AGKA (Part 33)

2.5K 125 14
                                    


The later

--

Paglabas ko ng village namin naabutan ko si margarret na may kausap. At sa sout niya ngayon lalo lang akong na turn on. Isang simpleng tshirt na puti at tenernohan ng faded jeans skechers na puti. Kaya pala pinag suot ako ng puti hmmp. May tinatago din palang ka chesehan si kapt. Lumapit ako sa kanya at busy parin siya sa kausap niya hindi niya ako napansin!

"-sinasabi ko saiyo muhajil pag nalaman ni lolo na nasa manila na ako, maghukay kana ng libingan mo." Paused "oo tatapusin ko yang kaguapuhan mong namana mo sa ninono mo." Paused. "Wala kana doun, kahit saan." Paused. "Oo na bye, storbo ka."

Natawa ako! Storbo na pala ngayon si muhajil. "Ehemmmp." Tumikim ako para kunin ang pansin niya.

"Tagal mo! kanina pa ako naghihintay dito." Agad niyang sabi.

"E sa pinag palit mo ko ng damit tapus magrereklamo ka jan?" I smirek.  Wala hindi talaga siya sweet. Yung imagination kung yayakapin at hahalikan niya ako pag nakita niya, kabaliktaran tangna!

"Ako ang babae ako ang pinaghintay mo?"
Sabay ikot ng mata niya. "So ngayon alamo na feeling ng pinaghihintay?"
Bigla naman siyang natahimik parang kinakalma niya ang sarili niya. sapol pero agad ko rin narealize yung ginawa ko. Lalo na nung natahimik siya. Kaya hinawakan ko agad ang kamay niya, "saan ba tayo pupunta?" Nagulat siya sa ginawa ko, but she maintained to smile. Thats smile na 6days kung hindi nakita. Bigla siyang pumara ng-- what the hell? Jeep? "Really margarret? May kotse ako, teka kunin ko lang." Akma akong aalis pero hinila niya ang kamay ko.

"Mas maganda yan, para lagi tayong magkatabi, pag nagkotse ka may pagitan parin tayo, pag nag motor ako. Sa likod kita, hindi ko makikita ang mukha mo. Atlest dito hind kona kaylangan lumingon para makita ka." Parang nahihiya niyang sabi. Naka nga nga lang ako sa pinagsasabi niya. Si margarret ba to? Hindi ko napigilang ngumiti. Ibang klase talaga ang babaeng to, hindi ata ako makakaganti ei. Rupok mo Elyzer!

"Tara na bago ka pa maihi sa kilig jan." Sabay hila niya saakin. Badtrip!

Kaya wala na akong nagawa kundi sumakay sa jeep na sa tanang buhay ko ngayon ko lang naranasan, at isa lang masasabi, ang sarap pala! lalo na sa position namin ngayon na para akong nakayakap sa kaniya, amoy na amoy ko ang pabango niya, yung buhok niya na nasa mukha kona. Hindi ko maiwasang mapapikit.

"O-okay kalang? Nahihilo kaba? Gusto mong bumaba?" Tanong niya.

"O-okay lang ako."

"Sigurado ka?"

"Hmmp."

Hindi ko maiwasang hindi kiligin, putcha lalaki ako, nakakabakla! Yung ganitong ugali ni margarret na tanging saakin lang niya pinapakita, tinging nilang tigasin. Pero mali sila. Oo ngat walang emotion palagi ang mukha niya, masyado siyang matigas na akala mo walang puso! Pero ang totoo non.  mahina siya, at walang siyang pinahihintulang makita yun! Siguro nga hindi ko pa siya lubusan kilala pero alam ko naman na darating kami dun. Dahil mula ng pinasok ko ang mundo niya, nangako ako sa sarili kung hindi na ako lalabas ng hind siya kasama. I know this is risky for me dahil bago to, pero kung ang kapalit naman noun ay maging akin siya. Handa akong sumugal.

"Andito na tayo." Pukaw niya saakin.

"Mall of asia? Anong gagawin natin dito?"

"Magdadate. Matagal ko ng di nagagawa to kaya tara na."

Magkahawak kami ng kamay na pumasok sa mall.  sinong magsasabi ng hindi kami couple? Halos parehas kami ng sout! Kumain mona kami sa macdo. Infairness masarap pala ang ganitong pagkain.
Saka kami pumunta sa arcade! Pinanindigan talaga niyang i dadate niya ako dahil ayaw niya akong pagbabayarin, nakakahiya man pero hindi na ako nagpilit lalo na pag tinitinginan niya ako ng nakakamatay na tingin. Minsan naisip kung tama si muhajil may lahing dragon tong si margarret.

ANG GIRLFRIEND KUNG ASTIG ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon