ni Elyzer kagabi ko pa sinasabi sa kanya na ako ang mag da'drive, pero hind ko siya napapayag. Mamaya kuna ulit kukulitin. Nung nasa pintuhan na ako ng opisina ng matanda kumatok muna ako bago ako pumasok..

"Oh iha? Tuloy ka. Aalis  na ba kayo ng apo ko?" Nagpaalam na pala ako gabi sakanya pero hind ko sinabi ang about sa plano ngyon ko lang sasabihin sakanya dahil karapatan naman niyang malaman at isa pa parang gagawin kung pain ang apo niya..

"Ah lo. May sasabihin sana ako sa inyo" pag sisimula ko. "Upo ka, mukhang importante e tungkol saan ba?"

"Lo. Ang totoo hind lang bakasyon ang kukunin namin ni Elyzer sa tagaytay. Isa itong patibong " nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng matanda kaya nagpatuloy ako " lo kasi nung isang araw ko lang nadiskubre na isa sa mga kaklase namin ang naglalagay ng treats sa locker ni Elyzer, at kahapon nga ng gabi sinundan namin siya kasama ko si muhajil. At duon ko natuklasan na matagal na pala nila itong plano hindi lang sila makagalaw ng maayos dahil hindi sila maka tsempo, ngyon ko ibibigay sa kanila yung tsempo na ito lo, tatapusin kona ang gulo na to. Pero wag kayong mag alala alam na po ito ng mga kasamahan ko, naka alerto narin po sila para mangyayari. Sana po maintindihan po ninyo ako, ito lang po talaga ang nakikita kung paraan para mahuli sila." Ani ko, Pero tahimik parin ang matanda..

"Naiintindihan ko captain" nagulat ako sa tawag niya saakin pangalawang beses palang niya akong tinawag na captain "saka may tiwala ako saiyo, ipinagkatiwala ko saiyo ang apo ko,at alam kung my isa kang salita. Ngyon palang ipinagdarasal kung sana ay magtagumpay ka, mag iingat kayo." At ngumiti siya.

"Maraming salamat po lo. Sana nga lang po pagkatapos nito hind po ako kamuhian ng apo niyo, alam ko pong galit siya sa mga pulis kabilang na ako dun." Sabay baba ko ng tingin, "wag kang mag alala iha, baka nga ito pa ang maging dahilan para mabuksan ang isip ng batang yun e."

"Sana nga po"..

Magsasalita pa sana si lolo ng biglang pumasok si Elyzer, kaya nagkatingan kami ni lolo. "Oh apo? Kanina kapa sa labas?" Tanong ni lolo,  paano kung narinig niya ang pinag usapan namin. Bigla tuloy akong nataranta. "Bakit lo may pinagusapan ba kayong hind ko dapat marinig?" Tanong niya sabay tingin saakin. "Nakalimutan mo bang sound proof ang pinto ng opisina ko Elyzer?" Kaya bigla akong napatingin sa matanda ngumisi lang siya. "Akala ko pa naman ipinalam na ni margarret na itatanan na niya ako" sabi niya kaya bigla akong napatingin sa kanya, ang kapal ng mukha talaga. "Biruin niyo lo nagyaya ako ng date,dinner date tapos hind niya ako sinipot yun pala my iba siyang plano?" Pag mamayabang niya sa lolo niya.
"Baka kaya hind kanya sinipot dahil jan sa kayabangan mo apo. Wag ganun!" natawa ako, na siya naman nagpasimangot kay Elyzer. "Saka bat mo siya niyaya makipag date saiyo may gusto kaba kay margarret apo?" nanlalaki ang mata kung napatingin sa matanda at kay Elyzer.. hind ko alam pero meron sa part kung umaasa.
"Oo lo. Gusto ko siya, sadyang manhid lang siya tsk!" Nagulantang sistema ko sa sinabi niya kaya napatayo ako. Sabay hila ko sakanya "halika kana nga ang dami mong sinasabi, alis na kami lo" sabay kaway ko sa matanda. "Ingat kayo"

"Ikaw talaga hindi kana nahiya sa lolo mong unggoy ka!" Sabi ko sakanya habang hawak ko ang kamay niya tuloy para kaming nag hoholding hands na pababa.
Kaya napa bitaw ako agad, bigla akong nakaramdam ng kuryente.

"Anu bang masama sa sinabi ko? Totoo naman yun, manhid kalang talaga." Sabay ingos niya.

"Sabihin mo yan saakin na gusto mo ako pagkatapos ng araw na to, sumakay kana." Utos ko sakanya.

"Ako ang lalaki ako mag da'drive" pag totul niya "ako mag d'drive o hind tayo aalis?"

"Sabi ko nga, amazona ikaw ang boss" sabay pasok niya sa kotse, madali naman palang kausap.

Habang sa daan kami sa seryoso lang akong nagmamaneho. kinakausap ako ni Elyzer pero hind ako sumasagot "grabee naman parang wala akong kasama hayst" dinig kung reklamo niya, "pwedi bang matulog ka muna?" Sabi ko.
Pero hind siya sumagot, sumulyap ako sa kanya nakita ko siyang nag he headset. Chineck ko muna ang cp niya kung nagpapatugtug ba siya baka kasi ma fake news ako.. nung makita kung nagpapa music talaga siya. Kinuha ko agad cellphone ko at denial ko number ni pascual. Unang ring palang sinagot na niya..

"Kumusta jan anong balita? Tanong ko agad. "Capt nasa location na kami ng mga kidnaper dito sa lumang building na sinabi niyo at positive andito sila nagkukuta., kanina pa umalis yung van na itim limang lalaki ang lulan, malamang yun yung susunod sa inyo." Tumingin ako sa side mirror at may nakita nga akong itim na van. "Kasunod na namin ang itim na van" sabi ko at napansin ko din ang isang motor, malamang si muhajil to. "Sige capt. Mag ingat ka"
"Kayo din" sabay baba ko ng cp ko. Lumingon ako ky Elyzer ganun parin siya.

Sana masabi mo parin na gusto mo ako pagkatapos ng araw na to Ej.

Bulong ko sa sarili ko...

Pag lampas ko sa Express way nag shortcut ako dumaan ako sa hind mataong lugar.
Napagtanto ata ni Elyzer na ibang lugar ang tinatahak namin kaya napaalis siya ng headset saka tumingin siya saakin ng nagtataka. Nginitian ko lang siya, tumingin ako sa side mirror nakikita ko ng nag over take ang van saamin. "Margarret" tawag ni Elyzer saakin. "Elyzer kahit anong mangyari wag kang lalabas ng kotseng ito, at kapag sinabi kung yuko yumuko ka ok?"
Pero nakatingin lang siya saakin. "Anong nangyayari?" Tanong niya ulit. "Basta sumunod kalang sa sinasabi ko" sabay kuha ko ng baril ko sa compartment ng kotse, kitang kita ko ang gulat sa mata niya. Pero hind siya nagsasalita, ayaw ko siyang matakot pero nandito na to e. Kaylangan na niyang makilala si captain margarret dale entrata.. "makinig ka saakin Elyzer yung van na itim na nasunod saatin mga kidnaper mo ya--" hind kona natapos ang sasabihin ko ng biglang nag over take ang van saamin at biglang nag preno, kaya nakapag preno din ako.. "tandaan mo ang sinasabi ko Elyzer wag na wag kang lalabas naiintindihan mo? Hindi ka nila makukuha pangako." Tumango naman siya, kaya nginitian ko siya. Gusto kung iparamdam sakanya na safe siya.

Nakita ko ng lumabas ang apat na lalaki na may dalang baril, lumapit sila sa kotse namin at kinatok ang pinto. Inalis ko ang lock ng pinto ko pero nanatiling naka lock ang pinto ni Elyzer. "Ipikit mo ang mata mo at yumuko ka, wag kang titingin" sumunod naman siya. Pag bukas ko ng pinto nilakasan kona para matumba yung isa, saka ko binaril yung kasama niya,  tumalon ako sa hood ng kotse sabay sipa ko sa isa at binaril ko agad yung isa. Madali lang to para saakin dahil nasanay na ako.. pagkatapos kung mapatumba ang apat, gumapang ako papunta sa van nila.
Nung nakatayo na ako biglang my tumutok na baril sa ulo ko, ito yung driver nila. "Baba ang baril" sabi niya, agad ko naman ibinaba saka ako gumalaw, sinipa ko siya sa my tiyan niya, kinuha ko yung kutsilyo na nasa may sapatos ko saka ko ibinato sa kamay niya. Kaya hind niya nakuha ang baril.. "subukan mong gumalaw ng tuluyan kita" sabi ko sakanya. Nakatotok lang ang baril ko sa kanya ng bigla kung narining pag sara ng pinto ng kotse, alam kung si Elyzer to. Lumingon ako sa kanya ang dilin dilim ng mukha niya, hind ko siya masisi dahil mula't sa simula planado na to lahat.
"Sino kaba talaga margarret?"
Sasagot pa sana ako ng, biglang huminto si muhajil na sakay ng motor sa harapan namin. "Sorry captain nalate ata ako"  saka siya tumingin sa mga lalaking nakahandusay.. narinig ko narin ang serena ng mga pulis..

Pag tingin ko kay Elyzer namumula parin sa galit yung mata niya parang nagtitimpi "captain? After all niluloko mo lang pala ako? Fuck " Saka siya umalis sumakay siya ng kotse niya ng walang lingon lingon pinaharurot niya hanggang mawala na siya sa paningin ko, nanlulumo akong napaupo.

Im SORRY EJ.

I did this to save you.

                        ❤ END OF CHAPTER ❤

ANG GIRLFRIEND KUNG ASTIG ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon