Y. muhajil Pov
Continuation*
--
PAGDATING Namin sa barn na sinasabi ni chinito naabutan namin na nakatali sa upuan yung Lo-lo "ano nga uli pangalan niya?" Tanong ko kay chinito. "Si Logan sir."
Yun logan pala."At talagang nagsama pa kayo ng babae at isang pandak. Sabi naba mga bakla kayo e.!"
Teka nga? Ano yung sabi niya? Luminga ako sa mga kasama ko. Matangkad, matangkad! ako nga lang ang maliit sa kanila. So ako yung pandak? Aba teka nga.
"Hoy sinong pandak ha?" Tanong ko. Sasapakin ko sana pero napigilan ako ni capt. "Tss. Malamang ikaw." Ngisi niyang sagot. "Abat kingyna mo a." Binatukan ko nga.
"Tama nayan." Si capt.
"Ano? Marvin? Ganyan naba kayo kaduduwag? Magsusumbong na nga lang kayo sa babae pa?" Sabay lingon niya kay capt. "T-teka kilala kita a! Ikaw yung kasama ni barber nung gabing yun, tama ikaw yun HA HA HA HA." Saka siya tumawa ng malakas.
"Nasaan ang mga kasama mo?" Malumanay na tanong ni capt. "Bat ko naman sasabihin saiyo? Sino kaba?"
"Ako? Ako ang maghahatid saiyo sa kamatayan mo pag hindi mo sinabi kung nasaan ang mga kasama mo!" cold at Walang expression ang mukha na tanong niya ulit.
"Ha ha ha ha ha ha hah. Takot na takot naman ako saiyo miss, sa payat mong yan? Sa tingin mong matatakot ako saiyo? E isang pitik lang kita tumba kana."
BOOGSSSS*
Walang sabi sabi sinipa siya ni capt. Sa dibdib natumba siya kasama ng upuan.
"Pinaka ayaw ko sa lahat yun iniinsulto ako. Ngayon uulitin ko ang tanong! na-saan ang mga kasamahan mo? Ah.. matigas ka a." Biglang kinuha niya ang baseball bat na nasa likuran ng upuan.
"S-sir pigilan mo baka mapatay niya." Sabi ni chinito saakin. "Papatayin talaga niya pag di nagsalita." Sagot ko. Ako heto tamang noud lang. Sayang walang popcorn!
"Pero..."
"Almo ba na hind ako marunong magbilang? At kapag tinaas ko ang baseball bat nato titiyakin kung sa ulo mo tatamaa." Sabay unti unting tinataas ni capt ang basketball bat. Sunod sunod ang pag lunok ni logan.
Yung dalawa sa likod ko halos hindi na sila makahinga.
"Sir pigilan niyo si captain margarret."
Kalabit ni chinito saakin."Pag pinigilan ko yan saakin mabubunton galit niya. Kaya hayaan na natin siya, alam niya ang ginagawa niya." Sabi ko. Alam ko naman na tinatakot lang ni capt itong hayup nato.
"Magsasalita na akoooooooo, magsasalita na ako." Biglang sigaw ni logan. "Sa may diamond club, dun kami tumatambay palagi at tiyak kung andun sila ngayon." Sigaw niya.
"Magsasalita karin pala pinagod mo pa ako hayup ka. Saka siya binigyan ng sutok ni capt. Ayun tulog!
Sabay naman na nakahinga ng maluwag ang dalawa sa likod ko.
Natawa ako.
"Sir buhay pa naman yan diba?" Sabay turo niya sa nakatulog na si logan. Tanong ng kasama ni chinito. "Ikaw" turo ko kay chinito. "Ano nga pangalan mo?"
"Ben.. Benjamin alcantara." Ah yun naman pala.
"Oo buhay pa yan. Wag kayong mag alala."
Sabay tingin ko kay capt na palabas na ng barn. Langya hindi talaga marunong magsabi. Hays!
BINABASA MO ANG
ANG GIRLFRIEND KUNG ASTIG ( Completed )
ActionElyzer Justine Barber. Isang Varsity player, matalino, mayaman, hinahangan ng lahat. Girls are like piece of clothes to him. Mayabang, mapaglaro... He hates police! Captain Margaret Dale Entrata. A PNP officer, hard headed, sa sobrang tapang niya...