YOBERT MUHAJIL POV
__
PAGPASOK ko sa opisina nakita ko agad si capt na humihigop ng kape, at my pangisi-ngisi pa! Langya nagagawa talaga ng pag ibig. Sa bagay kung may tao man na masaya sa nangyari sa buhay ni capt ngayon e sempre ako yun. Sa dami ng naranasan niya, lalo nung mawala si sgt. paulo. Ngayon ko lang uli siya nakitang tumawa ng totoo!
Kaya sana lang talaga hindi siya saktan o paasahin lang ni sir Elyzer baka mapatay ko pa siya. Walang halong joke..
"Hay capt. Agang kiligin ah?" Agad kung upo sa harap niya, wala trip ko lang talaga siyang inisin. Hehe
"Oo nga! Ang aga mo din kasing mambweset." See ang daling mapikon.
"Kaya ayaw kung magka girlfriend kasi baka magaya ako saiyo, malala kana capt. Dapat ka ng magpatingin." Hirit kopa. Pero muntik na niya akong matamaan ng sapak siya. Putek!
"Alamo imbis na mambweset ka? Bilisan mona dahil may hahabulin tayong demonyo, at kapag nakaligtas pa siya mamaya ipapain kita." Kahit kaylan talaga si capt. Napaka brutal, minsan natatanong ko ang sarili ko kung paano nagkagusto si sir Elyzer dito, bukod sa savage na ang sama pa ng ugali..
"Anong binubulong bulong mo jan?" Tanong niya. See? talas din ng pandinig!
"Wala! Naiisip ko lang kung paano natin mahuhuli si Mario Cruz. Hayup talaga isang yun pag nakita ko yun, babalirin ko nalang agad para matapos na."
"Ok yang naiisip mo, para pag nakulong ka dadalawin nalang kita."
Langya.
"Ang sabi huliin, hindi sinabing patayin, pero pag nanlaban--"
"--papatayin?"
"Hindi parin. Kung maari kaylangan siya ng buhay. Marami tayong makukuhang impormasyon sa kanya pag nahuli natin siya."
"At paano mo naiisip na magsasalita yun? Yung mga katulad nun na halang ang kaluluwa mas gugustuhing pang mamatay kesa sa magsalita."
"Almo ikaw? Kung hindi ka lang naging pulis malamang mamatay tao kana ngayon." Sabi niya sabay ngisi. Letse naisahan na naman ako.
Kahit kaylan talaga hindi ako nanalo sa babaeng to, lakas mang asar e. Kaya tumayo nalang ako, iniwan ko siyang tumatawa parin.
"Anong nangyari? Mukhang ikaw na naman ang naasar ah?" Si pascual na naka salubong ko, may dala pang kape kaya imbis na sagutin kinuha ko nalang ang kape niya. "Gago! kumuha ka ng saiyo." Aagawin niya sana pero ininoman ko agad.
"Thanks pre. I love you too."
"Tangna mo."
"Love you tree." Tumatawa kung sabihin.
Kaya ayun inis na umalis.
"Tss. Ikaw talaga muhajil lakas mo mang asar kay pascual." Si gallo.
"Hayaan mona love naman ako nun."
"Gago! Nga pala kumusta ang mission niyo ni captain Entrata?" Tanong ni gallo.
"Oo nga! Wala parin ba?" Singit ni morales.
"Ang hirap tugisin ang demonyo nayun. Ilang araw na naming sinusundan, may sa pusa ata ang gago! Daling mawala."
"Baka may ating ating." Si gallo, kaya muntik ko ng maibuga ang iniinom ko.
"Uso pa ba yun ngayon gallo?"
"Aba molares kahit naman nag iba na ang generation natin still my mga paniniwala parin yun iba, saka totoo naman ang ating ating a."
BINABASA MO ANG
ANG GIRLFRIEND KUNG ASTIG ( Completed )
ActionElyzer Justine Barber. Isang Varsity player, matalino, mayaman, hinahangan ng lahat. Girls are like piece of clothes to him. Mayabang, mapaglaro... He hates police! Captain Margaret Dale Entrata. A PNP officer, hard headed, sa sobrang tapang niya...